Nagmahal, nasaktan, lumayo. Napaka-sakit ng buhay na inabot ni Mark Joseph Fuentabela. Feeling nya nga ay tinadhana sya na malas sa buhay. Bukod sa broken family, broken hearted pa. Nagbago ang kanyang pananaw nang makilala nya si Mia Alonzo. Sya ba...
Gumising ako ng maaga para masimulan ko na ang aking OPLAN:FINDING MATTY'S FAMILY... diba dapat 'finding Nemo' yun?
"Ate, tara na!" Excited na sigaw ni Matty habang bumababa ng hagdan.
Agad naman akong tumayo at naghanda na. Inihanda ko na rin ang kotse ko.
"Wow, Ate ang ganda mo."
"Tsk. Maliit na bagay."
At pinaandar ko na yung sasakyan.
Syempre, sa isang 'OPLAN' hindi mawawalan Team.
Ako si AgentMiaAndresat ang aking assistant na si Agent Mark JosephEnriquez.
Nang makarating na kami sa tapat ng coffee shop, tinignan ko muna si Matty. Halata sa mukha niya na excited na talaga siya.
Bumaba na 'ko at tinulungan ko naman si Matty bumaba.
"Magtago ka muna sa likod ko... wait for my signal." Utos ko.
Nagtago siya sa likod ko at sinundan ako maglakad.
Nagtago muna kami sa gilid ng sasakyan para hindi agad kami makita.
Inilabas ko ang aking mahiwagang walkie talkie at agad yun tinapat sa bibig.
"Agent Joseph, nandito na kami sa labas."
"Copy that." Then... End...
Nakita ko naman siyang nakitang lumabas ng coffee shop.
"Ssssshhh." Paalala ko kay Matty.
Nang makalapit siya, tinutok ko sakanya ang aking mahiwagang pellet gun.
Agad naman niyang tinaas ang mga kamay.
Pinanliitan ko muna siya ng mata bago ibaba ang pellet gun.
Agad naman niya 'kong ni-head-to-toe.
"May problema?" Mataray 'kong tanong.
"Pinanindigan mo talaga yung pagiging agent mo ah."
Sinuoot ko lang naman ang damit 'kong simply but pretty.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Siyempre, kapag sinabi ko, paninindigan ko."
"Okay... Matt, labas na."
Pagkasabi ko 'nun ay agad siyang lumabas.
Parehas nanlaki ang mga mata nila... Okay... Tell me what's happening?