Chapter 44: Making things right

65 2 0
                                    

Third Person's POV

Pumunta ang Tatay ni Joseph na si Chander sa bahay ng dati nyang asawa na si Leila.

*Ding-Dong*

Agad naman syang pinag-buksan ng isang maid.

"Nandyan ba si Leila?" Tanong nya.

"Opo. Nandito po si Ma'am. Pasok po kayo." Ihinatid sya nito sa salas.

Ilang minuto 'din syang naghintay bago nagpakita si Leila.

"Anong kailangan mo?" Bungad ni Leila.

"Leila, ang anak mo na si Perla ay girlfriend ng anak 'kong si Marvin. Aaminin ko na ayaw na kitang makita at alam 'kong gano'n ka 'rin. Pero sana'y magpa-raya tayo para sa ikali-ligaya nila. Isang araw lang naman tayo magki-kita 'diba? Sa araw ng kasal lang naman nila." Paki-usap ni Chander.

Naisip 'din ni Leila na tama si Chander. Mabuting anak si Perla. At alam nyang madi-dismaya ito kung pai-iralin nya ang ka-artehan nya.

"Oh sige. Isang araw lang naman tayong magki-kita. Pero tandaan mo na ginagawa ko 'to para sa anak ko. Si Honey pala? Kamusta na sya? Pati na 'rin si Mark."

"Si Honey, ok lang sya. Masaya sya sa gina-gawa nya. Si Mark... ika-kasal na sya..."

--

Joseph's POV

Nagha-handa na kami para sa kasal ko. Oo, ika-kasal na 'ko. Sinagot ako ng yes ni Mia. Kaya 'eto, excited much.

"Jessica, pwede 'bang ikaw ang mag-take charge sa catering?" Suggest ko kay Jessica.

"No problem~" Sagot nya.

"My loves, kung sila Paulo at Pearl kaya ang gawin nating in charge sa pagde-decorate ng church?" Suggest ng fiancé ko.

"Sure." Sagot ko naman.

Mia's POV

Katatapos lang namin mag-plano.

Papunta kami ni Jessica ngayon sa mall. Para 'daw mamili ng mga jewelry. Tch. Haha. Mas excited pa sya sakin.

Nag-e-enjoy mamili si Jessica. Pero may gusto 'din akong bilhin.


"Jess, hi-hiwalay muna ako ah. May bibilhin lang ako saglit." Paalam ko.

"Sige, kita nalang tayo sa may food court." Sabi nya.

Papunta ako sa blue magic nang may kumalabit sakin.

Nilingon ko sya. Napaka ganda nya....

"Excuse me miss, can I talk to you?" Napa-balik ako sa reyalidad ng magsalita sya.

"*ehem* Miss?"

"Uhh... sure." Sagot ko.

--

Dito lang kami nag-usap sa may food court habang umiinom ng juice.

"If I'm not mistaken, you're Mia..." Panimula nya. Shocks. Kilala nya 'ko.

"Uhh.... yes." Sagot ko.

"I would like to thank you because you came to Joseph's life." Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi nya. Bakit naman nya 'ko pasasalamatan dun eh hindi ko naman pinlano na pumasok sa buhay ni Joseph... dahil sya mismo ang pumasok sa buhay ko.

"Who are you again?" Tanong ko. Stranger nga pala 'tong kausap ko kaya ako naguguluhan.

"I'm sorry, I forgot to introduce. I'm Kate Peralta, 26 years old, from Toronto, Canada."

O.O

Kate...

From Canada...

Sya si Kate...













Na ex ni Joseph...

Hayys. Sabi kasi ni Ate don't talk to strangers eh. Pero letse. Nakipag-usap ako sa stranger at ngayon na kilala ko na sya, siguradong mapapahamak ako nito. Sh*t! Ano ka ba naman, Mia...

"Excuse me..." Napatingin ako sakanya nang magsalita sya. Ang ganda nya. Bagay sila ni Joseph. Mas gwapo kaya ang ipinalit nya kay Joseph?

"Mia..." Tawag nya sa'kin.

"If you don't mind, can you put me on the list for your wedding? This is the way I'd like to thank him... and so as you..." Eh?

"I'm sorry, I can't put you there without permission from my fiancé..." Paumanhin ko.

"If you already talk about it, here's my calling card so you can let me know." Sabi nya at binigyan ako ng kanyang calling card..

--

"Joseph..." Bungad ko.

.

"Yes?" Tanong nya.

"Nakita ko kanina si Kate. Naka-usap ko  'rin." Panimula ko. Napatayo sya.

"Anong sinabi nya sayo? Sinaktan ka ba?" Sunud-sunod nyang tayo.

"Hindi. Nagpapasalamat nga sya dahil naging masaya ka na 'daw nang dumating ako sa buhay mo. Gusto nya 'daw na ilagay natin sya sa listahan. 'Yun 'daw ang way nya ng pagpapasalamat." Sagot ko. Napa-irap sya sa sagot ko.

"Sige, ilagay natin sya sa listahan para maramdaman nya 'din ang naramdaman ko 'nung harap-harapan nya 'kong sinaktan." Na-konsumi ako sa sagot nya. Talaga lang?

"Joseph... ilalagay natin sya sa listahan para magpa-salamat at para tanggapin ang sorry nya. Hindi para gumanti sakanya." Mahinahon 'kong paliwanag.

"Magpa-salamat? Magpapa-salamat pa 'ko dahil sinaktan nya 'ko? At magpatawad? Ako nga halos mamatay na para mapatawad nya pero hindi nya ginawa. Tapos ngayon manghihingi sya ng tawad ng ganun-ganon?" Inis na tanong nya.

"Joseph... alam 'kong may pakiramdam ka. Pero alam ko 'din na may natitirang kabutihan sa puso mo. 'Wag mong isipin ang pag-ganti. Magpapa-salamat tayo dahil kahit papaano'y masaya sya para sa'tin at dahil hangad nya ang kaligayahan mo. At papatawarin natin sya kahit na malaki ang kasalanan nya sayo. At least kahit hindi nya nai-pakita sayo ang tama, ipakita mo sakanya ang tama. Hindi yung alam mo na ngang mali ang gagawin nya, tutularan mo pa para lang ipamukha sakanya kung gaano kasakit ang mali. Kung gusto mong ipakita ang tama, gawin mo ang tama. Hindi yung hihintayin mong maramdaman nya kung gaano kasakit ang mali bago nya ma-realize yung tama. Please, Joseph, ayusin natin 'to. Iwasan na natin ang pagiging immature dahil nasa tamang edad na tayo. 'Wag na nating sabayan ang pagiging immature ng iba." Paliwanag ko.

"Pag-iisipan ko..." Sagot nya.

--

       (Quote ng Madaldal)

Make things right, gawin mo ang tama at nararapat kaysa sabayan o iparamdam mo sakanya ang mali. In short, pag-ganti.

     (Diary ng Madaldal)

7/3/17

Short update guys!!! Malapit na po tayong matapos, so konting hintay pa..

OMO!!! Thanks sa support nyo sa story na to. Sana suportahan nyo din yung 'My Private Maid. My Love' mas better po yung story na yon kesa dito. First story ko kasi to kaya medyo pangit pa

My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon