Third person pov...
Lumabas na ako nang office para umuwi nakita ko siya na kakalabas lang galing locker room, hindi manlang siya tumingin sa akin para mag paalam kong aalis na siya, suplada talaga.
"Sir ingat po kayo." Sabi nang mga crew sa akin.
Nag nod lang ako sa kanila at pumunta sa may parking area, nakita ko siya sa kabilang kanto nakatayo mukhang may hinihintay, lumapit ako sa kanya.
"Oh akala ko ba umalis ka na. May hinihintay ka?" Tanong ko sa kanya. Hindi manlang niya ako sinagot, parang hindi niya ako pinapansin.
Hindi parin sinagot ni devin si trevor sa mga tanong niya.
"Asan ka na ba?" Tanong niya sa sarili niya.
"Ah ako ba ang tinatanong mo?" Sagot naman ni trevor kay devin. Nakangiti itong tumingin sa binata, pero si devin wala parin expression ang mukha.
Walang tigil na kinukulit parin ni trevor si devin sa mga tanong sa kanya. Nakaka irita sa pandinig niya ang mga paulit-ulit na sabi nito, nag suot nalang siya nang headset at nag patugtug sa phone niya.
Hindi parin tumigil si trevor panay ang tapik nito sa balikat niya at muntik na nga siyang mapatumba nang mabundol siya ni trevor.
"Ano ba,?" Singhal ni devin kay trevor.
"Sorry may ipis kasi kanina kaya napa atras ako." Nag peace sign pa ito sa kanya at naka ngisi pa ang mukha.
"Bakit andito ka pa, wala ka bang balak na umuwi?" Taas noong tanong ni devin kay trevor.
"Ikaw bakit andito ka pa?" Sabi naman ni trevor sa kanya nang naka pamewang.
"Eh ano naman kung hindi pa ako uuwi, at tsaka may hinihintay ako." Ang kulit talaga nang mokong na to, wag ata niyang sabihin na hinihintay niya ako, bakla nga talaga ang lokong ito, kagaya nang tito niyang si sir D mga bakla!. Yikes!!!.....
"Sige aalis na ako baka kasi maka abala pa ako sayo at nang hinihintay mo." Sabi naman ni trevor. Naka pamulsa pa itong naglakad papunta sa kotse niya.
"Bakit ang tagal ni patie akala ko ba sabay kaming uuwi ngayon?" Sabi ni devin sa sarili niya, tiningnan niya ang cellphone baka kasi nag txt sa kanya si patie.
Almost 30 minutes na siya nag hihintay kay patie pero wala parin ito.
Bigla nalang may bumusina sa harap niya. Nagtaka nalang si devin dahil andito parin si trevor, akala niya umalis na ito kanina pa.
"tch' andito ka padin,akala ko umalis kana?" Asar na sabi ni devin kay trevor.
"Umalis na nga ako bumalik lang ako dito dahil may nakalimutan ako, eh ikaw bakit andito ka pa rin?" Sabi naman ni trevor sa kanya.
"Diba sabi ko may hinihintay nga ako, kulit mo talaga, pang ilang beses ka bang inanak ng mama mo?" Na aasar na sabi ni devin sa kanya.
"Alam mo gabe na at mukhang hindi na darating ang hinihintay mo, at wala nang sasakyan ang nag dadaan kaya ako sayo umuwi kana, tara sabay ka na sa akin, ihahatid na kita, saan ba inyo?" Agad namang tanong ni trevor sa kanya, pinagbuksan niya nang pinto si devin para pumasok.
"Ayuko nga! Baka ma salvage pa ako, mag tataxi nalang ako." Sabi naman ni devin, naglakad na si devin para maghanap nang masasakyan pero wala siyang nakitang taxi. Naiinis na si devin sa sitwasyon niya at panay ang sipa sa mga duming nakikita niya sa daan.
"Sabi naman sayo eh, ihahatid nalang kita, wala na ngang taxi O, at tsaka 11 na kaya tara na, wag ka nang mag iinarte diyan." Mauturidad na sabi ni trevor sa kanya.
Hindi na makatiis si devin kaya pumasok nalang ito sa kotse ni trevor. Umupo ito sa side nang drivet set.
"Kailangan pa pala sayo kinukulit para pumayag." Tawang sabi ni trevor sa kanya.
"Pwede ba umalis na nga lang tayo!" Inis na sabi naman ni devin.
Habang nasa sasakyan sila bigla nalang tumunog ang cellphone kaya sabay nila kinuha ang mga cellphone nila.
"Sa akin nag txt.! Sabi ni devin kay trevor na dismayang nakatingin sa cellphone niya.
" sayo ba, akala ko kasi nag txt na yung mga babes ko." Malungkot na sabi ni trevor pero may pang-aasar na tuno parin.
"Tch' babes daming mga chicks..- sabi niya pero nakatingin parin siya sa cellphone niya.- playboy nga naman." Pahabol pa niya. Then binulsa na niya ang cellphone at balik sa katahimikan.
" O nga pala saan ang bahay niyo?" Tanong ni trevor sa kanya.
"Diyan sa may likuan tapos dumeritso ka tapos sa may tapat nang tindahan diyan ang bahay namin." Pag eexplain naman ni devin kay trevor.
Lumingon siya dito para makita kung na kuha ba ni trevor ang sinabi niya. Nagtaka siya bigla nang makita niya na nakatingin na pala ito sa kanya.
"Hoy! Na get's mo ba ang sinabi ko, nakatitig ka lang diyan parang ano na." Sabi ni devin sa kanya na naka snap pa ang daliri.
"Ah-oh oo na kuha ko," pautal na sabi nito.
Trevor pov....
Malapit na kame sa bahay ni devin, sa totoo lang ang saya ko ngayon dahil nahatid ko siya sa bahay nila. Wala naman talaga ako balak na ihatid siya ei, nakita ko kasi siya na naiinip na sa kahihintay kaya lumapit ako para alukin siya na sumabay nalang sa akin, pero itong suplada napaka hard to get. Ako nga itong nag aalok na ihatid siya may pa hard to get pa.
Pero im so happy kasi sa bandang huli pumayag na din siya, hindi ko nga alam kong pumayag ba siya parang napilitan lang ata dahil sa kakulitan ko, ganoon na ba talaga ako kakulit?
Ako kasi pag may gusto ako na talagang hindi ako titigil na makuha ko ang bagay na yun, kaya nga siguro pumayag nalang siya dahil yun nga sa kakulitan ko.
Kanina habang sinabi niya sa akin ang bahay nila nakatingin lang ako sa kanya nang walang kurap sa mata. Iwan ko ba kung paano ko yun nagawa nang hindi nakatingin sa dinadaanan namin.
Ayun tuloy naabutan niya ako na nakatingin sa kanya, napautal tuloy ako sa sinabi ko.
Siya kaya ano kaya ang nararamdaman niya na nakatingin ako sa kanya, iwan ko lang kung nahahalata niya ako o sadya lang na manhid siya.
Pero sa nararamdaman ko sa kanya ang masasabi ko lang na im into him, hindi sa gusto ko sa basta yung feeling na interisado ako sa kanya at gusto ko malaman ang lahat sa kanya parang yun lang ang gusto ko sa kanya.
Haist bahala na nga lang si kupido sa akin kung ano ang plano niya siya puso ko.
----------------*----------------
BINABASA MO ANG
Someone like You (Bxb) Completed
RomanceTrevor: Mahirap ba ako mahalin? bakit hindi niya ako kayang mahalin dahil ba sa pareho kaming lalaki? Yun ba ang gumugulo sa isip niya..? Mahal ko siya. Sa kanya ko lang unang natutunan ang mag mahal. Ang nakakatawa sa lalaki pa ako unang nagmahal...