Mia's POV
3 months later...
Iniha-handa na namin ni Joseph ang mga gamit namin pabalik sa Pilipinas. Actually, hindi lang kami ni Joseph. Buong pamilya ng Fuentabela ang sasama. One for all, all for one daw eh.
Hindi pa 'man tapos ang isang taon ko dito sa Canada, kina-kailangan na namin bumalik para kasama namin sila Ate mag-celebrate ng birthday.
Mamayang gabi na ang flight namin at bukas na ang birthday ni Ate.
August 6, 2017 na ng gabi dito sa Canada. Habang August 7, 2017 na ng madaling-araw sa Pilipinas. So 'pag naka-uwi na kami, pwede pa kaming magpa-hinga dahil August 7 palang naman doon sa Pilipinas. August 8 kasi ang birthday ni Ate. Hindi namin sinabi kung anong exact date and time kami makakarating dahil gusto ko syang magulat. Haha. Nahawa na 'ko kay Joseph ah. Mahilig manorpresa.
--
Sa kabilang dako...
Marvin's POV
Madaling-araw pa lamang ay gising na 'ko. Naka-balik na kaya sila Mark? Siguro naman makakarating sila sa tamang oras. Baka mamaya wala na silang abutan.
Nag-plano ako ng bongga para sa birthday ni Maria. Syempre, magse-celebrate kami sa bahay nila.
Ganito ang plano:
Ya-yayain sya ni Daniel na mag-date. Pero syempre, bawal nyang paka-inin si Maria. Baka kasi mabusog at hindi na maka-kain ng mga hinanda namin.
Habang nasa labas sila, ise-set up namin ang decorations at handa sa bahay nila.
At bagbalik nila, viola! Surprise!!!
So ayun na nga ang plano ko. Pero syempre, tatawagan ko pa ang mga kasabwat ko.
--
August 8, 2017
Maria's POV
Maaga ako nagising dahil may pupuntahan kami ni Daniel. Ina-asahan ko na dadalhin nya 'ko kung nasaan sila Mia. Kaya syempre, excited na 'ko. Miss ko na 'rin yung kapatid 'kong 'yun eh.
*Ding-Dong*
Dali-dali akong bumaba at binuksan ang pinto...
Bumungad si Daniel.
"Tara na?" Tanong nya na tinanguan ko lamang.
--
Habang nasa sasakyan...
"Pasensya ka na Maria ah. Ito palang makakayanan ko. Nagtitipid kasi ako para sa araw ng kasal natin eh." Sabi ni Daniel habang nagma-maneho.
"*chuckles* Kahit kailan talaga napaka-corny mo." Sabi ko nalang.
"Mahal mo naman..." Pambabara nya.
"Oo na, manahimik ka nalang." Dagdag ko pa. Wala na eh. Basag na yung mga pambara ko eh.
--
Sa mall...
Nag-i-ikot-ikot kami ngayon sa mall. Naku-curious na 'din ako kay Daniel. Kanina pa sya may hinihintay na text. Pero nevermind. Baka sa trabaho nya lang yun. Nag-absent kasi sya ngayon para lang masamahan ako mag-celebrate.
BINABASA MO ANG
My Dream Girl
RomanceNagmahal, nasaktan, lumayo. Napaka-sakit ng buhay na inabot ni Mark Joseph Fuentabela. Feeling nya nga ay tinadhana sya na malas sa buhay. Bukod sa broken family, broken hearted pa. Nagbago ang kanyang pananaw nang makilala nya si Mia Alonzo. Sya ba...