Joseph's POV
Pagkalapag na pagkalapag
ng eroplanong sinasakyan ko ay bumaba agad ako.Hinahanap ko sila... ang pamilya ko. Umikot na ako sa buong airport, pero wala
pa din akong nakita na kahit
isa sa kanila. Pumara nalang
ako ng taxi papunta sa bahay namin dito sa Canada.Pagkapasok ko sa bahay
maraming tao. Parang may
hearing sa korte ang tema.
Puno ang magkabilaang sofa. Sa gitna naman ay may
glass table. Lahat sila tumingin sa akin. Iilan lang
ang nakikilala ko sa kanila,
lalo pa't hindi ko naman kilala yung iba.Natigil lahat ng mga tawanan, kwentuhan, etc.
nung dumating ako. Lumapit agad sa akin si Tita
Elise at niyakap ako.
"Anak, dumating ka na pala,
bakit hindi ka nagpasabi na
nakarating ka na?" Tanong
niya sa akin. Parang nakaramdam ako ng inis. Sila nagpapunta sa akin dito,
tapos wala silang alam na dumating na ako?..."Tita, busy lang po ako, nasaan po pala si Dad?"
Naiilang ako kapag nag-uusap kami ng ganito, tapos ang dami pang nakakakita.
Kung bata lang 'to nasaktan
ko na siguro 'to, kaso hindi
eh. Nirerespeto ko siya, kahit
na hindi ko siya tunay na nanay. Sabi nga nila kung
gusto mo nang respeto, matuto ka ring rumespeto.[Author's Note: Nadali mo
Joseph, iyan ang HUSTISYA...]"Uhh... Anak, nasa office pa
yung daddy mo eh." Sagot niya, tumango nalang ako.
Nakakailang din kasi yung
mga bisita, hindi ako mapakali. Pumasok ako sa
loob ng kuwarto ko. Nag lock
ako ng pinto, para makapag
isip ako ng maigi. Kailangan
ko ng tahimik na buhay.Natulog muna ako ng dalawang oras...
"Anak, labas ka muna may
pag-uusapan tayo." Tawag sa
akin ni Tita Elise. Pinagbuksan ko siya ng pinto."Punta na tayo dun sa sala,
hinihintay ka na ng Daddy niyo." Dagdag niya pa. Sumunod nalang ako sa kanya. Pagdating namin sa living room anudun na silang lahat. Wala na din yung mga bisita.Pagkaupong pagkaupo ko
palang nagsalita agad ako.
"Dad, bakit nga pala pinapunta niyo ako dito?"
Bungad ko. Tumaya siya
at inakbayan yung kapatid
ko na si Zoey."Ikakasal na ang kapatid mo." Sabi niya habang hinahaplos pa ang balikat ni
Zoey. "Ha?" Sabi ko."Ang sabi ko, ikakasal na si
Zoey." Pag uulit niya pa.
Parang hindi ako makagalaw sa sinabi ni Dad."Ikakasal? Hindi ba puwedeng paunahin niyo muna ako?" Tanong ko, kasi naman ang bata bata pa ni
Zoe. Tumawa lang sila sa tanong ko."Bigyan mo ako ng limam pung pamangkin ah."
Hirit pa ni Kuya Marvin.
Sinamaan lang siya ng tingin ni Zoey."Mark, kamusta na nga pala
yung work mo?" Tanong sa akin ni Dad."Ok naman..." Sagot ko.
Napag-usapan namin ang
tungkol sa mga business namin, tapos mga pinagdadaanan namin sa buhay, at siyempre hindi mawawala ang lovelife.Bumalik na ako sa kuwarto ko. Wala naman akong magawa, in short bored.
Nakatingin lang ako sa ceiling ng kuwarto ko. Bigla naman pumasok sa isip ko si
Mia, ano kaya sagot ko sa
tanong niya? Mahal ko nga
din ba siya?Tumakbo kaagad ako sa sala para hanapin. Nakita ko naman siya agad.
"Tita, ikakasal na ako." Sabi
ko na ikinagulat naman niya. "Kanino? Paano? Bakit?" Sunud-sunod niyang
tanong."Tita, mahirap i-explain, dahan-dahan lang." Sabi ko.
Nagtatalon naman siya sa tuwa."Kanino ka ikakasal?"
Tanong niya muli.
"Kay Mia." Sagot ko naman.
"Hindi puwede!" Singit naman bigla ni Marvin, na
nasa may pinto lang pala.
Siya yung sinasabi kong anak na 'sabog' ni Tita Elise.
BINABASA MO ANG
My Dream Girl
RomanceNagmahal, nasaktan, lumayo. Napaka-sakit ng buhay na inabot ni Mark Joseph Fuentabela. Feeling nya nga ay tinadhana sya na malas sa buhay. Bukod sa broken family, broken hearted pa. Nagbago ang kanyang pananaw nang makilala nya si Mia Alonzo. Sya ba...