SLY 83

2.5K 71 1
                                    

Isang linggon na ang nakalipas at ako heto narito parin sa apat na sulok nang aking kwartong pinapahingaan. Nakatingin lang ako sa labas nang  bintana para masulyapan ang maaliwalas na kalangitan. Iwan ko ba pag napapatingin ako sa kalangitan, gumagaan ang aking pakiramdam. Simula nang hinatid ako dito buhat nang isang malagim na pangyayari sa akin, napapadalas na ang pagtanaw ko sa langit. Siguro dahil binibigyan ako nito nang kaginhawaan at maaliwalas na pananaw.

Sana nga kung namatay ako, at kung magiging ano ako. Ang gusto kong maging ay ang pagiging langit. Kase pag naging langit ka, matatanaw mo ang mga natitirang tao sa buhay mo. Masusubaybayan mo palagi ang kanilang mga buhay. Pero syempre hindi naman ako seryuso dun. Ayuko pa kaya mamatay may mga mahal pa ako sa buhay na naghihintay sa akin lalo na may isang taong naghihintay sa aking paggaling at yun ay ang taong walang sawang nag-aalaga sa akin habang nag papagaling pa ako dito sa hospital.

Ang saya nga nang pakiramdam ko dahil tudo ang pag-aalaga niya sa akin. Hindi niya aki iniwan buong araw,palagi lang siyang nariyan at nagbabantay. Minsan nga naaawa na ako sa kanya dahil sa minsan napapabayaan na niya ang sarili niya just to make sure im okey. Sabi ko pa sa kanya na umuwi na muna siya at magpahinga, eh ayaw naman daw niya gusto niya talagang mabantayan ako. Baka kasi daw may mangyari sa akin na naman na ikinatakot niya. Naiintindihan ko naman siya alam ko na nag-aalala siya sa akin pero sana wag din niya pabayaan ang sarili niya. Hindi ko gusto na pati siya magkasakit kung ako lang ang magiging dahilan.

Kaya dahil sa kakulitan ko sa kanya at sa sinabi ko na pag ako naging fully recover na. Pinangako ko sa kanya na ako naman ang mag-aalaga sa kanya. Gagawin ko lahat nang gusto niya. At yun nga umubra naman ang sinabi ko sa kanya. Sumunod naman siya, umalis siyang may ngiti sa kanyang mukha.

"Oh kuya gising ka na pala"napatingin ako sa nagsasalita ang kapatid ko palang si robby at kasama niya ang bunso namin.

"Kuyahhh!!!!"ang pagtawag nang bunso namin sa akin. Tumakbo ito palapit sa akin at ako'y niyakap nang mahigpit.

Niyakap ko din si bunso at napayuko ako para magkaharap ang mukha namin."Ang laki muna ah, miss mo ba si kuya?" Tumango siya sa sinabi ko, hinaplos ko din ang ulo niya.

"Kuya okey kana ba? Wala na bang masakit sayo?"tanong sa akin ni robby.

"Medyo may kirot pa nang kaunti pero hindi na masyadong masakit."ang sagot ko naman sa kanya.

"Ito nga palang pagkain dala namin. Bagong luto ni t'sang kain mo daw habang mainit pa." Nilapag niya ang dala nilang pagkain sa lunch box na dala nila.  Napangiti nalang ako sa tuwang nadarama. Kahit kelan talaga marami paring taong nagmamahal sa akin. At yun ay ang aming nag-iisang tita na kapatid nang aming ama. Sinabi ko na ba sa inyo na ang t'sang ko ang nag-alaga sa bunso namin nang mamatay ang ama namin. Nagpapasalamat talaga ako kay t'sang. At ito ngayon nabalitaan niyang nabaril ako at sinugod sa hospital, hindi nagdalawang -isip na puntahan ako dito kasama ang kapatid ko. Subrang saya ko talaga. Salamat kay t'sang.

"Salamat robby, pakisabi kay t'sang na subrang thank you talaga dahil nandiyan siya para sa atin."

"Sige na kuya wag nang mag drama at kumain kana."

"Opo na sir."

"Teka nasan si kuya bayaw?"

"Huh?"

"A-ah ang sabi ko si kuya trevor bakit wala dito.??"

"Pina-uwi ko muna sa kanila para makapag pahinga. Wala na kasi yun time sa pagpapahinga sa sarili niya. Kaya ayun pina-uwi ko na muna sa kanila."

