Mia's POV
Nagising ako at hilong-hilo
pa din ako. Narinig ko nanaman ang mga tawa nila. Kinuha ko nanaman yung kawayan ko.Dahan-dahan akong bumaba. Katulad ng nakita
ko kanina... Nasa kusina pa
din sila. Walang kaano ano
hindi na napigilan ng bibig
ko ang magsalita. "Sino kayo? Ano kailangan niyo sa
pamamahay ko?" Tumayo
yung lalaki at palapit siya
sa akin. Sa takot ko sinigawan ko siya."Huwag mo subukan lumapit kung ayaw mo masaktan." Napapikit nalang ako dahil sa takot sa
nangyayari. "Babe, hayaan
mo na." Sinabi sa kanya ng
babaeng kasama niya.
"Mia? Ikaw ba si Mia?"
Tanong sa akin nung babae.
"Oo, ako nga... Eh ano ngayon?" Narinig ko na
humakbang siya ng isang
beses kaya itinutok ko na
yung kawayan sa kanya."Huwag ka matakot, kaibigan kami." Napadilat
ako sa sinabi niya. Oo nga
mukha naman silang mabait. Pero hindi ko pa sila kilala kaya hindi pa ako
puwedeng magtiwala.
"Umm... Kaibigan kami ni
Joseph, ako si Pearl at siya
naman si Paulo, boyfriend
ko." Sabi nung Pearl."Please huwag ka matakot
sa amin. Wala kaming
masamang balak sa iyo."
Sabi naman nung Paulo.
"Umm... Meron nga pala
pinapabigay si Joseph sa iyo.
Hindi namin hinalungkat
dahil hindi naman para saamin. Mia, sana maging
magkaibigan tayo." Sabi ni
Pearl.Natawa ako ng mahina sa
sinabi niya. Si Joseph? May
gustong ibigay sa akin?
Imposible iwan iwan niya ako tapos ngayon magpaparamdam siya?"Umm... Hindi kaya nagkakamali lang kayo?"
Tanong ko sa kanila.
"Ha? Nagkakamali? Dito sabi ni Joseph sa amin eh,
kapag wala ka daw sa bahay
niya. Ang mabuti pa buksan
natin yung kahon." Sabi ni
Pearl sabay turo sa kahon
sa may sulok.Sinimulan na buksan ni
Paulo yung kahon.
Nang mabuksan na niya
yung kahon tinignan namin
agad kung ano yung laman.
madami yung laman. May
mga mamahalin na jewelry,
teddy bears, etc.
Pero may isang bagay na
talagang umagaw ng atensyon ko... Picture namin
ni Joseph, yung mga pinag
kukuha niya nung nasa mall
kami, at pati yung picture
namin sa hiking.Nagsimula nanaman ako
maiyak. Hindi ko alam kung
ano ba talaga ang kailangan
ni Joseph, pinaglalaruan lang naman niya siguro ang
damdamin ko. Hindi ko
alam kung bakit niya ito
ginagawa."Mia, stop crying." Sabi ni
Pearl habang hinihimas
ang likod ko. Bigla naman
tumayo si Paulo at pumunta
sa may refrigirator para
ikuha ako ng tubig.
"Mia, inom ka muna." Sabi
ni Paulo habang binibigay
sa akin ang baso ng tubig.
"Maybe you should go and
take some rest." Sabi naman
ni Pearl habang itinatayo
ako.Natulog muna ako, baka
sakaling makalimutan ko
na yung ipinadala ni Joseph.Pagkagising ko... Nagulat ako
dahil bigla nalang ako humagulgol ng iyak.
"Mia, tama na iyan. Mabuti
pa tumayo ka na diyan kakain na tayo." Sabi ni Pearl habang pinupunasan
ang mga luha ko. Si Paulo
kasama din namin sa kuwarto, ngunit tahimik lanh siya.Bumaba na kami at kumain
lang ng tahimik. Pagkatapos
noon ay bumalik na ulit ako
sa kuwarto ko.10:00 pm...
"Mia, tulungan mo ako!"
Sigaw ni Joseph habang nakaharap siya sa akin.
Bigla nalang siya natumba
at may tama na ng baril.
Nung tinignan ko kung sino
ang gumawa 'nun ay wala
na siya, wala na yung bumaril kay Joseph."Joseph!" Akala ko totoo,
panaginip lang pala, isang
masamang panaginip.
Bumaba ako para uminom
ng tubig. Nakita ko si Paulo
na naka tulala lang na nakaupo sa may dining.
Hindi ko nalang siya pinansin at uminom nalang
ako ng tubig. Naramdaman
ko na parang nakatitig siya
sa akin. Tinignan ko siya at
tama nga ako, nakatitig nga
siya sa akin.Hindi ko naiwasan na tanungin siya. "Paulo, may
problema ba?" Tanong ko,
napalunok naman siya sa
tanong ko."Si... Jessica? K-kamusta na
si Jessica?" Nagulat ako sa
tanong niya, bakit? bakit
niya ako tinatanong tungkol
kay Jessica. "Umm... O-ok
lang naman siya bakit?"
Tanong ko, bumalik na sa
normal ang ekspresiyon niya. "Wala lang." Sagot naman niya.Umaakyat na ako sa hagdan.
Bigla naman siya nagsalita
kaya napatigil ako.
"Mia, matulog ka na ah."
Sabi niya sa akin, nag thumbs up nalang ako.Parang napansin ko na may
kakaiba kay Paulo, pero hindi ko din naman alam kung ano yun. Kilala niya
pala si Jessica? Matanong
na nga lang yung bestfriend
ko na yun bukas, sabagay
tapos na din ang sem break
kaya... SCHOOL DAYS nanaman.Ilang araw na din simula nung nandito sila Pearl sa
bahay, lagi nila ako binabantayan, ako naman...
ano pa ba? Isa lang naman
akong 'Alagain'. Gabi gabi
nalang kasi iyak ako ng iyak.
Ang pinagpapa salamat ko
naman ay ang hindi nila ako
iniwan.Tinuring ko na nga silang
kaibigan, may isa lang talaga akong ipinagtataka.
Kilala ni Paulo si Jessica?
Paano nangyari iyon? Sabagay 'Small World' nga
naman. Mabuti pa matulog
nalang ako, ang dami kong
satsat eh.Kinabukasan...
Bumaba agad ako papunta
sa kusina at naabutan ko si
Pearl na nag aalmusal. Hindi na ako nagpa ligoy ligoy pa. Tinanong ko kaagad si Pearl."Pearl, may alam ka ba
tungkol sa past ni Paulo."
Inubos niya muna ang laman ng bibig niya bago siya sumagot.
"Kauntoi lang ang alam ko
sa kanya eh... Bakit? Ano ba
iyon?" Sabi ni Pearl.
"Umm... Ano ba past nila
Paulo at Jessica? Yung ay kung alam mo lang naman."
Pagkatapos ko sabihin iyon
sa kanya, nabulunan naman
siya. Binigyan ko kaagad ng
tubig.Humawak siya sa dibdib niya at nag sign sa akin na
'Wait', uminom lang ulit
siya ng tubig. Pagkababa niya ng baso, agad siyang
nagsalita. "Ex-girlfriend ni
Paulo si Jessica." Nagulat
ako sa sinabi ni Pearl. Nanlaki ang mga mata ko.
Kaya pala iba ang ikinikilos
ni Paulo nung pumasok siya
sa kuwarto ko. Kaya pala
nabulunan si Pearl nung
tinanong ko siya tungkol
doon."Mia, kaylan na nga pala
ulit pasok mo?" Tanong ni
Pearl, napansin niya siguro
na hindi ako maka get over
kaya siya nag change topic.
"Umm... Next week." Sagot
ko. "Saan ka ba nag-aaral?"
Tanong sa akin ni Pearl.
"Umm...--" Napatigil yung
sasabihin ko nung biglang
lumabas si Paulo sa kuwarto. Mukahang okay na
siya, mukhang naka get over
na siya. Ako kasi hindi pa eh,
Hehe.Hindi ko nalang tatanungin
si Jessica tungkol sa past nila
ni Paulo. Maka pag online
na nga lang. Nag online sko
sa facebook.May isa akong message.
From: Mark Joseph Fuentabela
Mia, siguro hindi mo ako
namimiss noh? Huwag ka
mag-alala hindi na ako babalik.Parang dinudurog ang puso
ko sa nabasa ko. Hindi ko
akalain na wala na pala siyang planong bumalik.
Mabuti pa kalimutan ko na
siya, na naging kaibigan ko
siya, na nakilala ko siya, at
ang higit sa lahat... Ang minahal ko siya. Nag log out
agad ako.Mabuti pa mag focus na lang
ako sa mga bagay na importante, kaysa mag aksaya ako ng panahon diyan sa mga kasinungalingan na iyan.Nag beep yung phone ko,
ibig sabihin na may message.From: Jessica
Mia, magkita tayo sa coffe
shop bukas 4pm.Ano kaya meron? Ano kaya
latest? Ano nanaman kaya
pag-uusapan namin? Ano
kaya? Bakit ba ako pinahihirapan ng mga ito?
Nag isip isip ako kung ano
ang okasyon.Oo nga pala, Mag bi birthday si Jessica.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
My Dream Girl
RomanceNagmahal, nasaktan, lumayo. Napaka-sakit ng buhay na inabot ni Mark Joseph Fuentabela. Feeling nya nga ay tinadhana sya na malas sa buhay. Bukod sa broken family, broken hearted pa. Nagbago ang kanyang pananaw nang makilala nya si Mia Alonzo. Sya ba...