Chapter 25: Lost Child

70 5 0
                                    

Jessica's P0V

Aakmang sasampalin na sana ako ni sensitive pero agad ko namang nahuli yung braso niya.

"DON'T YOU DARE LAY YOUR DIRTY HANDS THROUGH MY FLAWLESS SKIN!" Sigaw ko sakanya.

Sasampalin niya na sana ulit ako gamit ang isa pa niyang kamay... pero bago niya pa magawa 'yon, tinapon ko na sakanya yung cake ko. Huhu. CAKE KO!

"WHAT THE HECK!" Yun nalang ang nasabi niya at dumiretso na sa CR.

Nagpalak-pakan naman ang mga tao sa buong café.

"THANK YOU! *fying kiss*"

"Tama na 'yan. Baka maging laman ka pa ng headlines sa dyaryo." Bulong ni Mia sabay hatak.

***

"Such a loser. Nakita mo ba kung pa'no ang naging reaksyon niya? So EPIC!"
Proud na sigaw ko habang naglalakad kami pauwi.

"Aaminin ko, napaka-wild ng ginawa mo... pero mali parin yun."

"Hmf! Palibhasa kasi, lagi kang nagpapa-api. Try mo din namang gumanti." Pagsusungit ko pa at umuna ng lumakad.

***

Mia's POV

Pagkadating na pagkadating ko palang, humilata na agad ako sa sofa. Ipinikit ko ang mga mata ko... nakakasilaw kasi. 'Pag humiga kasi sa sofa, masisinagan ka kaagad ng ilaw.

"Pagod? Ganyan talaga. Konting tiis nalang." Napadilat ako nang marinig ko ang boses ni Ate. Nakatitig siya sakin habang magka-salubong ang mga kilay niya.

"Ate, hanggang kailan mo ba 'ko babantayan dito?"

Nag-aalala na kasi ako kay Ate. Gustong-gusto niya maging Secretary ni Dad... Kaya lang, 'eto siya, hindi ako maiwan sa hindi ko malamang dahilan.

"Anong ibig mong sabihin?"
Nagtatakang tanong niya. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Pumunta ka dati sa London para makamit ang pangarap mo... nando'n na eh. Ate nando'n na... Pero mas inuna mo pa 'ko. Ayos na lahat ng papeles mo, may passport ka na, ano pa ba? Ngayon ka pa aatras? Ate, ayos lang ako dito. Ayoko maging hadlang sa pangarap mo... Kaya sana Ate, unahin mo ang sarili mo."

"Wala akong tiwala sayo eh. Tignan mo, nalinga lang ako ng kaunti... apat na agad nanliligaw sayo... aba malupet! Ibinalato mo na sana sakin yung tatlo... Si Joseph... Sayong sayo na yun." Natawa nalang ako sa reaksyon ni Ate. Kahit kelan talaga... Ang BITTER niya. Walang pinipiling lugar at oras.

"Oh, siya! Matulog ka na."
Sabi niya at tumungo sa banyo.

Hindi na kami nagdi-dinner, hindi naman kasi kami gutom. Natutulog din kami nang maaga. Para hindi badtrip pagkagising.

Tumungo ako sa banyo ng kwarto ko, pagkatapos, natulog na.

***

"Ate, alis na 'ko ah." Paalam ko. Magmo-mall kasi ako. Wala pa 'kong materials para sa project sa E.P.P. eh.

***

Nakapamili na ako ng mga gamit ko. Naisipan ko munang dumiretso sa garden ng mall.

Nang makahanap ako ng pwesto, agad akong umupo doon.

Malinis naman dito kasi damo 'tong inuupuan ko.

Habang lumalanghap ng sariwang hangin, ay napapikit ako. Para feel na feel.

Napadilat ako nang makarinig ako ng hagulgol.
Hagulgol ng isang bata.

Agad ko namang inilibot ang paningin ko at may isang naka-agaw ng atensyon ko.

My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon