Chapter 2:Is this love?

322 11 0
                                        

Mia's POV

Kailangan ko ng
maglakas loob na
sabihin kay Joseph
ang nararamdaman ko.
"Joseph... I have to tell
you something."
Seryosong tanong. "Sure!"
Here we go... "Kahit...
tungkol sa atin?" Tumango
siya... "I Love you!"
Napatulala lang siya...
"Umm... I need your
answers now..." Excited
na ako. "Umm..." Sasagot
na siya... kaya lang...

Bad trip ng may
tumawag sa phone niya...

["Yes... ok I'll be there."]
Sabi niya sa kausap niya
sa phone... posible kayang
may girlfriend na siya?
"Sorry Mia I have to
go." Nagmamadaling
sabi niya sa akin.
"Umm... sandali--."
Hindi ko na naituloy
ang dapat kong sasabihin
sa kanya...

Nakangiti ako  habang
naglalakad sa may pinto
ng bahay namin...
"Mia... halika... saluhan
mo ako dito kumain."
Yaya niya na punong
puno ang bunganga...
"Sige na ate... bukas
nalang busog pa ako..."
Napatango lang siya...

Siguro ay alam niya na
hindi si mama ang iniisip
ko... dahil may ngiti sa labi
ko...

Agad akong tumalon sa
kama...
Magkikita pa kaya kami?
Ano kaya ang phone
number niya?
Ano kaya ang sagot niya?
Sunud-sunod kong tanong
sa sarili ko...

Kinaumagahan...

"Ate, ako nang
magliligpit ng kinainan."
Napangiti lang siya,
habang inilalagay ang
mga pinagkainan sa
lababo...

Masaya ako na
kasama ko pa ang ate ko.
Sa sunod kasi... mag isa
na lang ako.

"Ate, gusto mo ba na
pumasyal tayong dalawa?"
Para akong sinasapian
nang tanungin ko siya.
"Sige, masaya nga iyon."
Ngiting tagumpay naman
siyang sumagot...

Binilisan ko na ang
paghuhugas ko sa kinainan,
at agad akong dumiretso
sa kuwarto para magbihis.

Sa Mall...

"Ate tara bumili tayo
ng mga gamit para sa
trabaho mo doon, dapat
yung pang bussiness
talaga yung mga gamit mo."
Ngumiti lang siya...
"Mamili na rin tayo ng
bussiness outfit mo."
Tumawa naman siya,
paano naman puro kasi
bussiness ang iniisip ko.

Kumain naman kami
ni ate sa isang restaurant.
Nag-uusap pa kami habang
kumakain.
"Mia, kapag hindi ka
nakahanap ng titirahan
mo habang wala ako...
Doon ka na lang kala
Tita Merlinda."
Sisikapin ko na makahanap
ng malilipatan. Sabay
tango ko kay ate Maria.
Ngumiti lang siya...

Dumating ang araw na
umalis na si ate.. mag isa
na lang ako hindi pa ako
nakakahanap ng aking malilipatan...

7:00 Naisipan ko na magpunta sa park para makita si... Joseph.

Nagpa Impress ako ng
Bonggang bongga

Nakasuot ako ng...
Body fitted curve dress
na sleeveless, at hanggang
sa hita ko lang ang dress.

Sa buhok...
Kulay brown ang buhok
ko, na may bangs at straight
na pagdating sa dulo ay
kulot... (except sa bangs)

At ito ang nakaka attract
nang husto sa akin...
Ang mga jewelry ko
mula necklace, earrings,
hanggang bracelets
ay pearl lahat ng iyon.

Ganda ko... partner-an pa ng
Yellow low heel shoes...

Ang problema ko lang...
hindi ko kasi alam yung
number niya...

Kaya kapag sinuwerte...
lulubos-lubusin ko na...
Meaning: hindi ko na
papalampasin...

Noong una hindi ko
din naman inasahan
na may susulpot na,
guwapong lalaki para
lang tumigil ako sa pag-iyak.

Hindi siya yung tipo ng...
mga lalaking wala manlang
pakialam sa nangyayari...
na ang mahalaga lang ay
masaya sila.

Huminto agad ako sa
tabi ng puno, kung saan
kami unang nagkita ni
Joseph.

Pinilit kong maiyak...
Inisip ko si mama para
lang maiyak ako para lang
makita ko si Joseph...

Ilang sandali pa...

Naramdaman ko na
parang may umakbay
sa akin, at agad akong
tumingala para makita
kung sino siya...

Si Joseph...

"Sabi ko diba huwag
ka nang umiyak, baka
naman gusto mo na kumain
lang ulit." Tulala lang ako
na nakikinig sa kanyang mga sinasabi..."Mia..."
nagulat ako nang banggitin
niya ang pangalan ko.
"Mia... are you listening?"
"Uhh... what is it again?"
"Nothing."

Naisip ko na baka
masyado siya na we- weirdohan sa akin...
Tinignan ko lang siya...
Pag-alis ko ng tingin sa
kanya, siya naman ang
tumingin sa akin... Gusto
ko sana siyang tignan...
Kaya lang... Baka matunaw
pa ako...

Maya-maya pa naglakas
loob ako na kausapin siya...

"Joseph, pwede ko bang
mahingin yung phone
number mo?" Nakatingin
lang siya sa akin na parang
nagtataka, at sa wakas...
Nagsalita din siya...
"Uhh... oo, sure." Para talaga
siyang takang-taka.
"Here." Kinuha ko yung
card, nilagay ko sa contacts
ko yung pangalan niya...
Nilagyan ko ng pangalan
yung number niya ng...
"Joseph my loves" sabay
ngiti...

Nakuntento naman
ako na makuha yung number niya, hindi ko
nalang ibinalik yung
itinanong ko sa kanya
noong nakaraang linggo...
Hindi na rin ako naglakas
loob na itanong sa kanya kung meron nga siyang
girlfriend.

Naglakad lang kaming
tahimik sa paligid ng park.
"Joseph, tungkol nga pala
doon sa pag-alis ng ate ko."
"What?" Seryoso niyang
tanong na tipid pa ang
pagkakasabi niya, posible
kayang may malalim
siyang iniisip? "Mia..." Bigla
lang akong natauhan sa
pagtawag niya sa akin.
"A, eh, ano kasi, yung ate ko
kasi umalis na kahapon."
Nahihiya kong tanong sa
kanya, malalim pa rin ang
iniisip niya, at hindi pa siya
nakaharap sa akin.
"So.. nakahanap ka na
ba ng malilipatan mo?"
Parang may concern siya,
pero ayaw na ayaw ko talagang pag-usapan yung
tungkol sa paglipat ko.
"A, ano kasi... h-hindi pa."
Humarap siya sa akin at
tumigil siya sa paglalakad,
napatigil na lang din ako.

Tinawanan niya ako,
hindi ko nagustuhan yung
sinabi niya kaya naman
sinamaan ko siya ng tingin.

Tawa parin siya ng tawa,
tumigil lang siya nung
pinag titinginan na siya
ng mga tao, paano naman
kasi para siyang abnormal.

"Wala ka pang nahahanap?"
Tumango ako at nakiusap
agad ako sa kanya, na ikina
seryoso niya. "Joseph please
tulangan mo ako na makahanap ng malilipatan,
ayokong tumira kala tita
Merlinda, please Joseph
tulungan mo ako." Nag- makaawa lang ako sa kanya
na ikinangiti naman niya.
at parang nang aasar yung
ngiti niya. "Parang wala
ka nang choice Mia, wala
na rin naman akong alam
na paraan pa eh." Lumapad
yung ngiti niya, sinamaan
ko siya ng tingin at naglakad
palayo.

Tumingin siya sa akin na
para bang nagsisisi siya.
at tiniwag niya ako.
"Mia, sandali binibiro lang
kita, oo na sige na, tutulungan na kita." Lumapit ako sa kanya,masyado akong umaasa kasi ayaw ko lang
talaga tumira kala Tita Merlinda. "O, ano nang plano mo?" Ngumisi nanaman siya. "Umm...let me think." Paikot-ikot siya, sa totoo lang parang naa- abnormal-an ako sa kanya, para kasi siyang timang, na parang isip-bata.

Dahil doon parang lalo
akong na I-inlove sa kanya,
ang cute niya kasi, lalo na
kapag ikinukunot niya yung
noo niya, samahan mo pa
nang matapang niyang
pabango na talagang nagpa-
papalakas sa karisma niya.
Maya maya pa parang
nakapag isip na din naman
siya.

"What if... doon ka
tumira sa bahay ko." What?
seryoso ba siya?
nagpapatawa ba siya?
bigla tuloy akong natawa.
"Wala na ba talagang
ibang paraan?" Kinunot niya yung noo niya at tumingin ng diretso sa akin. "'Yun lang yung naisip kong paraan eh, mahihirapan kang mag rent ng condo unit, kaya no choice." Para akong nawalan ng pag asa, parang feeling ko sobra na yung malasakit niya, kaya naisip 'kong tumanggi.

"Ano ka ba? nagbibiro lang
ako." Sabay ngiti ko sa kanya, habang siya naman
seryosong seryoso ang tingin
sa akin, sabay ngiti niya sa
akin. "I know you are kidding, come on I'll show you my house." Sumunod
nalang ako...

Itutuloy...

My Dream GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon