Chapter 37: Time To Move On

59 3 0
                                    

Jessica's POV

Iritang-irita 'kong tinatadtad ng pindot ang buton ng elevator. Kanina pa kasi ako naghihintay dito at punuan sa ibanh elevator. And, sorry. 'Di nyo ko mapipilit gumamit ng stairs.

Nandito ako ngayon sa building ng office ni Papa. Kasi wala lang, bumisita lang. Pagkatapos ko syang bisitahin ay umakyat ako papuntang rooftop at 'eto ako ngayon, nag-aabang ng elevator pababa ng ground floor. Nasa 5th floor kasi yung office ni Papa at yung rooftop ay nasa 8th floor.


Bigla akong kinilabutan nang bumukas ang pinto ng elevator ngunit kahit anino ay walang lumabas. It means, mag-isa ko bababa. Kaysa naman magtawag pa ko sa mga taong nakiki-siksik sa kabila, ma-suffocate pa ko.

No choice, sumakay ako mag-isa at pinindot ang buton ng ground floor.

Huminto ang elevator sa 3rd floor. May papasok siguro.

Mas tumindi ang takot ko nang bumukas ang pinto nh elevator at pumasok ang nagmamadaling lalaki. Ang taong ayaw ko nang makita at makasama...




Bakit? Bakit? Napag-usapan na namin 'to, pero bakit?

(A/N: Recall chapter 8-9. Jessica and Paulo's scene)

Napag-usapan na namin na lalayo na kami sa isa't isa at hindi na mag-uusap. Pero bakit sya ang lumalapit ngayon.


Naiintindihan ko naman na nagmamadali sya pero dapat lumabas nalang sya at naghagdan.




Bakit mo ginagawa sakin 'to, Paulo?




Maya-maya pa'y nagpatay-sindi ang mga ilaw hanggang sa tuluyan na itong namatay.


Nagsimula na 'rin akong maubusan ng hininga. Nalaglag na 'rin ang bag ko pero pinilit ko kunin yung phone ko. Tinawagan ko si Papa pero cannot be reach kaya si Marlo nalang ang tinawagan ko.



Narinig ko naman ang pag-pindot ni Paulo sa emergency button at nakita 'kong hinalukay nya ang bag ko.

[Hello, Jess?] Bungad nya sa kabilang linya.

M-marlon, tulungan mo ko, na-trap ako d-dito s-sa elevator ng 4th floor sa opisina ni Papa. Tulungan mo ko..." Naghahabol ng hininga 'kong saklolo.


Matapos 'kong sabihin 'yon ay pinutol ko na agad ang tawag.



Maya-maya pa'y inabot sakin ni Paulo ang tubig ko at agad ko 'yong ininom. Naka-upo na kami ngayon sa sahig habang naghihintay ng saklolo.

Patuloy pa 'rin ako sa paghihingalo. Tinakpan ni Paulo ang tenga ko sa 'di malamang dahilan ngunit hinayaan ko nalang.




After 5 minutes ay dumating na ang rescue team at nang makalabas kami sa elevator ay nabungaran ko na si Marlon.

Nang makita nya ko ay agad nya 'kong niyakap at kinumusta ang kondisyon ko.


Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay bigla nalang syang sinapak ni Paulo.

"G@g* ka! Nasa'n ka tuwing napapahamak ang girlfriend mo?! Kapag landian lagi 'kang present pero kapag napapahamak sya, lagi 'kang missing in action! Anong klaseng boyfriend ka?!" Bulyaw ni Paulo habang itinatayo ko si Marlon dahil napa-upo sya sa tindi ng sapak ni Paulo.

Akmang gagantihan sana ni Marlon si Paulo pero agad ko na silang pinigilan.



"Ms. Dadalhin na po namin sa ospital para ma-check ang kalagayan mo." Tawag sakin ng isa sa mga rescue team na agad ko namang tinanguan.





My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon