Daniel's POV
Madami ng pinag-bago ang mga buhay namin. Medyo nawawalan na nga 'din kami ng time since nagsimulang mag-trabaho si Mia at Jessica. Sila kasing dalawa ang madalas magyaya ng galaan.
Sila Mia at Joseph, doon nakatira sa bahay ni Joseph malapit kala Jessica. Habang si Maria naman at tunuloy na ang pagiging secretary sa isang kompanya sa London. Kaya nandito 'din ako sa London.
Anyways may magaganda 'din namang benefits. I'm not saying na hindi maganda yung mga nauna 'kong sinabi.
Me and Maria became more sweeter. Nagli-live in narin kami para hindi kami mahirapan sa oras.
Joseph and Mia, well, they're staying strong at masaya naman sila sa buhay nila. They're already planning to have a baby. Pero sabi nila, mag-iipon 'daw muna sila para maibigay ang pangangailangan ng anak nila.
Jessica and Marlon, kahit busy sila sa mga trabaho, nagkakaroon parin sila ng time sa isa't-isa. Pero madalang nalang kasi kahit weekend ay may pasok si Jessica. But they found a way para kahit pa'noy hindi sila mawalan ng time sa isa't-isa. Yung kahit konting oras lang. So they decided na mag live-in nalang. Pero ewan ko lang kung temporary ang pagta-trabaho ni Jessica para lang makapag-ipon sya. Kasi mahirap nga naman kung magiging mag-asawa at gano'n parin ang trabaho ni Jessica. Magkakaroon sila ng conflict no'n.
Paulo and Perla, ayun, busy sa pagpa-plano ng kasal nila. Pero I hope na sana pagkatapos nila mai-kasal ay mapag-isipan nila ng mabuti ang mga susunod nilang hakbang. Makapag-ipon at makahanap ng maayos na trabaho na kayang buhayin ang pamilya.
Si Marvin at Pearl, wala pa silang plano na magpa-kasal. Siguro ay dahil bago palang sila. Doon palang siguro sila sa stage na nagkaka-roon ng conflict at natututunan kung paano maging matatag. Which is napag-daanan narin namin ng iba pang couples.
Natigil ang pagde-daydream ko nang mag-alarm ang wrist watch ko. Senyales na pwede na kaming umuwi.
--
Nagluluto ako ng dinner namin ni Maria. Maya-maya lang ay uuwi na 'din 'yon.
Nang matapos akong magluto ay umupo ako sa sofa at hinintay si Maria.
.
.
.
Nagising ako nang bumukas ang pinto at iniluwa si Maria.
What the-- naka-idlip na pala 'ko? Tumingin ako sa orasan. 30 minutes na pala akong naka-idlip.
Umupo naman si Maria sa tabi ko na naka-kunot ang noo.
"Bakit ngayon ka lang?" Galit-galitan 'kong tanong. Kahit naman bukas pa maka-uwi 'yan ay hindi ko magagawang magalit sakanya eh.
"Eh kasi si Sir 'kong juding. Pinag-OT ako. Hindi pa kasi sya tapos sa ginagawa nya. Hindi pa 'ko pina-alis, kesyo natatakot 'daw sya mag-isa." Pagkasabi nya ay mas lalo pang kumunot ang noo nya. I can't help to laugh.
"Haha. Tama na 'yan. Gutom lang 'yan." Sabi ko naman saka dumiretso sa kusina at nag-hain.
"May pasok ka ba bukas?" Bungad ko habang inilalagay sa mesa 'yong mga niluto ko.
"Wala." Sagot nya.
"Ayos. Oras para makapag-pahinga ka." Sabi ko.
--
Marvin's POV
Nakakainis! Bakit ba kasi napaka-ikli ng pasensya nya?
Kaya ayaw na ayaw ko na magkaroon ng seryosong relasyon eh.
Nagninilay-nilay ako ngayon sa terrace ng bahay ni Mark. Wala kasi akong matatakbuhan sa ngayon at wala 'din akong mapagku-kwentohan. Sila Mom at Dad ay kaka-balik lang sa Canada kasama sila Honey at Britney. Hindi naman pwedeng abalahin ko pa si Marlon dahil lang sa drama ko. Minsan na nga lang sila magkaroon ng oras sa isa't-isa ng girlfriend nya, nanakawin ko pa? Kaya dito ako tumakbo sa bahay ni Mark.
Bumalik na si Mark na may dalang dalawang tasa ng kape at inilagay nya 'yon sa maliit na coffee table.
Tumigil na 'ko sa pagni-nilay at tumingin sakanya bilang pag-respeto. Alam ko kasi ang pakiramdam na hindi ka tignan ng kausap mo habang nagsasalita ka.
"Ano ba kasing nangyari, Kuya?" Tanong nya at napa-iwas naman ako ng tingin.
"Kasi naman. Nangako ako noong nakaraang linggo na magde-date kami nitong biyernes. Siguradong sigurado ako do'n kaya nangako ako. Pero may emergency kasi sa company ni Dad eh. Sakto naman na nasa Canada sya kaya hindi nya maasikaso. Eh alam ko namang busy kayo ni Marlon kaya ako na ang nagkusang loob. Kaya hindi ko sya nasipot sa date namin. Na ikina-galit nya. Nagliwanag ako pero wala talaga eh." Kwento ko. Bumabalik nanaman ang inis ko.
"Alam mo Kuya, babae 'yan. Malaki ang pangangailangan." Sabi nya na ikina-inis ko lalo kaya nahampas ko ang coffee table.
"BAKIT?! SYA LANG BA ANG MAY PANGANGAILANGAN?! PORKET BA LALAKI AKO AY WALA NA AKONG PANGANGAILANGAN?! MALAKI 'DIN ANG PANGANGAILANGAN KO! LALO NA ANG PASENSYA, PAGTITIWALA AT PAG-IINTINDI NYA!" Hindi ko na napigilan ang pagsigaw. Pero laking gulat ko nang itaas lang nya ang palad nya sa tapat ng mukha ko. Simbolo na gusto nyang putulin ang sinasabi ko. Na parang bang nagsasabi ako ng walang kakwenta-kwentang storya kaya pinili nyang putulin na lang.
"Una sa lahat, bahay ko 'to, at paki-usap lang na 'wag mo sisirain ang mga ari-arian ko. Pangalawa, sinabi ko lang naman na malaki ang pangangailangan ng mga babae at wala akong sinabi na wala 'kang pangangailangan. At huli, pakinggan mo muna ako." Nanahimik nalang muna ako dahil sa sinabi nya.
"Ang mga babae kasi, kahit sino pa ang may kasalanan sa inyo, sila parin ang unang magagalit. Humingi ka ng tawad at suyuin sya. Imbis na sabayan mo ang galit nila, intindihin mo nalang muna--"
"PAANO KO SYA IINTINDIHIN KUNG AKO AY HINDI NYA ININTINDI--" Napatigil ako nang muli nyang iharang ang palad nya sa mukha ko.
"Naalala ko noong panahon na nasa stage nyo pa kami ni Mia. Kapag galit sya, imbis na sabayan ko, kung sino-sino pa ang kinu-kuntsaba ko para lang suyuin sya. Ma-pride ang mga babae. At imbis na higitan natin ang pride nila, (kaya madalas tayong natatawag na ma-pride eh kahit sila naman talaga 'yon at hinigitan lang natin) ibaba nalang natin ang pride natin. Kasi gusto nila na tayo ang nauuna. Tayo ang nauuna sumuyo, mag-sorry at kung ano pa 'man at kailanman ay hindi na natin 'yon mababago sakanila. Kaya tayo mismo ang magbago para sa kanila." Payo nya. Minsan nalilito na 'ko kung sino ba talaga ang panganay saming dalawa dahil sa mga salita nya.
"Kung hindi kaya ng mga babae magbaba ng pride, dapat mga lalaki na mismo ang gumagawa ng unang hakbang."
--
Diary ng Madaldal
Last chapter finished! Next, epilogue na. Don't forget to leave a vote~
BINABASA MO ANG
My Dream Girl
RomantikNagmahal, nasaktan, lumayo. Napaka-sakit ng buhay na inabot ni Mark Joseph Fuentabela. Feeling nya nga ay tinadhana sya na malas sa buhay. Bukod sa broken family, broken hearted pa. Nagbago ang kanyang pananaw nang makilala nya si Mia Alonzo. Sya ba...
