Mia's POV
"Ang sakit... bakit niya ko iniwang nag-iisa?"
Hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko dahil sa emosyon.
"Mabuti pa siguro kung kalimutan ko na--"
"Hey!" Napasigaw ako nang patayin ni Jessica yung TV.
"Buksan mo..." Pagmamaktol ko.
"Ang OA mo na kasi eh. May paiyak-iyak ka 'pang nalalaman."
"Bakit ba? Feel ko kaya yung sakit na nararamdaman 'nung bida."
"Sus... feel feel ka dyan."
"Totoo naman eh. Bitter mo--"
*Ding-Dong*
"Dantes... mwahaha." Dugtong ko sa doorbell.
"Hay nako. Sinasapian nanaman siya. (Another ding-dong) Pwede sandali?!"
Ano 'bang nangyayari sa'kin? Parang ang hyper ko today?
"Kainis! Istorbo lang pala." Dinig ko mula dito ang boses ni Jessica. Bunganga talaga.
Sino naman kaya kausap no'n?
"Pinagsisi-sihan ko tuloy na binuksan ko pa yung pinto!" -Jessica.
"Wow ah. Kung papasukin mo nalang kaya ako?" -Unknown guy
"Saan? Sa dito sa loob?" -Jessica
"Ay hindi po. Dyan sa puso mo -_-. Malamang sa loob. Alangan sa labas." -The guy I don't know.
"Jessica! Papasukin mo na 'yan ng matigil na. Ang ingay eh!" Sigaw ko. 'Di ko na tuloy marinig yung pinapanood ko.
Sa sobrang tagal kasi nila nainip na 'ko kaya binuksan ko ulit 'yung TV.
"Yoohoo! May tao dito. Wala 'man lang kahit 'magandang umaga dyan'?" -Now I know. It's Daniel.
"Wala na. Hindi na maganda umaga ko eh. May asungot."
"Huwaw nang-asar pa talaga ah."
"Ang aga naman kasi ng ligaw mo..." Paliwanag ko. Bigla naman syang pinamulahan.
Mwahaha. Tama 'nga ko. May gusto sya kay Ate. Ganyan naman talaga kapag may pagnanasa eh. Una, dadaanin sa palabas-labas. Pangalawa, liligawan. Pangatlo, magiging sila. Pang-apat, lolokohin ka lang. At pang-lima, hiwalayan na. Oh diba? Ang saya-saya. Haha. Grabe. Sobrang saya naman talaga.
'Nu bayan kakanood ko kasi ng mga drama eh. Pati tuloy simpleng bagay binibigyan ko ng hugot.
"Napa-aga ka. Tulog pa yung nililigawan mo." Singit naman bigla ni Jessica.
"Ha? Eh 'di 'ba usually maaga naman nagigising si Maria?" -Daniel
"Eh anong magagawa mu? Tulug pa nga sabiii. Kulet."
"Wow. Nanonood ka pala ng drama?" Pag-iiba nya ng usapan.
"Napapag-iwanan na kasi ako. Syempre, para naman may alam ako sa love noh." Sagot ko.
*KRRRIIIIIINNNGGGG!!!!!!?*
Hala! Humaygash! 'Yon na ang pinaka-malakas na ring in the spectacular mundo.
BINABASA MO ANG
My Dream Girl
RomanceNagmahal, nasaktan, lumayo. Napaka-sakit ng buhay na inabot ni Mark Joseph Fuentabela. Feeling nya nga ay tinadhana sya na malas sa buhay. Bukod sa broken family, broken hearted pa. Nagbago ang kanyang pananaw nang makilala nya si Mia Alonzo. Sya ba...