At yun nga kumain ako nang dalang pagkain nila. At pagkatapos kung kumain biglang may kumatok, tumayo si robby sa tabi ni bunso at lumapit dun sa pinto na may kumakatok.

"kuya may bisita ka ata. Babae eh." Huh babae? Sino naman kaya, wala akong ideya kung sinong babae ang sinasabi ni robby kaai kung si Patie man ang bumisita sa akin syempre makikilala ni robby yun. Pero pati si robby pinagtaka rin ang pagdalaw nang babae dito.

"Hi, kamusta ka na?" Hindi ko alam kung magagalit ba at sisigawan siya na 'bakit siya nagpunta dito, wala ba siyang hiya sa sarili niya at nagpunta pa dito, ang kapal nang mukha'. Pero syempre hindi ko yun sinabi. May pagtataka at maraming tanong sa utak ngayon kung bakit siya nagpunta dito.

"Nagdala ako nang prutas at mga pagkaing healthy para mapadali ang paggaling mo."ang casual niyang sabi sa akin habang nilalagay niya ang lahat nang mga dala niya.

"Salamat, hindi ka na sana nag-abala pang dumalaw dito."ang sabi ko sa kanya.

"Hindi, kailangan ko parin gawin ito kahit na may humadlang man sa akin. Narito ako para humingi nang sorry sa lahat nang nagawa ko sa inyo ni trevor. Alam ko na mali ako, kasalanan ko'to. Sana hindi ko nalang pinagdiinan pa ang sarili ko sa isang tao na alam ko namang may mahal na siyang iba. Kaya ko lang naman nagawa yun ay dahil sa isang pagkakamali, sa isang pagkakamali na alam ko ikakagalit nang parents ko pag nalaman nila ang nangyari sa akin."hindi ko alam kung ano ang sinasabi niyaat  nararamdaman niya ngayon pero ang nakikita ko sa kanya ngayon ay lungkot at pagsisisi.

Hinawakan ko ang kamay niya, nagulat siya sa ginawa kong yun kaya napatingin siya sa mata ko.

"Wag mong sabihin yan Mia, kahit ano pang nagawa mo naging mabuti kang kaibigan sa amin ni trevor. At kahit nagawa mo man yun, alam kung hindi mo yun ginusto na may masaktan sa ating lahat. Kahit hindi ko man naiintindihan. Naiintindihan parin kita kase naging kaibigan mo rin ako....."sabi ko sa kanya.

(Crying)mode ngayon si Mia nang makita niyang sincere ako sa kanya. Nakikita niya siguro na naging okey at mabuti parin ako sa kanya sa kabila nang mga nagawa niyang kamalian  sa amin ni trevor.

Sa totoo lang kahit na masama ang loob ko parin sa kanya, hindi ko rin maiwasan ang malungkot sa kanya. Hindi lang ako o si trevor ang nasaktan, siya din naman. Nagmahal lang siya at nasaktan kaya alam ko ang pakiramdam niya.

"Tahanan na, wag ka nang umiyak. Hindi maganda sa isang katulad mo ang umiyak. Lalo na ako ayuko na may umiiyak na babae sa harap ko. Parang ako pa tuloy ang nahihirapan sayo. Kaya tahanan na."pinisil-pisil ko ang mga kamay niya para marelax siya at timigil narin sa kaka-iyak.

"Ohh..??"nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Mia.

"Salamat talaga sayo. Kaya nga hindi ako nagdalawang isip na puntahan ka dito kasi alam ko na ikaw lang ang taong makaka-intindi sa akin ngayon. Salamat talaga devin. Maraming salamat talaga."mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin. Kahit may pagtataka man ako ay napayakap narin ako sa kanya.

"Walang ano man." Ako na ang bumitaw sa yakap namin at ako naein ang nagpunas nang mga luha sa mga mata niya. Sayang naman kasi sa tulad niyang magandang babae na umiiyak sa harap mo. Kung ako lang si devin na walang iniindang sakit siguro ako na mismo ang yayakap sa kanya. Kaso siya tuloy itong yumakap sa akin sa pagkakahiga ko sa kama.

"Aham!!" Si robby yun. Tiningnan namin. Makikita mo sa itsura niya na parang hindi gusto ang nakita niya sa amin ni Mia na ganung eksena. Tangi! Ano na naman ba ang iniisip nito. Batukan ko kaya 'to nang mahimasmasan. Pinandilatan ko siya nang mata ko para ipahiwatig na 'ano huh? Anong problema mo'. Nakakaloka talaga itong kapatid ko.






Someone like You (Bxb) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon