SLY 84

2.7K 80 1
                                    

Two weeks and three days na ako dito sa hospital, bilang ko talaga ang mga araw ko dito no??. Paano ba naman kase wala akong ginawa dito sa loob kundi ang mahiga kumain o dikaya ay lumabas nang kwarto at patingin-tingin sa labas nang hospital. Nakaka bored din kasi minsan. Masasabi ko din sa aking paglilibot dito sa buong hospital, ang ganda nang pasilidad talagang mamahalin itong hospital na pinagdalhan sa akin ni trevor. Bait niya talaga kinilig tuloy ako.

Ngayon narito siya kasama ko. Naka-upo kame sa may magarang pasyalan dito sa hospital, isang malawak na garden na may mga upoang na gawa sa marmol na bato at mesa dito. At ang sariwa nang hangin din nakaka dagdag sa ganda nang pakiramdam mo.

Binigyan niya ako nang yakult habang naka-upo dito. Diko alam nagdala pala siya kanina,diko nakita yun ha??.

"Mukhang magaling na ang mahal ko huh?"ang magiliw niyang tingin sa akin.

"Syempre magaling kase mag-alaga ang mga nurse dito."ang pabiro kong sagot din sa kanya. Nakita ko na parang nakabusangot siya, siguro dun sa binanggit ko na nurse. Nagtatampo na naman itong mokong na'to.

"Ganun."ang mahinang pagkakasabi niya.

Talagang nalungkot na ang mukha ni mokong huh, grabe dali talaga nito otoin nakakatawa tuloy itong pagtripan. Matry nga kung papasa talaga.

"Oo kaya nga napapadali ang paggaling ko kasi palagi nila ako binibisita sa kwarto ko at chini-check para sa kundisyon ko. At alam mo ang babait pa nang mga nurse na naka assign sa akin. Kaya nga natutuwa pa ako sa kanila eh...."kunwari ko na masaya din ako sa pagkukwento ko. Ang gago mukhang nadala talaga sa acting ko. Hahaha...acting ko talaga.

"Buti naman kung ganun. Hindi ko na pala kailangan mag-alala nang husto."ang sabi niya nang hindi nakatingin sa akin.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?? May nangyari ba?"ang tanong ko.

"Siguro dapat ko nang sabihin ito sayo."at ngayon nakatingin na siya aa akin na lalong ikina kaba ko.

"Ano ba yun?"ang kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Did u remember that day na nabaril ka ni papa, that day din ang paghuli sa kanya nang mga pulis. Hindi ko alam kung sino ang nag pahuli sa kanya nun sa mga pulis. Hindi ko na alam ang nangyari that time, i was worried about you nang makita kong naka handusay ka na sa lupa at wala nang malay. Ang akala ko mawawala ka na sa akin, takot na takot ako that time hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. I always pray to god na sana iligtas ka niya sa kalagayan mo. And its worth it dahil dininig niya ang dasal ko. I am so-so much very happy na okey ka na during that operation. Doc tell me na okey na ang kundisyon mo. Babe..ikaw ang buhay ko hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala kapa sa akin. You are my evrything. Someone like you is hard to find kung mawala ka pa. At kung tuloyan ka mang kunin sa akin nang maykapal, i don't know kung hahanap pa ba ako nang katulad mo. And i guess hindi na siguro. Dahil ikaw lang ang nag-iisang lalaki na nagpapatibok nang puso ko. And i don't want anyone replace you in my heart. Just you only belong's here....."at tinuro niya sa ang puso niya.

Iwan ko pero nakatingin lang ako sa kanya nang magsalita siya sa akin. Hindi ko alam kung anong terms na salita ang mag didiscribe nang nararamdaman ko ngayon. Naghalong saya tuwa at pagka proud halo-halo na ang pakiramdam ko sa mga oras na ito. Totoo ba ang sinabi niya. Hindi niya talaga kaya na ang mawala ako sa kanya. Did he say na ako lang ang lalaki sa buhay niya ang taong nagpatibok sa puso niya??

Ngiting hindi ko masasabi na yun na ang pinaka perfect smile sa lahat ang tanging bumalot sa aking labi. Hindi ko mapigilang lumuha din sa harap niya sounds gay pero, parang ako na yata ang pinaka masayang lalaki sa balat nang lupa.

Someone like You (Bxb) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon