SLY 49

2.9K 91 3
                                    

--------------------

Maaga ako ngayon pumasok sa trabaho ko at maaga ding naglinis sa buong clinic.nag-ayos nang mga gamit ni doc at mga gamot sa istante.

Kaya din maaga ako kasi hihingi rin ako sa kanya nang permiso na mag leave nang isang araw tutal sabado naman bukas at sa linggo walang pasok.

Chance ko na to para dalawang araw din ang pamamalagi ko sa bayan kasama ang kapatid ko.

Alam naman siguro ang dahilan kung bakit ako mag li-leave nang isang araw diba.may meeting kasi ang skul nang kapatid ko.

"Doc, pwede po ba ako mag leave nang isang araw. Dadalawin ko lang po kasi ang kapatid ko sa bayan?"

"Ah ganun ba sige payag ako pero.isang araw lang. Alam mo naman wala akong kasama dito." Ang sabi ni doc habang busy siya sa ginagawa niya.

"Oho doc." At agad naman akong bumalik sa ginagawa ko.

Salamat at hindi ako nahirapan. Sandayang swerte ko talaga kay doc.ang bilis niyang pumayag.

Napatingin ako sa loob nang opisina ni doc. Mukhang may kausap siya sa telepono na kinasaya niya. At ang mas kinagulat ko ay kung paano siya kumilos nang masaya. Yung bang kinikilig na babae.

Ano yun?

Teka hindi ko panga tinatanong kay sir kung may pamilya na ba siya. Or girlfriend?

Ah tsaka ko na yan iisipin basta ang importante pumayag na mag leave ako at maka attend nang meeting sa kapatid ko.

Hindi pa naman magandang galitin si ruby. Kapag yun ang magsabi sayo tagalang ipapaulit palagi sayo hanggang sa sasakit ang ulo sa kakaulit nang mga bagay.

Maaga ako nag-abang nang bus papunta sa dating bayan na tinirhan namin. At dahil sa maaga ako agad rin ako nakasakay at nakaabot nang maaga.

Nakita ko rin ang kapatid ko na naghihintay sa akin. Nakatayo siya nang masilayan ako. Ngumiti siya at kumaway. Kinawayan ko din siya at ngumiti.

"Kuya ang aga mo ata.buti nalang at maaga ako."

"Dapat lang.bakit gusto mo'ko paghintayin ganun.?"

kinuha niya agad sa akin ang dala kong back pack."Si kuya talaga.tara na nga." He said while smiling.

"Dito ka ba nakatira?" Ang tanong ko sa kanya nang makaharap kame sa isang malaking bahay.

"Oo dito.tara pasok na tayo." Hinila niya ako at ang bag ko papasok.

"Seryuso ka ba na dito ka talaga nakatira?" Hindi parin ako makapaniwala na tanong ko.

"Oo nga kuya. Tingin mo lang bahay ito pero pagpasok mo boarding house yan. Ayaw mo maniwala.tara sa loob at nang maniwala ka." Pangungumbinsi niya.

Nagpahila nalang ako sa kanya. Nang makapasok kame sa loob nadatnan ko agad ang mga nagkalat na sapatos at tsinelas sa may pintuan. At ang mga damit sa sampayan. Ano bayan ang kalat.

"Kuya tara dito." Ang tawag ni ruby."wag tayo masyadong maingay tulog pa kasi yung iba." Paalala niyang sabi.

"Saan ba dito ang kwarto mo at nang makapag pahinga ako.?"

"Tara dito."

Habang nag-aayos siya nang mga kalat niya. Tumingin-tingin naman ako sa bawat sulok nang kwarto niya.

"Kuya magpahinga ka muna at aalis lang ako. Babalik rin ako agad." Ang paalam ni ruby. Tumango nalang ako.

Medyo pagod rin ako at bukas linggo naman tama lang yun sa pahinga.

