Joseph's POV
"MARK!... GIGISING KA BA
O GIGISING KA?"TAKTE! Ang aga aga ang lakas ng boses niya! Dinilat ko ang mga mata ko. SIYA ang una kong nakita.
"Anong klaseng manliligaw ka ba?! Tanghali na gumigising, tapos ang tamad pa!" Bumangon na ako. Baka masigawan ko pa 'tong lokong 'to.
Tapos ayun. Nag ready na kami para sa... sa... PANLILIGAW...
Hindi muna ako naghanda ng flowers kasi baka mabigla si Mia.
--
Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay nila. Actually, APAT kaming nandito para manligaw.
Siyempre, si Kuya, tapos si Bernie, at si Daniel.Actually, halos 20 minutes na kaming nakatayo dito. Ako na ang nag lakas loob na mag-doorbell. Bumukas ang pinto. Nakita ko nanaman siya. Yung pinaka na miss ko sa lahat ng taong naiwan ko dito sa pilipinas. Kasama niya si Jessica. Naisip ko, parang ang aga naman nila gumising dahil lahat sila gising na gising na. Ewan. Pero siguro, na late lang talaga ako ng gising.
"Sino kayo? Anong ginagawa niyo dito?"
Sabi nung kung sino sa likod namin. Lahat kami tumingin sa likod. Nagulat ako ng makita siya. Akala ko ba isang taon pa siya mag-sstay sa London?Nung makita niya kami nagsalita ulit siya.
"Pasok kayo." Cool niyang sabi. May sapi ba siya? Dati ang 'witch' ng ugali niya.Tapos 'yun. Pinapasok niya kami sa bahay.
"Uhh... Daniel maupo ka muna." Sabi ni Maria.Excuse me, nandito pa po kami. Naupo muna ako sa kung saan.
"Tumayo ka nga diyan! Upong palaka ka nanaman diyan eh!" Sabi ni Kuya ng pabulong. Ganon talaga ako kapag naiinip. Nauupo ako, pero hindi lang basta upo. UPONG PALAKA... Bakit? Kasi naman hindi ako sumasalampak sa sahig. Kaya pinang tutukod ko yung dalawa kong kamay. Kaso yung mga kamay ko nakakulong sa may pagitan ng mga hita ko. Parang sa palaka.
"Oh, kayong tatlo bakit hindi pa kayo maupo?" Tanong nanaman ni Maria.
"Wala pa naman po kayong permiso." Sabi ni Bernie.
"Eh, malamang si Daniel lang naman kilala ko sa inyong apat." Dagdag pa ni Maria. Feeling ko lumalabas nanaman yung pagka 'witch' niya.
Edi ayun, naupo na kami dun sa sofa.
"Anyways, ano nga pala kailangan niyo?" Tanong nanaman niya.
Nagtinginan kaming apat. Since parang walang may balak magsalita sa kanila...
AKO nalang ang nagsalita."Umm... Manliligaw po kami ni Mia." Mahiya hiya kong sabi.
Nanlaki naman ang mga mata ni Maria. Tumingin siya kay Mia. Si Mia naman seryosong NAKATITIG sakin.
Nag side smile ako (yung sa isang side ka lang ngingiti). Umiwas naman agad siya ng tingin."NO WAY!" Galit na sabi ni 'witch'. Nagulat kaming lahat pati si Jessica. Si Mia naman, seryoso pa din yung mga tingin.
"Hustisya naman oh. Hindi pa nga nakaka graduate si Mia liligawan niyo na?! PWEDE BANG PAUNAHIN NIYO MUNA AKONG MAGKA BOYFRIEND?!"
Dagdag pa niya."Magkakaroon ka din. I-challenge mo kaya muna 'tong mga 'to. Kung sino yung tumagal, edi siya lang puwede manligaw kay Mia."
Suggested naman ni Jessica."Okay sige. Well then, kantahan niyo si Mia, kanina pa kasi parang sinasapian." Akala ko nung una 'witch' siya. May pagka 'angel' din pala siya.
Unang kumanta si Daniel.
Ang kinanta niya ay 'pangarap lang kita' ng 'parokya ni edgar'.Sumunod na kumanta ay si Bernie. Ang kinanta niya ay
'secrets' ng 'one republic'.Sumunod naman si Kuya.
Ang kinanta niya ay 'thinking out loud' ni 'ed sheeran'.At ako naman. Kakantahin ko ang kantang na ba-base sa sitwasyon at nararamdaman ko ngayon.
[Author's Note: Sinong ready na? Paki play nalang po yung nasa multimedia. Love you. Enjoy.]
"Magkalayong agwat gagawin ang lahat
Mapa sayo lang ang pag-ibig na alay sayo,
Ang awit na 'to ay awit ko sayo hanggat wala ka p
Dito ay umaga at diyan ay gabi,
Ang oras natin ay magkasalungat
Aking hapunan ay iyong umagahan ngunit kahit na anong mangyari
Balang araw ay makakapiling ka."
Pagkatapos ko kantahin 'yun kinindatan ko si Mia. Si Mia naman nakatulala lang.
Maya maya biglang namatay lahat ng ilaw. Sobrang dilim. Gusto ko hanapin si Mia para alam kong secure siya. Ano ba naman 'yan, nagpapaka OA
nanaman ako.May narinig akong mga yapak ng paa. May suminding kandila, nakita ko si Jessica na hawak yung kandila. Kala ko naman kung sino. Ano ba iyan! Masyado na akong OA.
Walang nagsalita kahit na isa sa amin. Mga 25 minutes din bago bumalik yung energy.
"May ilaw na."
Tuwang tuwang sabi ni Jessica."May ilaw naman talaga, nawalan lang ng power. Kahit naman mag brownout
andyan parin yung ilaw."
Sabat ko naman.Umirap lang siya. Nakakatuwa pala na mainis si Jessica. Ganyan na ganyan yung sabi sa akin ni Marlon dati. Kapag naiinis daw siya hindi ka niya papansinin. Pero hindi daw niya matitiis na hindi ka pansinin.
Well then, katulad ng kanina seryoso pa din ang mukha niya , ano naman kaya iniisip niya?
Mia's POV
2 hours earlier
[Mia! Mia! Mia! Alam mo ba pumunta kahapon si Joseph sa bahay namin, tapos tinatanong yung adress mo!]
Kilig na kilig na sabi ni Jessica sa kabilang linya."Ok sige na." Walang gana kong sabi. Paano ba naman kasi antok na antok pa ako eh.
Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili ko. May kumatok na sa pinto ko.
Pagkabukas ko nakita ko si Jessica, mabuti pa siya nakakangiti ng ganyan kalaki.Simula kasi ng dumating si Ate lagi niya nang pinapapunta si Jessica sa bahay. Paano ba naman kasi, sinumbong ako ni Jessica na wala pa akong mahanap na matitirhan. Eh, eto namang Ate ko pinilit akong lumipat kala Tita Merlinda. Eh, nagmatigas ako, kaya napilitan siyang umuwi.
"Friend! Nakabalik na si Joseph mo!" Tuwang tuwa niyang sabi. Eh, ano namang pake ko kung nakabalik na si Joseph?
25minutes after...
May nag doorbell na kaya pinagbuksan namin ni Jessica. Nakita ko silang apat. Hindi ko inaasahan na dadaanin pala ni Daniel sa ganito yung pagka crush niya sa akin. Si Bernie naman, siyempre di ko din inasahan na tototoonin pala niya yung i-pinost niya sa facebook ko.
Si Marvin naman... Well, kaklase ko siya nung 1-2 year highschool ko. Hindi ko inasahan na pupuntahan niya ako dito.
At ang last but not the least...
One and only: Joseph Fuentabela ang sarcastic king. Naguguluhan na ako sa kanya. Ano pa kayang ginagawa niya dito?Magsasalita pa lang sana ako ng biglang...
"Sino kayo? Anong ginagawa niyo dito?" Naunahan na ako ni Ate. Nakita ko na nagulat si Joseph nang makita niya si Ate.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
My Dream Girl
RomanceNagmahal, nasaktan, lumayo. Napaka-sakit ng buhay na inabot ni Mark Joseph Fuentabela. Feeling nya nga ay tinadhana sya na malas sa buhay. Bukod sa broken family, broken hearted pa. Nagbago ang kanyang pananaw nang makilala nya si Mia Alonzo. Sya ba...