#Someonelikeyou
#Epilogue
Mahigit dalawang buwan na ang nakaraan mula nang lumabas sa hospital si devin. Masaya siyang sinalubong nang kanyang mga mahal sa buhay, hindi niya inaasahan na susurpresahin siya ng mga ito sa kanilang bahay. Nagulat na lamang siya nang makita niyang may mga tao sa labas nang kanyang bahay. Naroon ang kanilang tiyahin na nakatayo sa labas ng kanilang bahay at ang mga kapitbahay nila ay hindi rin nag pahuli na pumunta.
Hindi niya maitago ang labis na kasiyahan sa araw na iyon. Mahigpit niyang sinalubong nang yakap ang tiyahin at ganun din ang sinuklian sa kanya.
Halos hindi na niya matanggal sa mga labi ang matamis na ngiti na ipinakita niya sa mga taong nandoon para siya ay salubongin. Pakiramdam niya para siyang PBB housemates na sinalubong nang mga fans sa outside world. Ang daming kumaway sa kanya. Kaya hindi rin niya maiwasan na kumaway din at magpasalamat.
"Tayo na sa loob. May surpresang naghihintay sayo doon."ang sabi sa kanya nang tiyahin niya.
Ang tsang na niya ang nagbukas nang pintuan dahil sinabihan siyang wag mo nang pumasok. Tinanong naman niya kung bakit ayaw pa siyang papasukin. Sabi naman nang kanyang tsang ay basta maghintay ka lang at sabay pa itong kumindat sa kanya. Kunot noo naman siyang naghintay sa labas nang bahay nila. Hindi niya maiwasan tuloy ang maghinala.
"Ano kaya ang nasa loob at ayaw pa ako papasukin. May nangyari ba sa bahay ko?"ang sabi niya sa sarili.
Lumabas muli ang tsang niya na may ngiti sa labi. At inakay siya nitong pumasok na. Nang makapasok na siya sa loob, laking gulat niyang makita ang lahat. Talagang hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.
"A-anong g-ginagawa ninyong lahat dito? Bakit lahat kayo nandito? At bakit may ganito dito??"sunod-sunod na katanungan ang masa isip ko sa aking nakita. Talagang wala akong ideya kung bakit lahat sila narito ngayon sa bahay.
Nandito lang naman kasi ang lahat nang mga taong naging parte na nang buhay ko. Narito ang mga magulang ni trevor na masayang ngumiti sa akin, ang mga kapatid ko na nakapurma pa. At si patie na kasama niya ay....sino to? Bakit ngayon ko lang siya nakita.
"Welcome home Vin."napatingin ako sa palapit sa aking si Mia at kasama niya si Wacky na may regalong dala. Teka birthday ko ba?
Nagtaka ako sa kanilang lahat. "Teka birthday ko ba??"sabi ko.
Umiling lang silang lahat bilang sagot at nanatiling nakangiti na para bang may pinapahiwatig.
Kunot noo parin akong napatingin sa kanila. Kaya naman napatingin ako sa kabuoan nang bahay. Wala namang pinag-bago ganun parin ang itsura. Binalik ko nalang ang tingin ulit sa nga taong nakangiti parin sa akin.
Hindi ko nalang pinansin ang mga gusto kong itanong sa kanila.Kahit na weird silang tingnan ngayon, nagpapasalamat parin ako na narito silang lahat sa bahay ko para salubongin ako. Ang saya lang talaga sa pakiramdam na lahat nang mga nagmamahal sayo ay nagtipon-tipon para ipakita na nanatili paring nandiya para sayo. Kahit may mga araw nading nagdaan na gusto ko itanong sa kanila ay inalis ko nalang sapagkat ayuko masira ang araw na ito. Masaya na ako na kahit papano ay nakarating sila, dahil alam kong may mga kanya kanya na silang buhay ngayon at nagsama-sama lang para sa akin.
Tumingin ulit ako sa kanila na still naka smile parin. Parang timang lang sila huh..ang iba pa nga taas baba pa ang kilay na nakatingin sa akin. Napapa ngiti nalang din ako sa mga nakikita ko sa kanila....pero teka muntik ko na nga palang makalimutan.
Lumingon ako sa likod ko para matingnan ang taong hindi ko pa kanina nakikita. Saan na kaya ang isang iyon. Kahapon lang nagsama kame. Ang sabi niya sa akin hindi muna daw niya ako masasamahang umuwi kasi may importante siyang gagawin. Kahit may pagtatampo man sa akin ay naiintindihan ko nalang. Alam ko na busy siyang tao. Pero sana naman may oras siya para sa akin kung sakali man.
BINABASA MO ANG
Someone like You (Bxb) Completed
RomanceTrevor: Mahirap ba ako mahalin? bakit hindi niya ako kayang mahalin dahil ba sa pareho kaming lalaki? Yun ba ang gumugulo sa isip niya..? Mahal ko siya. Sa kanya ko lang unang natutunan ang mag mahal. Ang nakakatawa sa lalaki pa ako unang nagmahal...