----------

Ruby

Iniwan ko mona si kuya sa kwarto para makapag pahinga siya.alam ko na medyo pagod siya dahil sa maaga niyang pagpunta rito.

Lumabas ako para bumili nang makakain namin at puntahan ang skul ko. Hindi ko pa kasi alam ang eksaktong detalye nang meeting.

Naalala ko nga pala scholar ako sa RSU at may nakapagsabi daw na bawat scholar ay may magandang treatment na makukuha kame.

Napag-alaman ko din na aatend pala ang may-ari nang RSU. Hindi ko lang alam kong sino basta ang alam ko lang ay may importante silang sasabihin sa aming mga scholar.

Nang makuha ko na ang update bumalik narin ako sa boarding house, panigurado baka gising na si kuya.

-----------------

Devin

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa labas. Ano ba naman yan, bakit ang ingay sa labas kiaga-aga ang nagsisigawan parang may karera.

Minulat ko ang mga mata ko dahan-dahan. Pagkamulat ko napasigaw ako dahil sa isang bulto nang tao ang nakita ko sa harap ko.

Waahhhh. "Sino ka?" Ang tanong ko sa lalaki.

Nagulat din ang lalaki sa ginawa ko. "Pasensya na kung nagulat ko kayo, ka roommate po ako ni ruby."

Nang malaman ko na ka roommate pala siya nang kapatid ko, humingi agad ako nang tawad sa ginawa kong pagsigaw. Napahiya tuloy ako nang wala sa oras at lugar. Nasa boarding house nga pala ako nila ruby nang mapagtanto ko.

"Kapatid po ba kayo ni ruby?" Ang tanong niya sa akin habang nag-aayos siya nang gamit.

"Yup." Sabi ko lang.

Napa 'O' nalang siya nang malaman niya na kapatid ko si ruby.

Nga pala ang tagal naman ni ruby. Kalahating oras na ako nakatulog at wala parin.

Tumayo nalang para sundan ang kapatid ko. Nang bubuksan ko na sana ang pinto, naramdaman ko na parang bubukas din ang pinto.

"Oh kuya, saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin.

"Bakit ang tagal mo, susundan na sana kita kaso andito kana."

"Sorry may dinaanan lang ako."

Kumain nalang kame ni ruby after nang little conversation with his roommate. Pinakilala niya ako sa mga kaboardmate din niya at sa landlady nang bahay.

Masasabi ko is mababait naman ang mga tao dito yun nga lang,makalat sila. Pero okey naman sa akin basta walang gulo dito. Ayoko kasing napapasabak sa away si ruby o nakikipag kaibigan sa mga basag-ulo.

Nasa kalagitnaan kame nang pagkain nang magsalita si ruby.

"Kuya bukas na nga pala ang meeting. Kailangang maaga daw."

"Oo nga alam ko na yun."

"Kuya, nga pala diba sila kuya trevor ang may-ari nang RSU?"

Napatigil ako saglit nang sabihin ni ruby.

"Ano naman ngayon?"

"May balita kasi na baka pupunta rin ang president nang RSU.....at-----"

Sa pagpapatuloy ni ruby. Hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya.

Ang tanging iniisip ko is pano kung magkita kame trevor muli. Paano ko siya haharapin. Paano ko siya kakausapin kung gusto niya ako kausapin,pero ano naman ang pag-uusapan namin kong ganun?

Hindi mo alam ang gagawin ko, siguro ko ang mas mabuting gawin nalang is magpanggap na wala na kaming paki-alam sa isa't-isa na hindi namin kilala ang isa't-isa, yun nga ang dapat na mas magandang gawin para din sa ikakabuti nang pamumuhay namin.

Pero............

Bigla nalang bumalik sa isip ko ang alala nang nangyari sa amin noon. Ang alala na nagbago sa lahat. Ang gabi na napagsamantalahan niya ako.

Hindi kita mapapatawad.













Someone like You (Bxb) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon