Chapter 3:Welcome

213 10 0
                                    

Mia's POV

Pagdating namin sa bahay
niya, laking gulat ko dahil
napakalaki nito at higit pa
doon, siya lang mag-isa ang
nakatira dito, wala kahit
isang katulong, bigla tuloy
akong kinabahan dahil
hindi ko alam kung seryoso
siya na patitirahin niya ako
dito, at kaming dalawa lang
ang titira dito...

Hindi ko rin alam kung
dito nakatira yung pamilya
niya, pero lahat ng tanong
alam ko naman na may
kasagutan, kung itatanong
ko...

"Mia, this is your room."
Nakatingin siya sa akin na
para bang naiilang siya sa
akin, pero pinilit ko pa rin
na maging natural.
"Uhh... sigurado ka ba?"
Parang ayaw ko pumasok
hangga't hindi ko nasisiguro
yung mga tanong ko, pero
siya na may sabi eh.

"Mia, sigurado ako, come on,
let's go in." Nginitian niya
ako habang pinipihit niya
yung doorknob... "Sure."
Matipid kong sagot sa kanya.

Natulala ako dahil sa
sobrang laki nito... seryoso ba talaga siya? "Joseph,t his is your room?"kinunot niya yung noo niya. "No Mia,this
is your room." Parang hindi
ako makapaniwala, lumunok ako at naglakas loob.

"Ikaw lang ba nakatira
dito?" Nadulas ako at hindi
ko rin alam ang sasabihin
ko sa kanya, kundi thank you, ngunit iba ang nasabi ko, bakit ko ba nasabi yun?
Tumango lang siya sa tanong ko, na ikinatulala ko
naman...

Ngumiti siya sa akin.
"Take a tour... feel at home,
welcome, Mia. Sige na...
Maiwan na muna kita, if
you need me, just go in my
room nandoon lang yun sa
may 3rd floor." Naiwan
akong nakanganga at katulad ng sabi niya... nag
ikot na ako sa bahay niya.

Inuna ko ang banyo... Ang
daming shelf, may shelf na
puro sabon ang laman, ang
mga sabon naman ay nakabalot pa, at bagong bago pa, sa second layer ng shelf, shampoo naman na pang babae, kinutuban ako na papatirahin niya dito ang
pamilya niya. Sa third layer,
nandoon naman ang mga
accessories ng banyo, mga
scrub, brush, na nakabalot
din.

Mayroon naman akong
nakitang shelf, na ganoon
din naman ang laman, yun
nga lang... para sa baby yun.
Hindi na ako masyado pang
nag-isip tungkol doon. Sa
part naman ng banyo,
mayroong pinto, pumasok
naman ako. Isa yung closet.
Katulad ng mga gamit panligo, halo halo rin ang mga damit dito, may pang
babae, pang lalaki, at pang
baby.

Pumasok ako sa kwarto niya, ngunit wala siya doon.
Saan naman kaya nagpunta
ang loko? Sinilip ko ang likod
ng pintuan niya at nakita
ko sa itaas noon ay may
litrato, palagay ko family
picture iyon, at anim silang
magkakapatid mayroon
siyang dalawang kapatid
na lalaki, at tatlong babae.

Binuksan ko ang cabinet
niya, hindi sa nakikialam
ako, hindi ko lang matiis na
tignan... May nakita akong
picture, nakita ko siya sa
picture na may kasamang
babae, isa yung babae sa
nasa family picture, at
ayaw ko sanang maghinala,
pero sa tingin ko girlfriend
niya yun.

Hindi ko alam kung
anong pumasok sa isip
ko, dahil hindi ako nakuntento, binuksan ko yung drawer niya, at may
nakita akong photo album,
ayaw ko na sanang galawin
'yon, pero talagang hindi ako nakuntento, binuksan ko yun...

Puro family picture, sa
pinakadulo may nakita
akong note, walang
anu-ano binasa ko yun.

  Anak... mahal na mahal kita. Sigurado ka ba na hindi ka na susunod sa Canada? Baka magbago yung  isip mo, hihintayin ka namin dito,
pagbutihin mo yung trabaho
mo.
                                           Love
                                      Tita Elise

My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon