Chapter 41: Joseph's Past

52 3 0
                                    

Mia's POV



Nandito kami ngayon ni Zoey sa may pool area.






"Gano'n ba talaga si Joseph?" Tanong ko.




"Paanong gano'n?" Tanong nya pabalik.





"Hmm... gano'n, childish, moody, tapos minsan may pagka-OA 'din." Paglilinaw ko.



"Ah. Ganun talaga 'yun. Ayaw ka na nyang mawala. Siguro para hindi mo sya iwan o saktan. Ayaw na nyang maulit ang nangyari sa kanila ni Kate." Sagot nito.




"Sinong Kate?" Tanong ko muli.


"Si Kate Peralta... ex ni Kuya Joseph." Sagot nitong muli.





"Ahh~ eh anong nangyari? Bakit sila nag-hiwalay? May mali ba kay Joseph?" Tanong ko.




"Walang mali kay Kuya. Si Kate ang may mali." Sagot nito.




"Pwede ka 'bang mag-kwento tungkol sa nakaraan nila?" Paki-usap ko.








"Oo naman. 5 years na kasi silang mag-on no'n. Tapos, bumalik sa Pilipinas si Kate. 3 months syang nando'n no'ng pabalik na sya, naki-usap sya kay Kuya na sunduin sya. Settled na ang lahat. One day before Kate's comeback, na-aksidente si Kuya. Nagpatulong kasi si Honey sa pagde-disenyo ng isang bahay ng kliyente naman noon, at sa hindi ina-asahan, nabagsakan ng haligi ang paa ni Kuya kaya napilayan sya. That's why nilipat ni Daddy ang position nya, from architect to endorser. The next day, Kuya supposed to fetch Kate in the airport. Kaso, pinigilan sya ni Daddy dahil malubha pa ang lagay nya. Kaya hindi na nya nasundo si Kate. Na dahilan ng pagtatampo nito. Sinubukan syang suyuin ni Kuya, pero patuloy pa 'rin syang sinu-sungitan ni Kate hanggang isang araw, nakipag-hiwalay si Kate. Dahil sa sobrang sakit ng pakiramdam ni Kuya, sinubukan nyang maglaslas pero napigilan namin. Few months later, he was about to move-on nang makita nya ang napaka-hapding eksena. Nag-propose kay Kate ang boyfriend nya sa harap ni Kuya. Napatingin pa ito sa gawi ni Kuya at nang makita nyang sobrang nasasaktan na si Kuya, sinaktan nya pa itong lalo nang sagutin nya ng matamis na oo ang lalaki. Nagpalak-pakan ang mga tao sinyales ng kasiyahan samantalang sa isip ni Kuya, pinag-lalamayan na sya. Kaya please lang Ate Mia, 'wag 'mong sasaktan si Kuya."







Kaya pala. Kaya pala all this time, napaka-possesive nya at napaka-protective. Bilib ako sakanya dahil nakayanan nya 'pang mag-move-on sa gano'ng sitwasyon. Kung ako ang nasa lagay nya nako, magpapaka-matay na talaga 'ko.




"Makaka-asa ka." Sagot ko.







--






"Mia, I have good news." Bungad sa'kin ni Joseph nang maka-salubong ko sya sa living room.





"A-ano 'yon?" Utal na tanong ko. Para kasi syang ewan eh. Sobrang excited nya.










"Pumayag na si witch na mag-stay ka dito for one year!!!"







"One year?!" Hindi maka-paniwalang tanong ko. One year? Pumayag si Ate ng one year?!






"AAAHHHH!!!" Napa-tili nalang 'din ako sa excitement.








"Ehem. What's happening?" Napa-hinto kami nang may tumikhim sa likuran namin.


"Uhh.. Dad... we're just celebrating." Sagot ni Joseph.






"For what?" Tanong muli ni Tito.






Lumapit si Joseph kay Tito at saka bumulong.










Pagkatapos sabihin ni Joseph ay nginitian naman ako ni Tito.


--

"Ate, is it true? Pinapayagan mo 'ko mag-stay ng one year dito sa Canada?" At dahil nga hindi ako maka-paniwala, tinawagan ko agad si Ate.




[Oo nga.] Sagot nya.




"Pero Ate, anong pumasok sa isip mo't pumayag ka?" This time, mahinahon na 'ko.








[Ang kulit kasi nyang boyfriend mo eh. At isa pa, balak ko na mag-trabaho. Kaya naman pumayag na 'ko atleast dyan, alam 'kong safe ka.]







"Aaww~ ang sweet naman ng Ate ko. I love you, Ate. Ingat ka dyan." Paalam ko.









[Ingat ka 'rin dyan. Tumawag ka palagi ah.]







"Sure..." Sagot ko saka pinutol ang tawag.







At 'eto nanaman ako. Nagtiti-tili habang sumasayaw.





"Mia..." Napahinto ako nang tawagin ako ni Joseph.




"Ano 'yon?" Tanong ko.










"Narininig ko yung pinag-usapan nyo ni Zoey kanina. Pasensya na." Panimula nya.











"Joseph... may karapatan naman akong malaman 'yon 'diba? Saka, 'wag ka mag-sorry, hindi naman ako galit. May natutunan pa nga ako sa nakaraan mo eh. Na-realize ko na napaka-swerte ko pala sa'yo. Na hindi ako nagkamali sa'yo. At na-realize ko 'din na deserve mo ang maging masaya. Kaya naman nang malaman ko ang nakaraan mo, mas lalo pa kitang minahal at mas lalo ko pang nalaman ang kahalagahan mo." Sagot ko.











"Mali ka Mia, ako ang maswerte sa'yo. Dahil una sa lahat, akala ko'y wala ng magmamahal sa'kin dahil sa nakaraan ko. Pero ikaw, tinanggap mo kung sino ako at ang pagkatao ko. Maraming tao ang naiinis sa ugali ko. Pero ikaw, kahit inis na inis ka na, nag-tyaga ka at tinanggap mo na ganito talaga 'ko. Ang tagal 'kong naghintay sa taong tatanggap sa'kin ng buong-buo. Yung sarili ko ngang ina iniwan kami dahil sa'kin. Dahil sa ugali ko."











"Wala naman kasi talagang mali sa'yo. Kailangan mo lang ng taong tatanggap sa ugali mo." Sagot ko.






"At ikaw 'yun." Dugtong nya.








--




       (Diary ng Madaldal)


A very short update. By the way, malapit ng matapos 'tong story na 'to dahil ang estimated number of chapters nito ay 50-60 chapters.

My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon