Mia's POV
"Hoy babaita! Gising na andyan na yung mga manliligaw mo." Ang aga aga yung nakakainis niyang boses yung una kong narinig.
"Andyan na ba si Jessica?"
Tanong ko habang humihikab."Oo, nandyan na! Ikaw nalang ang hinihintay, kilos na!" Sigaw niya nanaman. Kahit kailan talaga si Ate.
Pumunta na ako sa banyo ng kuwarto ko at naligo. Paglabas ko ng banyo, nag-ayos na ako nang sobrang bilis. Sinuot ko yung longsleeves ko na kulay blue na may printed na cookie monster sa gitna at jeans na color black.
Pagkababa ko nandun na silang apat. Tinignan ko sila isa isa. Pagkatingin ko kay Joseph... Takte! As in takte talaga. Gulat din siya ng makita ako. Nakakainis naman! Bakit sa lahat ng puwede niyang isuot ngayon yung may cookie monster pa? Parang gusto ko tuloy magpalit ng damit. Magmumukha pa akong gaya gaya kasi siya yung unang nagsuot ng ganyan.
Tinignan ko ulit siya. Ang laki ng ngiti niya yung parang hanggang tenga, imagine niyo kung anong itsura 'non.
"Okay, first challenge." Nagulat ako nung biglang nagsalita si Ate.
"Kailangan niyo mahabol at masakyan ang kabayong 'yon." Sabi niya sabay turo sa may likod bahay at-- Teka! Kabayo ba yun? Saan naman galing yun? May saltik talaga 'tong Ate ko.
"Hahabulin?" Biglang tanong ni Bernie.
"Bakit, sumusuko ka na ba?"
Pagtataray ni Ate. Tinignan ko si Joseph. Nakatingin lang siya sa sahig at malalim ang iniisip."Okay, pag-isipan niyo muna kung pano niyo mahahabol iyan." Mataray na sabi ni Ate.
"Huwag mong sabihing patatakbuhin mo 'yan?"
Gulat na tanong ni Daniel."Of course." Sagot ni Ate at dumiretso na sa likod ng bahay.
(Now playing: Million Words
by: The Vamps)"All the times that it slipped my mind to mention
That you're the one I need
And if I forgot to tell you I was wrong to ever doubt it
And you're all I think about yeah
There's a million words I should've say
I remember you were standing in my doorway
And the words were on my lips
That you never look so beautiful
Oh, just to be near you,
Don't you know how good that feels?
These are all the things I should've say...
Did I miss my chance,
Is it too late? To say...
Now i'm half a world away from you
But you always on my mind
There's a million words I could've say
And you might still be mine
And if there's someone where I used to be
I hope he tells you everyday
With a million words that I should've say
I wish I can tell to you always."
Lahat kami napatingin kay Joseph. Siya naman, nakatingin lang nanaman sa sahig habang kumakanta.
Pinapanahon niya ba talaga yung kanta niya? Kasi yung magkabilang mundo at million words tungkol yun pareho sa 'long distance relationship'.
BINABASA MO ANG
My Dream Girl
RomanceNagmahal, nasaktan, lumayo. Napaka-sakit ng buhay na inabot ni Mark Joseph Fuentabela. Feeling nya nga ay tinadhana sya na malas sa buhay. Bukod sa broken family, broken hearted pa. Nagbago ang kanyang pananaw nang makilala nya si Mia Alonzo. Sya ba...