Mia's POV
Nagulat ako nung may
yumuyugyog sa kama ko.
Akala ko lindol, si Pearl lang
pala... ano naman kaya ginagawa niya dito?
"Gising na Mia, hindi ba't may pasok ka pa ngayon?"
May pasok?! Nakalimutan
ko... shocks. "Ano'ng oras na
ba?" Tumingin si Pearl sa wrist watch niya. "5:25 na."
Sabi niya na parang madaling madali.
"Ano'ng oras ba yung trabaho mo?" Tanong ko. Kasi naman ang aga aga pa.
7:30 paman din yung class ko. "Wala, ikaw lang ang hinihintay ko. Baka ma-late
ka pa." Walang work, pero
bihis na bihis siya.
"2 hours pa bago magsimula yung class ko, sayang naman yung dalawang oras na yun. Gamitin ko nalang sana sa
pagtulog, kaysa sa maghintay ako doon ng halos ten years." Inis kong
sabi. Nag shrug siya. "Ok..."
Matipid niyang sagot.
Then... Bumwlik na ako sa
pagtulog...
Naramdaman ko na yumuyugyog nanaman ang
kama ko. Nakita ko nanaman si Pearl.
"Gising na!" Masigla niyang
sabi. "Niloloko mo ba ako?
Halos parang isang minuto
palang akong natulog eh."
Hindi pa nga ako nananaginip eh...
"Susunod na ako sa baba."
Sabi ko habang humihikab.
"Ok..." Masigla niya pa ding
sabi.
Pagkababa ko... nakita ko
na silang dalawa... pareho
silang nakangiti sa akin.
"Ano'ng meron? ano iyang
ngiting 'yan?..." Sabi ko habang humihikab pa rin.
"Tulog mantika ka pala ano?" Natatawang sabi ni
Paulo.
"Oh, ano ngayon? ano'ng
kinalaman 'nun sa mga ngiti
niyo." Tinuro naman ni Paulo yung orasan...
LETCHE... 30minutes bago
magsimula yung class ko.
Naupo agad ako. Pagkakuha
ko ng pagkain ko, subo nalang ako ng subo, magkalaman lang tiyan ko.
Hindi ko na nga nalalasahan yung kinakain
ko eh.
Inubos muna ni Paulo yung
nasa bibig niya bago nagsalita... "Dahan dahan,
baka mamaya hindi pa kayo
nakakasal ni Joseph niyan."
Nabulunan ako sa sinabi niya... Binigyan agad ako ni
Pearl ng tubig, sabay hampas sa braso ni Paulo.
"Ikaw naman kasi! Kung
anu ano sinasabi mo, tuloy
nabulunan si Mia." Sabi ni
Pearl... Tumawa lang ng
tumawa si Paulo...
"Geh, tawa pa. Magkanda
matay matay na dito si Mia
tatawa ka pa." Dagdag ni Pearl. "Tama na nga! Ang
mahalaga hindi ako natuluyan." Natahimik silang dalawa sa sinabi ko.
"Hahaha, sabihin mo ayaw
mo talaga matuluyan, kasi
ikakasal pa kayo ni Joseph..."
Tawa lang siya ng tawa habang nagsasalita.
Hindi ko nalang pinansin
yung sinabi niya, at umakyat nalang ako papunta sa kuwarto ko...
Naligo na agad ako at nag-ayos... Konting suklay, konting porma. Na realize
ko na kahit ano pa yung ayos na gawin ko, PANGIT
pa rin ako.
Bumaba na ako. Nakita ko
si Pearl na nag-aayos ng
pinagkainan namin. Si
Paulo naman hinahanda na
yung sasakyan.
"Tara na?" Sabi ni Pearl pagkatapos niyang ilagay
yung mga pinagkainan sa
lababo. Hindi na ako umimik, tumango nalang ako bilang pag sang ayon.
Pumunta na kami sa kotse.
"Pearl, bakit bihis na bihis ka?" Tanong ko habang hindi nakatingin sa kanila.
"May dadaanan kasi ako sa
business pagkatapos ka namin ihatid." Sagot naman
ni Pearl. "Eh, ikaw Paulo?
Ano yung business niyo?"
Tanong ko.
"Umm... ganito kasi iyan...
Janitor lang naman ako."
Natawa kami ni Pearl sa
sinabi niya. "Hindi nga?
yung totoo Paulo?" Tanong
ko. Tumawa muna siya bago
magsalita... "Publisher lang naman ako ng mga novels
sa publication namin."
Seryoso niyang sabi. Napaisip ako bigla...
BINABASA MO ANG
My Dream Girl
RomanceNagmahal, nasaktan, lumayo. Napaka-sakit ng buhay na inabot ni Mark Joseph Fuentabela. Feeling nya nga ay tinadhana sya na malas sa buhay. Bukod sa broken family, broken hearted pa. Nagbago ang kanyang pananaw nang makilala nya si Mia Alonzo. Sya ba...
