Chapter 15: Coming Home

88 5 1
                                    


Joseph's POV

Sabay kami pumunta ni Kuya Marvin sa Living Room para kausapin si Tita Elise.

Pagkadating namin sa Living Room umupo na agad kami. Nandoon na din si Tita Elise nagbabasa ng magazine.

"Ma, magpapaalam lang po sana kami ni Mark para umuwi ng pilipinas." Panimula ni Kuya. Sinarado na ni Tita Elise yung magazine niya. Ano kayang magiging sagot niya? Papayag iyan. For sure.

"Sige pero two weeks lang puwede." Yes! Sabi na papayag siya eh.

Umalis na agad kami ni Kuya sa Living Room. Dumiretso na kami sa sari- sarili naming kuwarto.
Pagkadating ko sa kuwarto ko nag impake agad ako.

Hintayin mo ako Mia. Alam ko naman na kahit hindi mo sabihin miss mo na ako eh.

Pumunta ako sa kuwarto ni Kuya. Nasa harapan na ako ng pinto niya. Hindi pa ako naka kakatok bumukas na agad yung pinto.

"Anong kailangan mo?"
Naramdaman niya kaya yung presensya ko kaya binuksan niya kaagad?

"Kailan ba alis natin?"
Tanong ko.

"Sa friday na tayo aalis."
Sagot naman niya. Tumango nalang ako at naglakad pabalik sa kuwarto ko.

Ano kaya magiging reaksyon ni Mia pagbalik ko?

Bahala na, basta alam ko miss na miss na ako 'nun.

Inaantok na ako. Halos dalawang oras lang kasi yung tulog ko kagabi. Siyempre kakaisip kay 'special someone' siyempre, hindi ko na sasabihin yung pangalan niya. Kilala niyo nanaman siya diba?

Hinayaan kon nalang ang sarili ko na makatulog...

Friday...

Hay sa wakas! Friday na! Wohooo lam na this! This is it! Ang araw na pinaka hihintay ko sa isang buong linggo.

"Mark, bilis naman baka ma late tayo sa flight!" Sabi ni Kuya na nakasandal sa harap ng kuwarto ko.

"Oo na nga, eto na nga mabilis naman ako kumilos. Na late lang ng gising. Unlike you, na late na nga ng gising ang bagal pa kumilos."

"Oo na, ako na mabagal. Dalian mo na dyan puro ka satsat." Para talaga kaming mga timang na kahit ang lapit lapit namin sa isa't isa sigawan parin kami ng sigawan.

45 minutes later...

Nandito na kami sa airport.
Hinihintay na lang namin yung plane. 25 minutes na nga kaming naghihintay eh.

"Ang tagal naman." Pssh. Magmamadali ka tapos ikaw pa maiinip. You deserve it.

Nanahimik lang ako sa buo naming paghihintay. Nakita ko na yung plane na sasakyan namin kaya naglakad na ako papunta 'don. Nasaan na si Kuya? Bakit parang hindi siya sumusunod?...

Bumalik ako sa puwesto namin kanina. Nakita ko siya. Tulog na tulog. Hay naku, kahit kailan talaga 'to.

Hinagis ko sa kanya yung jacket ko na ikinagulat naman niya.

Tinuro ko sa kanya yung plane na sasakyan namin.
Tumayo na siya at nagsimula na kaming maglakad.

Pagkasakay namin ng plane, hinanap niya agad yung seat number niya. Pagkaupo niya natulog agad siya.

Sumunod nalang ako sa puwesto niya at natulog nalang din ako.

-------

Ouch! Tinignan ko lang siya. Nakangiti lang siya sa akin. Yung nakakaasar niyang ngiti.

"Nandito na tayo." Natatawa
niyang sabi. Ganon ba talaga ako katagal na tulog?
Ang sama pa ng gising ko. Hagisan ba naman ako ng plastic bottle.

My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon