SLY 48

3K 88 6
                                    

Hello readers..

Alam kong naging matagal ang pag update ko. Medyo nahirapan lang kasi ako sa mga nagdaang araw. Marami lang iniisip.kaya heto ako ngayon mag uupdate na.

New update ko po ay tungkol ito sa buhay ni devin. Matagal na din siyang walang pov.kaya heto gagawa na ako alam ko na miss u na siya. Miss ko narin rin si devin tagal na hindi siya nagpaparamdam.

Sana maging maayos ang kalagayan niya.

Paano kaya niya hinaharap ang lahat nang pagsubok after 3years.

Sana naging maganda ang buhay niya nang mga huling araw na wala na sa kanya nagparamdam si trevor.

May nagbago ngaba sa kanya simula nang walang balita siya kay trevor?

Ano kaya ang naging kapalaran ni devin. tunghayan natin ang naging kapalaran ni devin.

Heto alam ko excited na kayo pati ako excited narin.

------------------------

    FORWARD

Devin

Sa isang malawak na lupain makikita rito ang napaka payapang bayan.

Unti-unting nagbago ang lahat sa isang pangyayari.

Sa kabila nang lahat na pinagdaan niya.ngayon lang niya na realias na may kulang pa pala sa kanya.yun ay ang kung paano magpatawad.

Nasabi na diba na magkasalungat ang naging buhay niya sa isa.

Hindi naging maganda ang naging pamumuhay ni devin.

Noong araw na sinundan niya ang kapatid sa plasa para maghingi nang sorry. Yun din pala ang araw na may mang-iiwan sa kanila. Sa araw ding yun ay ang pagkamatay nang tatay niya. Nagkasakit ito sa atay.

Hindi na naisugod sa hospital ang kanyang ama dahil wala rin naman silang panggamot noon.

Nang matapos iburol ang ama ni devin, nag desisyon siya na baguhin na ang buhay niya. Ngayon pa na siya nalang at ang dalawa pa niyang mga kapatid ang tanging naiwan.

Ibeninta niya ang kanilang bahay at umalis sila nang wala manlang nakaka-alam kung saan sila lilipat. Ang tanging isang tao lamang ang nakaka-alam nang sitwasyon sa buhay nila ay si Patty.

Kahit wala sa tabi niya ang kaibigan ay nagawa parin sa kanya ito tumulong sa pamamagitan nang pagtawag at pangungumusta.

-----------------------

After 3years nag-iba na nga ang kanilang pamumuhay. Nag tatrabaho siya ngayon bilang isang assistant sa isang clinic sa kabilang bayan.

Naging maayos naman ang trabaho niya dito dahil napag-papaaral niya ang kanyang kapatid na si Ruby sa sinasahod niya dito kada buwan.

Nasa kolehiyo na ngayon si Ruby at nag-aaral siya sa RSU kung saan ang nag mamay-aari na si trevor, ayaw man ni devin na ipasok ang kapatid doon sa paaralan ay napilitan parin siya nito na doon nalang ipasok. Alam naman niya na magiging maganda ang edukasyon nang paaralan bukod na sa maayos na estado nang paaralan ay mayroon ding advance learning ang tinuturo sa mga mag-aaral.

Architecture ang kinuhang kurso ni ruby, hindi na nagtaka si devin kung bakit yun ang kinuha nang kapatid.mahilig kasi ito sa mag drawing at mag design kaya hindi na maikakaila na yun ang gusto nang kapatid. Ang kanilang bunso naman ay nasa tiyahin nila.ang kamag-anak nang ina nila. Kasalukuyan ring nag-aaral ang bunso nila sa pamamagitan nang pagpapadala buwan-buwan sa probinsya  para sa pangangailangan nang kapatid sa pag-aaral.

Naging subsob sa trabaho si devin, wala na siyang ibang inisip kundi ang kapakanan nang kanyang dalawang kapatid. Alam niyang siya nalang ang nagtataguyod sa kanila.

Trabaho at bahay lamang ang palaging routine ni devin.hindi niya iniisip pa ang mag gimik o dikaya ay mag ligaliw. Kahit ang sariling pangangailangaan ay napapabayaan na niya maitaguyod lang ang dalawang kapatid at mapag-aral.


-----------------

"Devin, nandiyan ba si doc.?" Ang tanong sakin nang isang pasyente ni doc.

"Opo't nasa loob,umupo mo na kayo at sasabihin ko" iniwan ko ang pagwawalis at pumasok sa loob nang klinika.

"Doc may magpapa check-up po sa inyo."

"Sige papasukin mo."

Tumango ako bilang tugon. Si doc. Babon ang kumuha sa akin bilang assistant niya dito sa clinic niya. Bago palang ako nag tatrabaho sa kanya nagkakilala mo na kame sa isang aksidenti sa daan. Nabangga kasi ang sinasakyan niyang Van papuntang manila. Mayroon daw siyang libring gamutan or charity sa isang maliit na bayan nang manila noong araw na iyon. Tinulongan ko siyang ayusin ang mga dala niyang kahon-kahon na puro gamot para sa pag gagamot niya.

Mag-isa lang siya noon kaya tinanong ko kung bakit mag-isa lang siya. Madali rin akong sinagit ni doc.wala padaw siyang pamalit sa kakaalis lang niyang assistant. Nag hahanap kasi siya para may magtutulong sa kanya.

Dahil sa sinabi niyang iyon. Naka isip ako nang ideya.nag hahanap din kasi ako nang trabaho that time kaya eksakto mag-aaply ako kay doc.

At dahil sa sinabi ko na mag-aaply ako ay agad naman niya akong tinggap.kaya laking tuwa ko noon na nakahanap ako nang trabaho na hindi nahihirapan mag-aply. Dahil siguro rin sa ipinakita kung pagtulong kaya madali akong natanggap ni doc babon.


------------------------

Sunday ngayon at wala akong work.pagka sunday kasi sarado ang clinic ni doc siguro ko para din daw sa rest day niya at sa mga nagtatrabaho doon.

Maaga ako nagising dahil plano ko dalawin ang puntod nang mga magulang ko pagkatapos kung mag simba. Bihira nalang kasi ako pumapasyal sa puntod nila at baka nag tatampo na sila. Hahaha..

Kring3x....

"Hello, oh bakit? Si ruby kapatid ko yung tumawag.

"kuya wag mong kalimutan ang sinabi ko sayo, sa makalawa na yun."

"Oo na hindi ko naman nakalimutan, sige na may lakad pa ako." Ang aga-aga naman nag paparemind eh alam ko naman na sa makalawa na ang guidance meeting sa skul nila.

Ngayon kang ako makaka attend nang mga ganyang meeting, ayaw ko nga sana umattend kaso importante ang pag memetingan nang skul nila.No choice na ako kundi ang umattend.

........

Katatapos ko lang magsimba at naghintay na ako nang jeep sa paradahan nang terminal. Malayo kasi ang cemetery dito sa amin. Kailangan sumakay nang jeep papunta doon. At medyo malayo rin ito sa mga kabahayan.may malawak na lupain ang cemetery. Napakaganda nga dahil hindi mo masasabi na cemetery yun kundi sa mga lapida na makikita mo sa lupa maayos at malinis din ang kapaligiran.

Nakababa na ako sa jeep at pumasok sa napakalaking gate nang cemetery. Mukhang mga mayayaman lang pwede ilibing dito.

Nang matunton ko na ang libingan nang mga magulang ko. Nilinis ko ito at pinalitan nang bagong bulaklak na kakabili ko rin sa bayan.

Sa mga sandaling nakapiling ko sila, hindi sila nagkulang sa pag papalaki sa akin. Kailan man wala akong ibang hiniling dahil alam ko na ang pagmamahal nang mga magulang ko ang tanging isang bagay na binigay nila sa akin.

Kahit na maaga sila kinuha sa amin nang maykapal. Naging matatag ako at lumalaban para sa mga kapatid ko.

At alam ko rin na kahit wala na sila,nandiyan parin sila at nagbabantay sa amin.gumagabay sa aming buhay.

Sa bawat pag patak nang luha ang kapalit ay kasiyahan.

"Mahal ko po kayo".....

-----------------------















Someone like You (Bxb) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon