Chapter 29: Yes!

68 2 0
                                    

Marlon's POV

Bumaba na ako ng kotse at pumasok sa loob ng school.

Karamihan sa mga school ay hindi pinapapasok ang kung sinu-sinong tao.

Pero siyempre, pinapasok ako ng guard. Dito kasi nag-aaral si Britney. Dito 'din ako nag-aral noong elementary pa lamang ako.

Pumunta ako sa may field at umupo sa isa sa mga bench.

Naaalala ko pa noon 'nung una ko siyang makilala... si Jessica...

Dati kasi ay baseball player ako dito sa school.

Isang araw, ginulpi ako ng mga ka-teammates ko dahil nasasapawan ko sila sa laro.

And then she came...

          *Flashback*

Sinandal ako ni Kyle sa isa sa mga locker upang hindi ako makatakas. Naka-palibot silang lahat sakin.

May isang batang babae ang humawi sa mga teammates 'kong naka-palibot sakin.

"Hoy! Mga duwag ba kayo?! Bakit ang hina ng pina-patulan niyo?! Duwag kayo 'noh?!" Pigil kay Kyle 'nung batang babae.

"Jessica, tama na! Baka mapa-away pa tayo!" Awat 'nung batang babae na kasama niya. Pero hindi niya lang ito pinansin.

"Hoy! Hindi kami duwag 'noh!" Giit ni Kyle.

"Kung hindi kayo duwag, bakit mahina ang kinakalaban niyo?! Kung matapang kayo, dapat yung mga may palag yung kinakalaban niyo!" Sigaw pa 'nung batang babae.

"Tara na nga! Ipakita natin sa batang 'to na hindi tayo duwag." Pagkasabi'y umalis na sila pero naiwan yung dalawang batang babae.

"S-salamat ah." Nahihiyang sabi ko.

"'Wag ka magpasalamat, ginawa ko lang ang nararapat. 'Lika na Mia." Saka sila umalis.

    *End of Flashback*

Kapag nagkikita kami ay nagba-batian kami.

Hanggang sa naging magkaibigan kami.

Isang araw ay nalaman ko nalang na isa pala siya sa mga fan ko.

           *Flashback*

Inilabas ko ang Jersey ko dahil malapit ng mag-start yung game namin.

Papunta na sana ako sa banyo nang pigilan ako ni Jessica at hawakan ang braso ko.

Nakatulala at nanlalaki ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang Jersey ko.

"I-ikaw si Jersey number 10?!"

"O-oo. Bakit?"

"Alam mo ba na fan mo 'ko?! Lagi 'kong pinapanood ang mga game mo! Hindi ko kilala si Jersey number 10 pero ang alam ko ay idol ko siya. Pero, ikaw pala si Jersey number 10. Hindi ako maka-paniwala."

     *End of Flashback*

Parehas 'din kami ng school na pinasukan 'nung high school.

'Nung second year high school siya at ako naman ay third year high school, sinimulan siyang ligawan ni Paulo.

Saka ko lang nalaman ang feelings ko sakanya 'nung panahong nagselos ako.

My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon