One day nalang bago ang araw nang 22th birthday ko. Gaya nang dati half excited at half nervous. Tinawagan ko ang mga old friend ko at mga ka batch ko para imbetahan sa party bukas. Hindi naman ako nahirapan na kontakin sila may mga no. naman nila ako dati pa. Huli kong tinawagan si matteo na kung pwede siyang umuwi nang manila for my party, ang gago talagang pumayag at hindi nakapag pigil ay agad-agad din daw uuwi siya.
"Okey thanks pare isama mo narin asawa mo."
"Wag na isturbo lang siya sa party."
Aba ang gago kung makaasta akala niya single pa ang loko. "Hoy! Baliw kaba asawa mo yan, bakit ayaw mo isama? Sige na isama mo narin si Vanessa para may kasama siya sa kasiyahan kung ayaw mong paisturbo."
"Sige nanga, kung hindi mo lang birthday hindi naman ako uuwi dyan."
Aba'y gago talaga akala niya siya ang gusto kung makasama sa party ko kaya ko siya pinauwi."hoy sira! Ide wag kang umuwi kung ayaw mo. Baka napipilitan ka lang nakakahiya naman sayo."
"Hahahaha....ikaw talaga hindi kana mabiro. Ang seryuso mo na talaga malaki na talaga ang pinag bago mo."
Nagtawanan nalang kame ni matt sa mga kasunod naming pag-uusap.
"Sige pare kailangan ko narin umalis may gagawin pa ako." Paalam ko sa kanya.
"Okey pare. Kame din ni misis mag papabook na kame nang ticket para makauwi." And then we end up the call.
Naglakadlakad mona ako sa may labas nang bahay ko. Hindi mona ako pupunta sa amin mukhang busy ang mga tao doon. Narinig ko kasi kay mama na hindi sa bahay gaganapin ang party. Pinagkasundoan nila na sa pinatayong resort gaganapin nalang daw ang party which is great idea. Para narin makita ko na ang pinatayo nilang resort. Sabi nila maganda ang area dahil sa eco friendly ito ay maganda ang view at tahimik may malapit ding beach kaya naman mag eenjoy ang gustong mag stay doon.
----------------
"Bilisan niyo na! Hey dalhin mo na'to sa labas. Please lang bilisan niyo na ang galaw niyo tanghali na!!"
Nagising ako sa mga ingay sa loob nang bahay. Ano na naman ba ang ginagawa nang mga tao at nangbubulabog sa natutulog. Lumabas ako nang room para tingnan ang nangyayari.
Kinakamot ko pa ang mata ko nang lumabas ako nang kwarto. Nakita kong nagkakagulo na sa baba. Lahat nang maid abala na sa mga ginagawa nila.
Biglang tumigil sila sa mga ginagawa nila nang bumaba ako sa sala at magtungo sa kusina. Nakatulala lahat sila nang makita ako naglalakad sa harap nila.
What the! Bakit sila natulala?
Tuktok na tutok lahat sila sa akin, ang isa pa nga nakanganga. May muta ba sa mata ko o laway sa bibig ko. Tumigil mona ako sa paglalakad ko at para alamin kung bakit nakatingin lahat sa akin. Nilingon ko lahat sila sa paligid at sa paglingon ko nanlaki ang mata ko nang mahagip ako sa isang reflection nang window namin. Kita ko ang sarili ko na naka boxer lang pala ako na lumabas nang kwarto. Kaya naman napayuko ako para tingnan ang suot ko. F**k...now ngayon ko lang alam kung bakit sila nakatingin sa akin is because of what I wear, naka boxer lang pala ako."Oh bat kayo tumigil...What the Trevor anak!" Sigaw ni mama na kakapasok lang galing sa may garden. " ano ba yang suot mo you are naked!"
"I know ma sorry hindi ko napansin na naked pala ako!" Dagli akong tumakbo paakyat nang kwarto ko habang takip ko ang katawan ko. Narinig ko pa ang ibang maid na pigil sa tawa nang makita ang itsura ko. May hiya din naman ako kahit paminsan-minsan ano? Napa buntong hininga nalang ako pagdating ko loob. Kinuha ko na agad ang towel para maligo. Mamaya nalang siguro ako kakain pagkatapos ko maligo.
"Hijo, mamaya after the lunch mauna ako sa inyo nang mama mo umalis dahil may pupuntahan pa akong client and after that dederitso na ako sa party mo.
"Ikaw bahala pa, pero kailangan dapat nandoon ka sa party ko bago mag start?"
"Abay oo naman, pupunta talaga ako ayuko ata palagpasin ang special na araw nang only son ko. Lalo na ang surprisa na sasabi-. Aray!" Napasigaw si papa bigla nang magsalita siya.
Nanlaki ang mata ni mama na tumingin kay papa. Para siyang nanlilisik na nakatingin kay papa. Parang sinasabi niya na isa pa at matatamaan ka sa akin.
"Ah Oo nga pala kailangan ko nang umalis. See u guys tonight." Agad agad ni papa hinalikan si mama sa pisngi. " Hindi mo man lang ba tataposin ang breakfast mo darling?" Tanong sa kanya ni mama." No i need to go." Sabay tingin sa akin. " ah okey see u tonight. Wag kang malate darling.?" Pahabol ni mama nang makalayo na si papa.
---------------
"Pare it's nice to be back here." Nandito kame ngayon ni matt sa harap nang RSU. Tama siya ang sarap sa pakiramdam na bumalik dito. Naalala ko tuloy ang mga kalokuhang ginawa namin dito.
"Bakit ka nga pala nagyaya dito? Oh?" Kita kong may hawak pala siyang beer in can kinuha ko naman ito sa kanya.
"Sorry pare alam ko may jetlag kapa."
"Walang kaso sa akin yan pare ikaw pa!" Sabay siko. "Nga pala kasama ko si Vanessa. Ayuko sanang isama yun kasi napaka daldal. Pero inisip ko si babe ko baka mabagot lang. Kaya naman napilitan nalang ako. Aray naman!"
"Gago ka ba! Ikaw talaga napaka selfish mo. Buti nga yan sayo."
Napakamot siya sa ulo kung saan ko siya hinampas nang can. "Ah ganun so pambabatok ka? Ang sakit pare ha? Kung gawin ko kaya sayo ang ginawa mo?" Akmang gagawin ko sana ang ginawa niya nang.
" Pare may problema kaba?" Tinapik niya ako sa balikat. Hindi naman ako makatingin sa kanya nang deritso. "Matt mabuti kapa tanggap mo ang nangyayari sa buhay mo. Masaya kaba sa buhay mo ngayon. I mean--."
Putcha! Nagulat ako sa biglang pagyakap niya. "Pare. Nag coconfess kaba ngayon sa akin. Bakit ngayon mo lang sinabi ito sa akin. Edi sana nakapag handa ako." Medyo nagtaka ako. " Edi sana ikaw ang kasama ko hanggan ngayon. Aray naman! Bat ka ba ganyan akala ko ba gusto mo ako.!! Aray!!!!!..."
"F**k you. Ulol. Gago!! Ano bang pinag sasabi mo. Okey ka lang ha? At anong sinasabi mong gusto kita? Tangi may payakap-yakap ka pa diyan."
"Ikaw naman kasi sa mga pananalita mo at sa itsura mo para kang aamin sa nararamdaman mo sa akin. Aray!! ayan ka na naman."
"Pwede ba patapusin mo mona ako. Thats why were here bacause of something a little different about my parents. May sekrito sila sa akin na hindi sinasabi. Nakapag-tataka ano kaya yun?"
"Sus yun lang ba?! Akala ko pa naman dahil sa akin na. Oppss....akala mo ha?" Gago talaga itong si matt ngayon ko kang napansin sa kanya ang ganitong humanside niya. Weird ang gagong 'to.
"So what do u mean about your parents?"
"Yun nga mukhang mayroon silang gagawin na iba."
"Baka naman sasabihin nila sayo na, hijo trevor, anak may sasabihin kame sayo nang papa mo. Oras na para bigyan mo na kame nang apo kasi--Aray!!"
"Matt you looks really weird!. Tara na alia na tayo, mag papalit pa ako nang suot ko." Umakbay ang gago tiningnan ko siya nang masama.
"Oh akbay lang pare! Walang halong malisya. Ikaw naman magkaibigan tayo right?" Pag eexpline niya para lang bata takot masaktan. Lol.
---------
Heto na naka pag update narin ako.
Sa next chapter na ang gabe nang 22th birthday ni trevor.
Ano kaya ang mangyayari sa birthday niya.?
See u in next chapter.
BINABASA MO ANG
Someone like You (Bxb) Completed
RomanceTrevor: Mahirap ba ako mahalin? bakit hindi niya ako kayang mahalin dahil ba sa pareho kaming lalaki? Yun ba ang gumugulo sa isip niya..? Mahal ko siya. Sa kanya ko lang unang natutunan ang mag mahal. Ang nakakatawa sa lalaki pa ako unang nagmahal...