Chapter 9:Supporters

116 5 0
                                    

Mia's POV

Nagising ako dahil sa sinag
ng araw, hindi ko pa din
nakalimutan yung kaarawan ko kagabi.

Chineck ko kung anong oras
na jusko 11am na pala,
May 1 message ako, akala
ko galing sa mga kaibigan ko
na magpapahabol ng pabati
sa akin... IBA PALA...

From: Joseph my loves

Mia, sorry kung hindi ko
nasabi na may flight ako
ngayon. Biglaan kasi yung
pagpapapunta sa akin ni
mama dito eh. Take care.

~Joseph...

Anong ibig niyang sabihin?
Lumabas ako ng kuwarto.
Pumunta ako sa may harap
ng kuwarto ni Joseph, at
kumatok ako.

"Joseph, gumising ka na."
Walang sumasagot nung
tinatawag ko siya.

Pumasok ako sa loob ng
kuwarto niya. Walang tao.

Sinilip ko yung labas ng bahay, andun naman yung
kotse ni Joseph... Matawagan
nga siya.

*Dialing...*

Hindi ko ma contact, 'cannot
be reach'  daw... Saan naman kaya pumunta si
Joseph? Totoo kaya na may
flight siya?

Pumasok ako sa kawarto.
Naupo ako sa kama ko at
nag-isip isip. Bakit kaya
umalis si Joseph? Inuupahan
niya lang kaya itong bahay
na ito at hindi nakapagbayad? Kaya
ipinapasa niya sa akin?
May multo kaya dito?

Sakto ng pagkasambit ko
ng salitang multo biglang
may kumalabog sa kuwarto
ni Joseph.

Ayoko na dito! Hindi ko na
sinilip pa yung kuwarto niya. Nag impake nalang
ako ng gamit ko. Ayoko na!
Takot na ako dito! Hindi ko
na inayos yung mga gamit ko, sinaksak ko nalang ng
sinaksak sa maleta ko.

Pagkatapos ko mag impake,
Lumabas agad ako ng kuwarto at lumabas ng bahay.

Nakakita agad ako ng taxi.
Nagpahatid ako sa bahay
namin.

------
After 1 week na realize ko
na nakaka miss pala si Joseph. Kaya nagalit nalang
ako dahil tinanggap ko sa
sarili ko na iniwan na niya
ako, na wala akong halaga
sa kanya kaya hindi siya
nagpaalam, na naiilang siya
na kasama niya ako.

Napasandal ako sa pintuan
ng bahay namin, at hindi ko
namalayan na umiiyak na
pala ako kaya napa upo ako.


"Bakit ganoon? Bakit lahat
kayo iniwan na ako? Bakit
sa huli ako na lang lagi yung
talo? Bakit hindi ako maging
masaya? Bakit ako iniwan
ng mga taong sobrang
importante sa akin? una si
Papa, sunod si Mama, sunod
si Ate, at sunod naman si
Joseph. Mahirap ba ako
pakisamahan kaya ganito
nalang ninyo ako iiwan?"

Ang sakit ng nararamdaman
ko, pakiramdam ko wala
akong kuwenta, pakiramdam ko wala na
akong kasama. Ang sakit,
ang sakit sakit.

"Hindi ka nag-iisa. Andito
naman ako eh. Hindi kita
iniwan." Pamilyar sa akin
yung boses na yun, bakit
siya nandito? Alam ba niya
kung kelan dapat yung
entrance niya? Alam ba niya na nagluluksa ako?
Alam ba niya na kailangan
ko siya ngayon?

Bunuksan ko ang pinto.
Hindi nga ako nagkamali
siya nga talaga. Niyakap ko
siya, ganun din siya.
May dala pa siyang flowers
at binigay niya sa akin.

"Mia, hindi ka nag-iisa tandaan mo iyan." Tumango
lang ako.

Pinapasok ko siya sa loob.
"Bakit alam mo pala na
kailangan kita ngayon?"
Ngumiti siya sa akin.
"Sinabihan kasi ako ni Joseph tungkol sa pag alis
niya. Sabi niya sa akin
na ako daw muna ang
SAVIOR mo."
'Tignan mo nga. Siya sinabihan ni Joseph na aalis
siya, tapos ako hindi?'
Iyan lang ang nasabi ko sa
isip ko.

My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon