Mia's POV
Dahan-dahan 'kong kinatok ang pinto....
Pagkatapos ng mga 30 seconds, lumabas na sya... si Papa...
"SURPRISE!!!" Sigaw ko at niyakap sya ng mahigpit.
"Pa-pa'no? Mia, ikaw ba talaga 'yan?" Utal na tanong nya.
"Opo, Pa. Ako po ito. Si Mia." Sagot ko.
"Pa'no ka nakarating dito ng ikaw lang mag-isa?" Tanong nyang muli.
"Tinulungan po ako ni Joseph, pa..." Sagot ko sabay higit kay Joseph. "Si Joseph, Pa. Boyfriend ko."
"Hello po~" Bati ni Joseph kay Papa using his Tinay wannabe voice.
"Pa-pasok kayo..." Tanging naging tugon ni Papa.
William Alonzo's POV
Hindi pa 'rin ako makapaniwala na nandito na sa harap ko yung anak ko. Pero may kasamang childish na hindi mo maintindihan. Mature na sya kung pumorma pero... 'di bale na nga lang.
Simula nang mamatay si Melody, ngayon ko lang ulit nakita ang anak ko na ganito kasaya.
Naupo na kami sa mesa para kumain.
"Pray po muna..." Pigil sakin ni Joseph nang aakma na 'kong dudukot ng isda.
Pagkatapos magdasal ay nagsi-kuha na kami ng pagkain.
"Mia oh, tikman mo 'tong Salmon..." 'Yan nanaman sa childish voice nya. Kung titignan parang mas matanda sya kaysa kay Mia. Pero yung pag-iisip...
I wonder, pa'no nya kaya nabihag ang puso ng anak ko? May tiwala naman ako na mabait at maaasahan syang tao dahil nakapasa sya kay Maria. Pero, nakapag-tataka lang talaga. Siguro sya 'din ang dahilan para makalimutan ni Mia ang Mama nya.
Mga limang oras pa sila nagtagal at maya-maya pa'y umuwi na sa bahay ni Joseph.
Joseph's POV
Kakarating lang namin sa bahay at pinag-iisipan ko pa ang magiging surprise ko kay Mia. I want to prove to her that there's something special here in London. Kasi para naman akong tanga na bigla nalang sya ipu-pull out sa class nila para lang sa bakasyon. Kung bakasyon lang 'din naman, bakit hindi pa sa christmas vacation 'diba?
--
(Dako muna tayo sa Pinas...)
Marvin's POV
Ngayon lang ako umuwi galing Canada. Hindi na muna ako sumabay kay Mark dahil may konti pa 'kong inasikaso.
Pagkadating na pagkadating ko dito sa Pilipinas, hindi muna ako dumiretso sa bahay.
Gusto ko muna magpa-hangin saglit. Dumiretso ako sa bench malapit sa noodles shop.
Habang tinatanaw ko ang bench sa 'di kalayuan, nakita ko ulit sya... si Perla.
Agad akong lumapit sa harap nya. Napatayo naman sya nang makita nya 'ko.
"A-aalis ka?" Bungad nya.
Agad naman akong natawa. "Uhmm... Actually, kararating ko lang galing Canada." Sagot ko.
"Ay, ganun... umm... upo ka muna kahit saglit." Sabi nya.
BINABASA MO ANG
My Dream Girl
RomanceNagmahal, nasaktan, lumayo. Napaka-sakit ng buhay na inabot ni Mark Joseph Fuentabela. Feeling nya nga ay tinadhana sya na malas sa buhay. Bukod sa broken family, broken hearted pa. Nagbago ang kanyang pananaw nang makilala nya si Mia Alonzo. Sya ba...
