Chapter 35: Hello London

70 3 0
                                        

Mia's POV

Napakabilis ng mga pangyayari. Hindi mo lubos aakalain na ngayon ay isang linggo nalang ang pasok ko. Itong linggo na 'to nalang mismo.

Napaka-desidido ni Joseph. Hindi ko inakala na sa likod ng mapanloko nyang katauhan ay napaka-seryoso nya palang tao.

Biruin nyo, nagpa-book na agad sya ng flight at next week na agad ang alis namin kahit na hindi pa sya nakakapag-paalam sa adviser at principal namin. Mabuti nga't pinayagan kami. Kung hindi, nako. Sayang na sayang ang effort nya.



Masasabi ko lang na napaka-swerte ko sakan-- (A/N: Sinadya 'kong putulin na. Drama ng lola nyo eh.)

"Kailan pa nyo pinlano 'yan? At bakit ko lang nalaman?" Nabalik ako sa ulirat ng magsalita ang NAPAKA BAIT (pwe) 'kong kaibigan.

"Ay, hehe. Bago lang actually. Masyado kasing mabilis si Joseph kaya biglaan." Seriously? Kayo na po humusga kung sadyang mabagal ako o mabilis lang talaga sya. (Malamang sya kakampihan nyo. Sya bida eh.)


"Kung sabagay, hindi kita masisisi. Ora-orada naman talaga kung kumilos 'yan si Joseph, dati pa man." Oh. Sakanya na galing ah. Tsk. Masasabi ko na tunay ko talaga syang kaibigan.

By the way, dahil paalis na ko ng bongga, ahuhu. Hindi nyo ba ko mami-miss? Sabi ko nga, hindi. Kailan nyo ba ko na-miss at sino ba ko sainyo? Isa lang naman akong walang kwentang leading lady sa walang kwentang bida sa pinaka walang kwentang storya.

Ok, move on na. Fast forward na natin para mabilis.

--

(Araw ng pag-alis ng mga walang kwentang bida...)

Ahuhu. Ang bilis ng panahon (malamang nag-fastforward eh.) I'm not yet ready to leave our beautiful country...

And also, my beautiful best friend, sister, friends, and also my beautiful house.

"Mia, mag-ingat ka do'n ah? Kamusta mo nalang ako kay Papa. 'Wag mo pabayaan sarili mo at alagaan mo si Papa natin ok?" Mangiyak-ngiyak na paalala sakin ni Ate.

"Ikaw Joseph, ingatan mo 'yang kapatid ko ah. Mas mahal pa 'yan sa lahat ng ari-ariang meron ang pamilya nyo..." Bilin naman ni Ate kay Joseph. (A/N: Ari? Haha. Sorry, na-gm ako)

"Ya'n talaga ang gagawin ko kahit hindi mo ko sabihan." Kampanteng sagot ni Joseph.

"Buti alam mo." Ganti naman ni Ate.

Maya-maya pa'y tinawag na kami para sa flight. Actually, hindi ko na pinapunta si Jessica at yung iba pa dahil may pasok ngayon. Isa pa, baka hindi ako maka-alis dahil sa best friend ko.

Nang unti-unti nang tumataas ang eroplano ay muli akong sumulyap sa baba. Nagulat ako nang makita kong nando'n ang buong crew/cast. Pati na si Jessica... Hindi ko namalayan na napaluha na pala ko. Mami-miss ko sila....


"Mia, matulog ka na muna, mahaba pa ang byahe at para makapag-pahinga ka na rin. Diba sabi mo na hindi ka natulog kagabi?" Tumango lang ako at isinandal ang ulo ko sa balikat nya saka humimbing.

--

Idinilat ko ang aking mga mata at napagtanto ko na nakapatong pala ang ulo ko sa malambot na unan sa hita ni Joseph.

Nagla-landing na ang eroplano kaya naman agad akong napa-bangon sa pag-aakalang nakarating na kami. Pero sawi... stop over lang pala.

Agad kaming bumaba ni Joseph at nag-ikot sa paligid.

Naka-hawak lang ako sa braso ni Joseph dahil baka mawala ako. Tanga-tanga pa naman ako.

Nakakita ako ng hotdog. Na-miss ko na rin mag-hotdog. Pero sa huli'y minabuti ko nalang na mag-noodles dahil naaalala ko yung best friend ko. Sa ngayon ayaw ko na muna syang alalahanin. Mami-miss ko sya eh... Huhu.


At muli'y tinawag na kami para ipagpatuloy ang byahe. Mga naka-tatlong stop-over pa bago namin marating ang London.

Nagla-landing na kami. Hindi ko lubos maisip na napaka-ganda pala dito. Airport palang bongga na, syudad pa kaya. Pero mas gusto ko pa rin sa Pilipinas.  Hindi 'man gano'n kabongga, kalinis, o kapayapa, mas marami kang mae-experience 'dun. Such as challenges. Temperature palang challenging na. Ang Pilipinas ang nagpapatunay na 'kung gusto mo makuha ang isang bagay, kinakailangan mo talaga itong paghirapan' by the way, let's get back to the reality.


Sumakay kami ni Joseph ng taxi papunta sa bahay nila.

Hindi ko maiwasan pagmasdan ang mga taong naglalakad. Kaya walang trapik eh. Hindi naman problema yun dahil hindi naman gano'n kainit 'di tulad sa pinas. Pero sa totoo lang, nami-miss ko ang trapik. Sa sobrang dami kasi ng naglalakad, hindi maiiwasang mahilo.






Nang makarating kami ay agad kaming nagpahinga. Actually, balak 'kong sorpresahin si Papa bukas. Hehe. Baguhan ako dito sa London kaya naman hiningi ko ang address ni Papa kay Ate bago ako umalis. Miss ko na si Papa.

--

Nagising ako ng 13:07 ng tanghali. Haay~ tinanghali na pala aketch.

Bumaba na ko at tinignan ang laman ng refrigirator. Nandito ang mga baon namin na hindi nakai kahapon. Kasama na yung muffins na ginawa ko bago umalis.

So ayun, muffins at kape lang muna ang hinanda ko. Hindi ko na muna niluto yung cup noodles para matipid. Kinakailangan pala na maka-pamili ako.



Kumain lang ako at nag-iwan ng note kay Joseph.

Lumabas ako at pumara ng taxi. Haha. Natatawa ako sa sarili ko dahil nung tinanong ng driver kung saan ako bababa ang sinabi ko lang ay "Take me to the nearest grocery." Oh diba, pak na pak. Pwede ng sagot sa interview ng miss universe.



Pagkatapos ko mamili ay nagpahatid na ko ulit sa address ng bahay nila Joseph.

Pagdating ko ay kagigising nya lang. JUICECOLORED! Lagi nalang. Haiist. Walang kwenta rin pala yung note ko.

"Sa'n ka galing?" Inosenteng tanong nya.

"Haiist. Basahin mo nalang yung note sa mesa nang magka-silbi naman." Irita kong sagot.

Pagkatapod nya kumain ay ready to go na kami to Papa's house. Haha. Aym sow EXOited~

Tahimik na nagmamaneho si Joseph habang ako ay busy sa pakikipag-chat sa mga naiwan/iniwan ko sa Pilipinas.

Maya-maya pa'y huminto na ang sinasakyan namin.

Sana tama 'tong bahay na napuntahan namin....


      (Diary ng Madaldal)

At dahil mahal ko kayo, nag-update na ko. Well, this mahabang  note is supposed to be sa katapusan pa ng story. Pero dahil I can't temp anymore and because mahal ko kayong lahat, I will start my long pasasalamat.

First,thanks sa sumusubaybay sa story na 'to kahit napaka-corny nito. Well, because it is my first story at hindi 'to inspired. Noong una, gusto ko lang talaga mag-try, pero nung makita ko na may nagbabasa pala, I decided to make it a story even if it is 'pilit' kung baga. Hindi ko sinasadya na makabuo ng story. So wala na tayong magagawa, nangyari na eh.

And second, to thank readers, supporters, and silent readers. Thanks sa lahat-lahat. Yung mga kapwa ko madadaldal na naging friends ko, and they are some of supporters, thank you po~

Gen-Rin
AmethystJack01
Purple_Pea
Annettorney
KYANE1218
aelilyx
allybaylove27

And even if you're just a silent reader, I consider you as a supporter na din. Haha. Masaya na ko dun.

Lastly, thanks kay GOD dahil he is the key to this wonderful and successful story. Lord, thanks din sa inspirasyon, nag-uumapaw na po ang inspirasyon ko. Hehe. Kaya ang dami nang nakapilang story. Thank you po, papa god..

My Dream GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon