Chapter 28: Bati na kami♥

71 2 0
                                    

Mia's POV

Nagising ako dahil nalaglagan ako ng bag na bagong laba.

Badtrip! Bwiset! Kung bakit kasi dito ko pa sinampay eh.

Luwag-luwag ng bakuran eh! Agh! Ang stupid ko talaga.

Teka, anong oras na ba? 10:45 in the morning?!

Hindi na siguro ako sanay matulog nang hindi umiiyak.

'Di bale, wala namang pasok dahil trip ng Principal namin. Pero siyempre, joke lang 'yon. Sa totoo lang hindi ko 'din alam kung bakit. Spaced out kasi ako this past days kasi nga... Ugh! Never mind!

Agad 'kong sinulyap ang phone ko.

You have 4 unread messages

Hindi ko nalang binasa yung messages. Kung sino 'man siya, bahala siya sa buhay niya.

Ugh! Bwiset! 10% nalang! Pero astig! Natalo pa yung O+. 2 days lang tinatagal ng O+ pero yung cellphone ko naka 1 week na! Lupet! -_- (malamang hindi ko naman ginagamit.) Ugh! Stupid talaga!

Aabot pa kaya 'to? Kaya 'yan. Tiwala langs.

Agad akong nag-dial...

Joseph's POV

*Ring!!!!!!!!!!!!!*

Ugh! Bwiset naman oh!

Agad 'kong dinampot ang phone ko hindi ko na sinulyap kung sino 'man yung tumawag.

"Hello?! Sino ba 'to?! Ang aga-aga nambubulabog! Sarap sarap ng tulog eh!"

[Hoy! Leche ka! Ang aga ka dyan! 10:47 na!!!!]

Naninigaw pa... -_-

[Atsaka huy! Magkita tayo ngayon na! May sasabihin ako! Dali bangon!]

"Ito na po!!! Sino ka na nga kasi?!"

[Silipin mo kaya cellphone mo!]

Gaya 'nga nang sinabi niya, sinilip ko yung phone ko.

(OoO) Si Mia pala 'to?! Agh! I'm so stupid!

"Ay! Mia ikaw pala 'yan... musta?"

[Leche 'kang hinayupak ka! Pagkatapos mo 'ko sigawan kanina maglalambing ka ngayon? Wow lang ah.]

"Hihi. Sorna. Mabuti nga't ikaw ang gumising sakin eh. Kung yung Kuya ko yung gumising sakin... nako! Daig pa naka-megaphone."

[Mabuti nga't bag ang gumising sakin eh. Kung yung Ate ko gumising sakin... nako! Daig pa nag-wewelga.]

"Uy, bakit ngayon ka lang tumawag? Miss na kita."

[Kaya nga tayo magkikita dahil sasabihin ko na sayo yung dahilan.]

"May kasalanan ba 'ko?"

[MALAKI!!! Capital M, capital A, capital L, capital A, capital K, capital I... MALAKI!!!]

"Hala. Bakit 'di mo sinabi agad? Malaki pala eh. Sige na, hang-up ko na. Bye! Kita nalang tayo."

Mia's POV

Tanga 'din 'nung lalaking yun noh? Nagmadali ni hindi 'man lang tinanong kung saan magkikita. May magic ba siya? Kahit hindi ko sabihin alam niya! Wow galing! Idol ko na siya... ay hindi mahal pala...

Una sa lahat, kailangan ko na i-charge yung phone ko... pangalawa, kailangan ko maghanda ng very long speech...


Okay Mia... kinilig ka sa usapan niyo kanina diba?

My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon