[Author's Note:
Sino po ang naka miss ng update ko?...
Wala?...
Edi wala, ganyan naman kayo eh... Hehe joke love ko kayo.]Mia's POV
Boring ngayon dito sa bahay, bukod sa wala akong makausap wala din akong magawa. Ayain ko kaya mag mall si Jessica? Kinuha ko kaagad yung phone ko at nag message ako sa kanya.
To: Jessica
Friend, mag mall tayo. Mamamatay na ako sa sobrang pagka bored dito eh.
Pagka send ko 'nun humilata
agad ako sa kama at nag inarte. Para na nga akong baliw dito eh. Maya maya nag beep na yung phone ko.From: Jessica
Friend, may lakad ako ngayon eh. Kung gusto mo mauna ka na sa mall tapos maggala ka dun, hintayin mo nalang ako..
May lakad pala ah... Huwag ka mag alala Jessica Mariano, malalaman ko din kung para saan iyang lakad mo. Ni-replayan ko kaagad siya.
To: Jessica
Ok...
Nagbihis na kaagad ako.
Pagkalabas ko ng bahay ay naabutan ko na hinihintay
ako ni Daniel."Kamusta yung dance niyo kagabi ni Jessica?" Bungad ko kaagad sa kanya.
"Ok naman, matanda na nga yung baby natin na yun eh."
Sabi ni Daniel. Natawa nalang ako dahil hanggang ngayon baby pa din ang tawag niya kay Jessica."Bakit ka nga ba nandito?"
Tanong ko."Inaabangan ka." Sagot niya.
"Bakit nga?" Pangungulit ko pa."Masama ba? Gusto lang naman po kitang dalawin."
Sabi niya. Napairap nalang ako."Sasama ka sa akin?" Tanong ko...
"Saan?" Tanungin ko, tanungin din ako?
"Sa mall." Sagot ko.
"Ah, sure!" Masigla niyang sabi.Nag drive siya papunta sa mall. Habang nasa biyahe tahimik lang kami. Hindi naman ako nailang dahil may music naman.
Pagkadating namin sa mall bumaba agad ako sa kotse ni Daniel. Kinuha ko ang phone ko sa bag ko. Dialing...
yun lang ang nakasulat sa phone ko. Bakit hindi sinasagot yung tawag ko? Mamaya na nga lang baka busy lang siya."Mia, una na ako ah. May aasikasuhin pa ako sa business namin eh." Pagpapaalam niya sa akin.
Tumango nalang ako bilang
sagot.Agad siyang pumasok sa kotse niya at nag drive na...
Pumasok na ako sa mall...
Mag ice cream nalang muna ako.Habang naglalakad ako, may nakita akong babae na papalapit sa akin. Mga nasa middle 40s siya pataas. Malapit na malapit na kami sa isa't isa. Iiwas na sana ako kaya lang hindi kinaya, ang bilis
niya kasi maglakad eh. Kaya ang nangyari... Nagkabanggaan kami."Hoy! Tumingin ka nga sa
dinaraanan mo! Tignan mo nabangga mo na ako." Sabi niya. Sinubukan ko namang
umiwas sa kanya, pagpasensyahan niya na lang na mabagal ako, kung umiwas din naman sana siya hindi kami magkakabangga eh.Kung ano ano yung sinermon niya sa akin. Bigla nalang may humawak ng braso niya. Isang babae na mukhang anak niya or pamangkin.
"Ma, tama na hindi naman niya sinasadya eh." Sabi nung babaeng mas bata dun sa nakabangga ko.
BINABASA MO ANG
My Dream Girl
RomanceNagmahal, nasaktan, lumayo. Napaka-sakit ng buhay na inabot ni Mark Joseph Fuentabela. Feeling nya nga ay tinadhana sya na malas sa buhay. Bukod sa broken family, broken hearted pa. Nagbago ang kanyang pananaw nang makilala nya si Mia Alonzo. Sya ba...