SLY 17

4.4K 140 1
                                    





Date continue......




"Sorry ha, kung pinag hintay pa kita, may tumawag pa kasi cellphone ko." Pag paliwanag niya sa akin, mga kalahating oras na kasi ako naghihintay sa bahay nila.



"Okey lang yun, hindi naman ako nainip actually nga ang sarap kausap nang lola mo." Pa pilyo kung sabi sa kanya.




" ha, talaga anong naman ang pinag usapan niyong dalawa?"



"Kung ano-ano lang, hehehe.."



Nakarating na kame sa destinasyon namin, pero bago paman kame maka akyat sa rooftop may mga pasabog muna kaming nakasalubongn " wow, talagang pinag handaan talaga ito ni ruby" sabi ko sa sarili ko.



"Ang ganda, ano ang mga ito vin?" Nagtaka din si patie sa mga nakita namin sa mga nadadaanan namin.



Actually parang nakita ko na ang mga style na ito, yun ba yung ewan ko lang kung naka panood kayo nang aldub the first date, yung bago makipagkita sila alden at yaya dub ay may mga station muna silang pupuntahan tapos may mga nakasulat pa sa bawat station.


Yan yung nakikita namin ni patie may mga naka lagay na qoutes at flower sa bawat sulok nang madadaanan namin. Diba simple pero romantic.



Bilib na ako sa kapatid ko pati si patie na gandahan sa ginawa niya.



Pero syempre hindi ko naman pweding sabihin na ang kapatid ko ang may gawa nang lahat nang yan syempre sasabihin ko na ako ang nag plano nang lahat nang yan.


Sa huling station may nakasulat na i ba-blindfold ko si patie bago kame maka akyat nang rooftop, yun sinunod namin at naka blindfold siya. Inalalayan ko siyang umakyat.



Nang makapunta na kame sa may tuktok nang rooftop, pag bukas ko palang nang pinto nanlaki ang mata ko sa nakita ko,na pa WOW Ako sa nakita ko.Hindi ko inaakala na ganito mang-yayari ito.


"Devin, asan ka?" Oh shit nakalimutan ko pala si patie iniwan ko siya sa may pintoan nang makapasok kame dito, na amaze kasi ako sa nakita ko kaya pati ang kasama ko nakalimutan ko na, siguro ko baka pag nakita rin ni patie ito ma gagandahan siya dito.



==================>nasa kabila po ang hitsura nang rooftop sa date nila devin at patie.



Sana nga magandahan siya at yun na nga inalalayan ko siya, pina upo ko siya sa may table for two.



"Sige pwede mo nang tanggalin yan."


Nang matanggal na niya ang nakatali sa mata niya, na startruck siya sa nakita niya.


Hindi mo na siya nag salita, inikot niya ang mga mata niya sa paligid at panay ang ngito sa mga labi niya.



"Wow vin, totoo ba tong nakikita ko?" Masigla niyang tanong sa akin na hindi parin makapaniwala sa nakita niya.


Nag nod lang ako sa kanya.



"Teka, akala ko ba lalabas lang tayo for dinner bakit may ganito pa, ikaw ha kung ano-ano nalang ang pinag gagawa mo diyan," nahihiya niyang binaling ang.mukha niya sa akin.



"Bakit hindi mo ba nagustuhan ang surpresa ko sayo?"



"Nagustuhan ko naman syempre, ikaw pa eh ang galing-galing mo nga ei."


"Hindi lang to ang surprisa ko sayo, mayroon pa." nagtaka naman, na curious ata kung ano pa ang surpresa ko sa kanya.


Tinaasan lang niya ako nang kilay.



Someone like You (Bxb) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon