Chapter 13: Debut

110 4 0
                                    

Jessica's POV

Happy Birthday to me!
Excited much na ako.
Kasi wala akong alam sa party ko. Sabi ni Mama surprise daw yung 1st to 18th dance ko. Late na nga itong celebration ko kasi dapat sabay kami ni Mia ng birthday, kaya lang madami pa kaming inayos, nahirapan din akong pauwiin yung mga kaibigan ko na galing sa iba't ibang bansa.

Yay! Saan kaya kabilang si Mia? Sa 18 gifts? Sa 18 candles? Sa 18 treasures? O sa 18 charms?... Ano ba pinagkaiba ng 18 charms sa
18 treasures? Kung ano man yun, wala na akong pakialam. Ang mahalaga sa akin... 18 na 'ko, woohhoo party party!... What should I wear?...

Aha! Dahil mahilig ako kay
Spongebob, susuutin ko ang
aking yellow cocktail gown.
Sinuot ko na ang gown ko.

Tinignan ko siya sa salamin.
Ang ganda ko para ankong prinsesa, hindi na nga ako tumawag ng mag-aayos sa akin eh, I have my own style.
Kinulot ko nalang ang buhok ko at tinalian ng ponytail, ang cute ko hehe.

Nagsuot ako ng necklace na may heart pendant na kulay yellow. Sinuot ko din yung six inches na high heels ko, siyempre kulay yellow din.

"Anak, halika na aalis na tayo!" Tawag sa akin ni Mama. Sa reception kasi ng hotel gaganapin yung debut ko. "Opo!" Sagot ko naman.
Excited na talaga ako, yehey!
18 na ako.

Mia's POV

Ano kayang susuutin ko? Dapat mag mukha akong presentable 'dun at siyempre, si Jessica ang prinsesa.

Dumiretso ako sa cabinet ko at tumingin ng damit na isusuot ko para sa debut ni Jessica. Kinuha ko ang yellow dress ko, favorite color kasi yun ni Jessica.

Pagkatapos ko magbihis ay ibinalot ko na yung gift ko kay Jessica... Yung gift ko?
Simple lang, yellow t-shirt
na may printed na mukha ni Spongebob,at maikling short, sinamahan ko na din ng yellow doll shoes. Mahilig kasi si Jessica kay Spongebob eh.

Pagkatapos 'nun ay hinanda ko na yung necklace na may hating heart, siyempre nasaakin yung kahati nun. Ayun yung naisip ko na iregalo sa kanya sa 18 charms. Senyales din yun ng pagkakaibigan namin, simula kasi nung pinagbubuntis palang kaming mga magulang namin, mag bestfriend na kami.

Nag biyahe na ako papunta doon sa venue ng party niya.

Jessica's POV

Pagkadating namin sa hotel pumunta agad ako sa room na ni rent ni Mama. Doon nilagyan ko kaagad ang mukha ko ng make-up at bumaba na ako.

Nasa labas pa ako ng reception, sabi ni Mama saka lang daw ako lalabas kapag tinawag na daw yung pangalan ko.

Nung tinawag na yung pangalan ko, pumasok agad ako. Nagpalakpakan silang lahat, umakyat ako sa maliit na stage at naupo sa trono ko, este upuan na pang prinsesa.

Nagpa missa muna kami, sa lahat ng sinabi ng pari, isa lang ang nagpaiyak sa akin.
"Magpasalamat ka lagi sa mga magulang mo at sa mga tao na bumubuo ng masayang kaarawan mo ngayon." Sabi ng pari.

Pagkatapos 'non ay nag thank you agad ako sa kanilang lahat. Nagsimula na ang party at tinawag na lahat ng mga 18 roses na makakasayaw ko.

Ang first dance ko ay si Papa. "You look beautiful tonight anak, happy 18th birthday anak, dalaga ka na talaga." Sabi ni Papa sa akin.
"Thank you Pa." Sabi ko at niyakap ko siya. Inikot naman niya ako papunta sa second dance ko na si Daniel. "Ang ganda ng baby namin ngayon ah." Sabi niya, sinamaan ko siya ng tingin. "Mamaya ka sakin Daniel." Sabi ko, tinawanan niya lang ako.

At ang 3rd to 10th dance ko ay ng mga Tito ko. At ang 11th dance ko ay si Marlon Fuentabela, kapatid siya ni Joseph. Kababata ko si Marlon kaya close kami.
"Ang ganda pa din talaga ng crush ko, Happy Birthday beautiful." Sabi niya, oo crush niya ako. Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
Ang 12th dance ko naman ay si Bernie, business partner siya ng kompanya namin, ganon din si Joseph.
Ang 13th to 17th dance ko naman ay ang mga pinsan ko.

Ang 18th dance ko ay si Paulo. Hindi kami nagkibuan ng magsayaw kami. Pagkatapos 'nun ay kumain na kami, ang sasarap ng pagkain takam much ako! Maya maya ay lumapit sa akin si Mia.
"Happy Birthday friend!"
Bungad niya sa akin.
Pagkatapos ng kainan ay bumalik ako ulit sa trono ko.

Tinawag naman ang 18 candles. Kabilang dun si Mama at ang iba kong Tita, at classmates. Sumunod ay ang 18 treasures nandun naman ang Ate ko at iba ko pang classmates. Sumunod ay ang 18 charms duon kabilang si Mia, kasama 'dun si Chloe, pero si Mama ang naglagay sa kanya 'don hindi ko nga gusto na mapasama siya doon eh.

Tapos 'non ay ang party party, at picture picture. Pagkatapos ng party ko ay nilapitan ako ni Mia.
"Friend, gift ko sayo." Sabi niya. "Ha? Doble doble na yung regalo mo sakin." Sabi ko, nahihiya na nga ako kay Mia eh, kasi naman grabe yung effort niya tapos hindi manlang ako makabawi sa kanya.

"Friend, ganyan ka kahalaga sa akin, kaya please accept it." Dagdag pa niya. Tumango nalang ako. Sana manlang may magawa ako para pasalamatan siya.
"Thank you friend, baka maiyak pa ako dito. Masyado nang madrama yun." Pareho kaming natawa sa sinabi ko.

Umalis na kami sa venue at umuwi na. Pagkadating namin ay dumiretso agad ako sa kuwarto ko.

Tumalon agad ako papunta sa kama ko. Antok na ako...
Makatulog na nga.


Joseph's POV

Kinuha ko ang phone ko at nag text kay Bernie, umaasa ako na magiging maayos pa rin kami kahit na iisang babae lang ang mahal namin.

To: Bernie

Bro, nakita ko yung post mo sa timeline ni Mia. Bakit naman Bernie? Bakit kinukuha mo sa akin ang babaeng mahal ko? Kaibigan pa naman kita
Bernie.

Pagka send ko ng message pumikit nalang ako. Bakit naman kasi ang ganda ganda ni Mia eh.

Nag beep na yung phone ko.
Nag reply na si Bernie.

From: Bernie

Baka naman nakakalimutan mo na hindi lang ikaw ang may karapatan sa kanya. Kinalimutan mo yun Joseph, meron pa din naman akong karapatan sa kanya kahit na nauna ka. Kalimutan mo nalang di na naging magkaibigan
tayo.

Bakit Bernie? Traydor ka!
Isa kang malaking traydor Bernie!

Jessica's POV

Aish! Hindi ako makatulog!
Dahil ba 'to kay Paulo? Dahil ba 'to sa nangyari kanina?
Hay! Patulugin mo na ako!

"Jessica, matulog ka na. May
pasok ka pa bukas." Nag aalalang sabi ni Ate Jessie.

"Ate naman kasi! Hindi ako
makatulog eh! Antok na antok na ako pero hindi pa rin ako makatulog!" Pagmamaktol ko.

"Jessica, ipikit mo lang ang
mga mata mo." Sabi ni Ate.
Nahiga ulit ako.

"Ito oh, pahiran mo ng ointment para mapikit mo na yung mga mata mo." Sabi ni Ate at iniabot sa akin yung ointment.

"Matulog ka na." Dagdag niya pa at lumabas na sa kuwarto ko.

Nilagyan ko ng ointment yung noo ko. Bumigat na ang mga eyelids ko at hindi ko namalayan na nakatulog
na ako.


Bigla nalang nag ring yung cellphone ko. Sinagot ko kaagad yung tawag.

"Jessica, ako 'to si Paulo. Magkita tayo sa coffee shop bukas pagkatapos ng class mo."

Kinakabahan ako, tungkol kaya saan ang pag-uusapan
namin?

Itutuloy...

______________

My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon