Chapter 27: Palihim na pag-mumukmok

66 3 0
                                    

Mia's POV

Isang linggo na ang nakalipas magmula ang araw na sobrang ikinasakit ko.

Isang linggo na 'din ang nakakalipas ay patuloy pa 'rin ako sa pag-mumukmok.

Kamusta yung grade ko sa project? Ayun, 85 na-apektuhan pa yung project ko dahil sa sakit ko... sakit sa puso. Brokenhearted ba...

Mas masakit pa 'to kaysa sa una 'kong pag-iyak dahil sakanya.

Naipon na 'din yung messages niya sa cellphone ko dahil hindi ko naman binabasa.

*ring*

Magandang Jess, calling...

Oo na, maganda ka na... -_-

Pinunasan ko muna yung mga luha ko saka ni-klaro ang aking boses.

"H-hello?"

[May nakalimutan ka 'ata?]

"Ano yun? May something special ba?"

[Uy, ganyan ka na ah... nakalimutan mo na anniversary natin ngayon... friendship anniversary to be exactly.]

"A-anong date ba ngayon."

[Ikaw na tumingin sa kalendaryo.]

"Oops... sorey. *sniff* nawala sa isip ko eh."

[Umiiyak ka ba?]

"A-ako? H-hindi ah. Sinisipon ako... tama, sinisipon lang ako."

[Gawin mo na silang tanga 'wag lang ako. 'Wag ako. Okay? 'Di ako tanga pero ginagawa mo 'kong tanga. Fine... tanga talaga ako.]

Daming sinabi. -_-

"For the second time, pina-iyak nanaman ako ni Joseph."

[Ha?! Bakit daw?! Kailan pa 'yan?! Bakit ngayon ko lang nalaman?!]

"Sina-sarili ko kasi yung sakit eh... Huhu."

[Gaga ka talaga! Humanda ka! Susugurin kita dyan! Sige na! Bye!]

*toot*

I'm so stupid...

*knock*

*knock*

*knock*

Siya na ba 'yon? Ang bilis naman.

Bumaba ako para pag-buksan kung sino 'man yung kumakatok.

"Hoy gaga! Akyat! Mag-uusap tayo!" -_- Siya nga...

Pagka-akyat ay ni-lock ko kaagad yung pinto ng kwarto.

"Ngayon, explain!"

"Ganito kasi yun, may tumawag sa kanya na hindi ko alam kung sino. Pero sa pag-uusap nila, may mga salita akong narinig na tumusok kay heart."

"Ano namang salita 'yon?"

"H-honey at kasal..."

"Pinag-explain mo ba siya?"

*iling*

"Letsugas na malutong! Introducing, Mia Andres Alonzo, dakilang TANGA."

"Sapat na ang mga narinig ko para malaman kung paano niya 'ko paglaruan."

"Bakit kasi hindi mo pinag-explain?"

My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon