Chapter 24: Eye Of The Tiger

65 3 0
                                    

Mia's POV

"Watch and laugh." Bulong sakin ni Jessica sabay pilas ng isang page sa notebook at sabay crumple.

Nagsusulat ng instructions ng project si Sir Montelleno (TLE Teacher) sa board habang si Jessica naman ay may kababalaghan nanamang gagawin. -_- Hindi na natuto ang isang 'to.

Sinulyapan ko si Jessica at nakita ko siyang ginagawang tirador ang goma... at syempre, ang crumpled paper ang bala.

Napakamot nalang ako sa ulo nang itinira niya yung crumpled paper at nasapul ang likod ni Sir. Narinig ko na may tumunog na something dun sa loob ng papel... napag-alaman ko na ibinalot pala ni Jessica ang malilit na bato sa papel.

"Sinong hinayupak ang naghagis 'neto?" Inis na tanong ni Sir habang hawak ang papel na may lamang mga bato.

Wala ni isa sa'min ang umamin... itinikom ko nalang din ang bibig ko.

"John Edrick Cortiz?" Umiling lang si Edrick nang banggitin ni Sir ang pangalan niya.

"*sigh* Jezzmyn Lei Hill?"
Umiling lang din si Lei.

"Kapag walang umamin sa inyo, ipapasulat ko sa inyo ang pang-isang-linggo dapat niyong lesson. Aamin o magsusulat?" Pananakot ni Sir.

"Sir sorry po... a-ako po yung... n-nag h-hagis ng p-papel." Nininerbyos na sabi ni Joaquin.

Paano nangyaring siya ang naghagis... samantalang si Jessica naman ang nahuli ko.

Nilibot ko ang paningin sa loob ng room at nakita 'kong may crumpled paper 'di kalayuan sa pwesto ni Sir.

I knew it! Tinangka din hagisan ni Joaquin si Sir ng crumpled paper pero pumalya ang paghagis niya... samantalang yung kay Jessica naman ay success WALANG PALYA. Aba! May kauri pala siyang gusto din kulamin-- ma kick out si Sir.

"Sige na! You may go now... and Joaquin, follow me." Inis na sabi ni Sir.

Nang makalabas na kami, agad 'kong inusisa si Jessica.

"Bakit mo naman yun ginawa ga-graduate na tayo... konting tiis nalang."

"Hmf. Yun na nga eh, ga-graduate na tayo kaya kailangan, makaganti na 'ko.
Isang taong pagdurusa sa panot na yun! Kailangan maalis na siya agad sa paaralan na 'to!" ( "-_-)

Hindi daw matatahimik ang kaluluwa niya.

Habang naglalakad kami, may demonyong nakabangga si Jessica.

"Ugh! Gross!" Pag-iinarte ni Jessica.

"Damn! Nadumihan ng isang cheap yung bago 'kong clothes! Ugh!" - Chloe

"Kasalanan mo naman yun eh. Tatanga-tanga paharang-harang." Cool na sabi ni Jessica. Ok labas ako dito

"Paharang-harang? Eh alam mo namang dadaan ang reyna tapos hindi ka 'man lang tumabi?"

"Sorry po 'KAMAHALAN' nakalimutan ko lang po na kayo pala ang 'Reyna ng mga CHEAP!'" Nagulat ang lahat ng dumadaan sa sigaw ni Jessica. Hindi ako makapaniwala na kinakalaban niya ngayon ang 'Reyna'.

"How dare you! You're just a freak, cheap, and useless girl! Don't you dare shout on ME!" Aakmang sasampalin na sana ni Chloe si Jessica pero agad namang nahuli ni Jessica ang braso niya.

"Let me go!" Inis na sabi ni Chloe habang nag-pupumiglas.

"Huwag na huwag 'mong tatangkaing idikit 'yang mga nakakadiri 'mong kamay sa makinis 'kong balat! *tulak*" *o* Si Jessica ba talaga 'yan?

"Woah!" Manghang sabi ng mga saksi.

"'Lika na nga! Ang bantot na masyado dito!" Inis na sabi ni Jessica sabay hatak sakin paalis sa nakakadiring lugar na 'yon.

Napahinto kami nang makita ang dalawang taong pamilyar sa'min.

"Mia oh. Hanggang dito ba naman? Ang sweet naman."
Kantyaw sakin ni Jessica.

Si Joseph at si Daniel yung dalawang taong nag-aabang sa Principal's office.

"Anong ginagawa nila dito?"
Clueless 'kong tanong.

"We'll never know if we never ask... 'Lika na!" Masayang sabi niya sabay hatak (nanaman) sakin.

"What brought you here?"
Agad na bungad ni Jessica nang makalapit kami.

"Baby!" Masayang bati ni Daniel at niyakap ng sobrang higpit si Jessica.

"Oo na! Sige na! Hi nalang din! Balik na sa tanong ko."

"May ibibigay lang kami kay Mommy/May ibibigay lang kami kay Tita." Sabay na sabi ng dalawa.

"Ganito kasi 'yon... napag-utusan lang kami ni Daddy na dalhin ibigay 'to kay Mommy dahil SUPER busy niya." Paliwanag ni Daniel.

"Mangangamusta na 'rin kay Tita." Dugtong ni Joseph.

"Tita?!" Sabay na tanong namin ni Jessica.

"*kibit-balikat* Mommy niya, Tita ko." - Joseph

Nagkatinginan naman kami ni Jessica. Small world nga naman kasi. Magpinsan pala 'yang dalawang 'yan.

"Oh siya, go-gora na kami."
Pag-iiba ni Jessica.

"Hintayin niyo nalang muna kami... hatid na namin kayo." Prisinta ng dalawa na tinanggihan naman namin ni Jessica... mag-lalakwatsa pa kasi kami eh.

***

"Pansin ko lang... Bakit parang ibang Jessica yung nakita ko kanina? Parang wild eh." Tanong ko habang pinaglalaruan yung straw ng milkshake ko.

"Gano'n talaga 'ko. Lalo na 'pag wild din yung kinakalaban ko. Nabansagan na nga ako ni Ate ng 'Eye Of The Tiger' eh...
maldita 'man pakinggan, fit na fit parin sa beauty ko." Hindi lang siya maldita, GGSS pa.

"Wait lang best ah. Nakakabitin eh. O-order ulit ako. Hehe. ^_^" Idagdag pa ang pagka-PG. Halos isang bilaong cake na nga yunh kinain niya, bitin pa yun?

Sinundan ko siya ng tingin.

Pabalik na sana siya... kaya lang...

"What the heck!" Sigaw sakanya ng babaeng may hawak na kape. Nagulat yata sa pagmumukha ni Jessica kaya nabitawan niya ang tasa at namantsahan ang PUTI niyang damit. Tss. Nagputi pa kasi.

"Huwag ka 'ngang nanggugulat! Sh*t!" Inis na sigaw ng babae.

"Bakit ako sinisisi mo samantalang ikaw naman yung nagpa-iral ng KATANGAHAN?!" Ayan nanaman.

"Ugh! Hindi ka 'man lang nag-sorry tapos sisigawan mo pa 'ko?! Wow lang! Ang kapal mo!" Naks. Hindi nagpatalo si Ate.

"Bakit ako magso-sorry?! Kasalanan ko ba na kasing sensitive ng buhok mo 'yang kamay mo?! At FYI! DATI NANG MAKAPAL ANG MUKHA KO!" Woah!

Sasampalin na sana ng babaeng sensitive si Jessica pero agad namang nahuli ni Jessica yung braso niya.

"DON'T YOU DARE LAY YOUR DIRTY HANDS THROUGH MY FLAWLESS SKIN!" 'Yan din yung line niya kanina kay Chloe diba??? English language nga lang.

Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ko siya tinutulungan kahit sabihin pa nating bestfriend ko siya?

Sus! Kaya na niya 'yan...
Siya pa.

SIYA KAYA ANG 'EYE OF THE TIGER'

--

Itutuloy...

My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon