Chapter 38: Sa Wakas

58 3 0
                                    

Mia's POV

Hey, it's me, Mia Alcadel Alonzo~



Nandito na ulit kami ngayon sa Pilipinas. Haha. Bilis talaga ng panahon. At nandito ako ngayon sa kwarto ko na nagbabasa ng mga kaek-ekan ng school para maka catch-up sa lessons.


*Ring~*

Agad ko naman sinilip ang phone ko, at nang makita 'kong pangalan ng hinayupak ang tumatawag, agad ko itong sinagot.



"Hello~" Masayang bati ko kay Daniel slash hinayupak.


[Mia, baka pwede mo naman akong tulungan... ano kasi... ano... liligawan ko na kasi yung Ate mo. Baka pwede mo naman akong utulay...] Agad akong nagulantang sa sinabi nya.




"Really?! Aba syempre! 'Kelan mo ba plano?" Excited na tanong nya.


[Uhh.... ngayon sana.] Agad akong napatili.



"Talaga?! As in ngayon na?!"


[Oo nga! Nasa byahe na nga 'ko ngayon eh.]


"Ah, ok sige, sige. Bye na para makapag-ready ako."

[Bye.] Kasunod 'non ay ang pagbaba namin ng phone.




"YIIIIIEEEE~ YEEEESSS!!!!" Sigaw ko kaya naman agad kinatok ni Ate yung pinto ko.



"Oh, ano nanaman? Bakit ang ingay mo nanaman?" Tanong nya mula sa labas.





"Ah, wala po, Ate. Nanonood kasi ako ng LizQuen." Palusot ko.

"Akala ko ba nag-aaral ka?"



"Kanina 'yun, Ate. Eh tapos na eh." Palusot 'kong muli.






"Ganern? Siguraduhin mo lang ah." Saka sya bumaba.



Niligpit ko ang mga libro ko saka sumunod na 'rin sa baba.



Naabutan ko si Ate na nanonood ng Moon Lovers.






Naupo ako sa sofa at kunwa'y nanonood 'din. Pero ang totoo naman talaga ay hinihintay ko si Daniel.





Hindi nagtagal ay nakarinig na kami ng doorbell.



Akmang tatayo na si Ate para pagbuksan ang bisita pero agad ko syang pinigilan.






"Ako na po, Ate." Prisinta ko. Baka kasi ipagtulakan nya lang si Daniel eh.






Agad akong nagtungo sa may pinto at pinagbuksan sya.






Napa-kagat sya sa labi nya dahil na 'rin siguro sa kaba pero agad naman akong nag-thumbs-up at tinapik ang balikat nya.




Agad naman kaming nagtungo sa salas.





"Sa'yo palang bista 'to 'te eh." Tawag ko kay Ate.


Kunot-noo nya 'kong nilingon at nang makita si Daniel ay biglang nagliwanag ang mukha nya.








"Ay, si Daniel pala. Mia, ikuha mo nga ng meryenda si Daniel." Utos ni Ate na agad ko namang sinunod.

Hmm... ano kayang ipapakain ko sa hinayupak? Kung lupa kaya at mantika? Haha. Charot. 'Di naman ako gano'n kasama.





Saglit 'kong pinakinggan ang usapan nila. Nagka-kamustahan palang naman sila. Haiist. Ang bagal talaga ni Daniel.





Ipinag-handa ko nalang sya ng banana muffins. Hmm... ano kayang bagay na drinks? Ah, tama! Dapat maasim para ka-partner ng kilig. Agad akong nagtimpla ng Dalandan juice. Yiieee~ agad namang sumakit ang panga ko nang ini-imagine ko ang lasa ng juice kasabay ng kilig. Yiiieee~






My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon