Parang kailan lang... iniiyakan ko ang taong mahal ko. Nakakatawa nga dahil halos magpakamatay pa 'ko noon.
Bumalik ako ng Pilipinas para makalimutan sya at makapag move-on.
Pero hindi lang pala 'ko basta nakapag move-on. I found someone new.
Hindi ko 'din alam kung bakit... naramdaman ko lang. Totoo nga ba ang tadhana?
Nakatakda ba ako sa DREAM GIRL ko o sadyang luck lang talaga?
Destined ba kami o just an accident na magkatagpo kami?
That means hindi talaga 'ko pinabayaan ni god. He did something na alam nyang mabuti para sa'kin...
Ang mahanap ang DREAM GIRL ko...
"Joseph, tulala ka nanaman dyan. Para kang na-trauma." Nilingon ko ang asawa ko na tumawag sa'kin.
"Maayos na lahat. Hihintayin nalang natin sila." Dugtong nya pa. May handaan kasi dito sa bahay namin ngayon. Wala lang, parang reunion, gano'n.
"Nakabalik na ba sila Ate Maria at Daniel galing London?" Tanong ko. Baka mamaya'y walang pahinga yung mga 'yon.
"Oo. Kakabalik lang nila kahapon." Sagot nya.
*beep-beep*
Napatingin kaming pareho ni Mia sa dumating.
Wow, umasenso ah.
Lumabas ng kotse na 'yon sila Kuya Marvin at Perla.
Sinalubong namin agad sila.
Sa garden gaganapin ang handaan, sa tabi ng pool area.
"Nauna ba kami?" Tanong ni Kuya.
"Yup." Sagot naman ni Mia.
"Sabagay, maaga pa naman." Dagdag ni Kuya at hinatid na sila ni Mia sa area.
Sunod namang dumating ang mukhang naglakad lang na Paulo at Pearl couple.
Nag-kakamustahan kami ni Paulo nang biglang dating nila Ate Maria at Daniel.
"Isang couple nalang ba ang hinihintay?" Tanong ni Daniel.
"Yes. The Jess and Marlon couple." Sagot naman ni Paulo.
"Dadating na 'yan in 10... 9... 8... 7... 6... 5... 4... 3... 2...--" Natigil sa pagbibilang si Pearl nang...
"KYAAAH~!!! Asan na si Mia gurl?" Tanong ni Jessica na dali-daling tumakbo papuntang garden kaya sumunod na kami.
--
Nagkakainan kami sa mahabang mesa na katabi lang ng pool nang hampasin ni Marlon ang lamesa na ikina-gulat naming lahat.
"Ano bang problema mo?! Ligo nalang tayo oh!" Bulyaw nya kay Kuya Marvin saka nya ito tinulak sa pool at sumunod naman syang tumalon kaya nagtalsikan ang tubig sa'min.
"Baka gusto mong sumunod?" Tanong ni Pearl sa Ate nya at hindi pa 'man ito nakakasagot ay tinulak na nya ito.
Nagtinginan naman ng nakakaloko sila Jess at Mia.
"Una ka~" Mapang-asar na sabi ni Mia kay Jess.
"Hindi, una ka." Ganti naman ni Jess.
"Edi mag-unahan tayo." Sabi ni Mia at nagtulakan sa may pool at sa huli ay sabay silang na-fall...
"Sunod na 'din tayo." Sabi ni Paulo kay Pearl at walang pasabi nya itong binuhat saka tumalon sa pool kaya pareho silang na-fall...
Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Ate Maria at Daniel.
Tumalon nalang 'din kami sa pool.
--
Gabi na pero nandito pa 'din kami sa garden. Naka-balot lang kami ng twalya at nakasawsaw ang mga paa sa swimming pool habang nagku-kwentuhan.
"Malamig na. Pumasok na tayo para makatulog na 'din kayo." Tawag sa'min ni Mia.
Pumasok na kami at nagpatuyo. Ang iba ay tulog na at karamihan ng mga lalaki ay nag-iinuman pa.
Pumasok ako sa kwarto namin ni Mia para silipin sya. Nagtitipa pa sya sa laptop ng kanyang nobela.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ko.
"Maya-maya. Tatapusin ko lang 'to." Sagot nya. Lumapit ako para mabasa kung anong tinitipa nya at napangiti ako sa mga nabasa ko.
"Love story natin 'yan ah." Nakangiting sabi ko.
"Syempre. Madami tayong mai-inspire na tao dahil sa love story natin." Sagot nya.
I think this is the end of our troubles but not the end of our story. And I'm proud that I end up, with My Dream Girl...
End...
BINABASA MO ANG
My Dream Girl
RomantizmNagmahal, nasaktan, lumayo. Napaka-sakit ng buhay na inabot ni Mark Joseph Fuentabela. Feeling nya nga ay tinadhana sya na malas sa buhay. Bukod sa broken family, broken hearted pa. Nagbago ang kanyang pananaw nang makilala nya si Mia Alonzo. Sya ba...