Chapter 47: Mr. and Mrs. Fuentabela

58 2 0
                                    

Jessica's POV

This is real. My best friend is officially married!!!




Hindi kami nakalabas agad ng simbahan dahil sa alam nyo na... picture taking....



Paki-bilis naman, mga Ate't Kuya. Gutom na po si Ako~ (T.T) 😭




Halos 1 hour kaming nando'n kaka-pa-picture. Hmf. Palibhasa kasi hindi sila gutom, hindi tulad ko na gutom na gutom.











Pumasok na kami sa sasakyan para bumalik sa hotel para sa reception.






.

.
.

.

.

.

"Jessica, gising na..." Nagising ako dahil sa malambing na boses na tumatawag sa pangalan ko.



Si Marlon...



"Tara. Baba na tayo. Para makakain ka na..." Eh? Pa'no nya nalaman na gutom ako? Siguro gutom 'din 'to.







Akala ko nga kanina paggising ko nasa langit na 'ko eh. Akala ko namatay na 'ko sa gutom. Kaya mga reader, 'wag matutulog ng gutom~



Bumaba na nga kami saka pumasok sa hotel.




'Pag pasok ko sa venue kung saan gaganapin ang reception, agad akong pumunta sa kusina.







Nakita ko naman na lahat ng nasa listahan ay nagawa nila.






Umupo na 'ko sa assigned seat para sa'kin.







Ilang minuto pa'y dumating na sila Mia at Joseph. Nagpalak-pakan naman kami.




"Ok. Nandito na ang bride and groom. So let's start with a prayer." Pagkasabi ni Ate Maria ay yumuko naman kami at nag-sign of a cross tapos nagdasal na sya.





"Ok, simulan natin sa mga Ninong at Ninang." So ayun na nga, yung mga ninong at ninang ng kasal ay nagbigay na ng wishes sa bagong kasal.









"Hehe. Ako na susunod. Ehem." -Ate Maria



"Una sa lahat, congratulations sa inyo at sana magtagal pa ang pagsasama ninyo. Kung kailangan nyo ng tulong, nandito lang kami palagi, handang tumulong. At gampanan nyo sana ang pagiging mabuting magulang para sa mga magiging anak nyo. Joseph, binigay ko ang tiwala ko sa'yo kaya sana ay pakaingatan mo 'yon. 'Wag na 'wag mong sasaktan ang kapatid ko dahil kapag sinaktan mo 'yan, do-doble ang sakit na matatanggap mo mula sa'kin. At Mia, ikaw 'rin. 'Wag mo sasaktan 'yang asawa mo. 'Pag 'yan sinaktan mo, nako. Hindi na 'ko magda-dalawang isip na saktan ka kahit pa sabihin nilang kapatid kita. Alagaan nyo ang isa't-isa at congrats ulit." Pagka-speech nya ay yumakap sya kala Mia at Joseph.


Pagkatapos no'n ay nag-speech 'din ang mga kapatid ni Joseph. (A/N: Hindi ko na po sasabihin angga message ng mga kapatid ni Joseph. Halos pare-parehas lang naman ng katulad kay Maria.)

Ako na ang sumunod.


"Congaratulations sa best friend at sa kaibigan ko. So ayun, hindi ko na sasabihin yung mga sinabi ng iba kanina. Pero gano'n 'din naman ang gusto 'kong sabihin sa inyo. Aym berry excited. Gawin nyo 'kong ninang ng magiging anak nyo ah. Alagaan nyo ang bawa't isa sa hirap at ginhawa. Pareho namab kayong dalawa na good looking. Kaya aasahan ko na cute ang magiging ina-anak ko ha?" Tumango naman silang dalawa.





Pagkatapos no'n ay niyakap ko si Mia at nakipag-kamay kay Joseph saka bumalik sa pwesto ko.







Tumayo naman si Joseph at nagsalita.




"WHAT'S UP MADLANG PIPOL!!? Ok. Seryoso na. Una sa lahat, nagpapasalamat kami ng... ehem. ASAWA KO dahil pina-unlakan nyo ang aming kasal. Salamat po, Tito William or should I say Tatay? At kay Ate Maria dahil binigay nyo ang inyong basbas at tiwala sa'kin. Nangangako ako na hindi ko sisirain ang tiwalang ibinigay nyo sa amin. At sa mga kapatid ko, salamat dahil tinanggap nyo si Mia. Salamat 'din kay Kate, kay Mommy Leila, at kay Bernie (kahit na wala sya dito ngayon) dahil sa suporta nyo. Pagpalain kayo ni God. Salamat po." Pagkatapos ay umupo na sya. Sunod naman ay tumayo na si Mia.









"Thank you po sa pagpunta ay pagsuporta sa kasal namin. Thank you 'din sa mga naki-cooperate sa kasal namin. Yung aming mga bridesmaids, groomsmen, flower girls, ring bearer, sa mga ninong at ninang, at syempre, kay father. Nangangako po ako na aalagaan ko ang aking... ASAWA. Salamat po Tito Chander, Tita Elisse, Marlon, Kuya Marvin, Zoey, Britney, at Honey dahil tinanggap nyo 'ko bilang kapamilya nyo at dahil ibinigay nyo ang basbas nyo sa amin ng ASAWA KO. Salamat po muli. Ngayon, pwede na po tayong kumain." Pagka-upo ni Mia ay tumugtog ang counting stars. Ang ganda. May music habang kumakain.












Dinudumog ang bagong kasal ngayon para i-congratulate. Hanggang ngayon hindi pa 'rin sila tapos sa portion na 'yan?! Parang ayaw ko na tuloy ikasal.













Pagkatapos ng portion na 'yon (na akala ko ay hindi na matatapos), hiniwa na nila Mia ang wedding cake nila saka nagsubuan.









Tumayo naman na kaming mga bridesmaids para ipamigay ang wedding souvenir nila Mia.










Pagkatapos kumain ni Mia ay agad akong lumapit sa kanya.









"Tara, Mia. Punta tayo sa photobooth." Yaya ko sakanya at saka sya hinila.







Naka 2 shots kami ni Mia. Sumunod sa photo booth ay si Joseph kasama ang pamilya nya. Sumunod ay si Mia kasama si Tito William at Ate Maria. Then ang mga couples ng barkada namin. Tapos na 'din kami magpa-picture ni Marlon.








Sumunod ay nagpa-picture kaming magba-barkada. Wooh~ tropa goals.














Pagkatapos ay dumiretso na 'ko sa kina-uupuan ko.










"Naiinggit ka na naman? 'Wag ka mag-alala. Sunod na tayo." Bulong sa'kin ni Marlon. Dahil do'n siniko ko sya ng mahina.




Pinagsasabi nito? Ayoko na nga ikasal eh.











Hindi ko na namalayan na pinatugtog na pala ang Thousand Years, kasabay no'n ay ang pagsayaw ni Mia at Joseph sa gitna.











Waaah~ kinikilig si akezzz.







--

Natapos na ang reception at umalis na ang mga bisita. Paalis na 'rin kami dahil aalis na 'din naman sila Mia at Joseph para sa kanilang honeymoon.








"Hatid na kita." Prisinta ni Marlon q.






"'Wag na. Pagod ka na 'ri eh. Pahinga ka na. Kaya ko na mag-isa." Tanggi ko.







"Sige na... please~ do'n na 'rin ako matutulog sa inyo. Kung gusto mo, mauna na tayong mag-honeymoon kala Mia eh." Sinadya nyang hinaan ang huli nyang sinabi pero sapat na para marinig ko.









"Tch. Hatid mo na nga 'ko, may pa-honeymoon honeymoon ka pa dyan eh." Sabi ko nalang.


--

Diary ng Madaldal

Vote, recommend, and support, pleyas~
B






Target: Reach 3k+ reads para sa next update

My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon