Pearl's POVAng bilis ng panahon. Bukas na ang kasal.
Kaya naman nandito na kami sa chruch ng pagka-kasalan para ma-prepare na namin ang decoration. Nandito si Ate Perla, ang boyfriend nyang si Marvin at kapatid nitong si Marlon para mag-decorate.
Habang kami naman ni Paulo ang mag-iisip kung paano ang gagawin.
May mga white christmas lights sa gilid ng upuan ng simbahan para 'pag naglakad na si Mia sa aisle, pak! Bongga!
May chandelier 'din kaming pinalagay sa kisame. Isa lanh 'yon. Mahal eh.
Sa bawat sulok naman ng simbahan at sa may entrance, may mga balloons na may watermark ng wedding nila.
Ang four sides naman ng simbahan ay may mga nakasabit na pictures nilang magkasama. May mga caption pa ito kung saan at kailan ito kinuhanan. Nakalagay 'din kung anong ginagawa nila sa lugar na 'yon kung saan sila kinuhanan.
May picture doon no'ng nasa park sila. Binasa ko ang nakasulat.
August 12, 2016
At 'picnic area'
That day, I was looking for something to keep my stress away. But unfortunately, I also found love in that place...-Groom
Sinunod ko naman ay ang picture nila sa bahay nila Joseph dito sa Pilipinas.
September 1, 2016
At his houseThis place is the place that I realized that I'm inlove. The place that make us stronger.
-Bride
"Naiinggit ka nanaman." Natigil ako sa pagbabasa nang yakapin ako mula sa likod ng boyfriend mo.
"Hindi naman sa naiinggit ako. Nakakatuwa lang kasi ang love story nila." Tanggi ko.
"Lahat naman ng love story ay nauuwi sa kasalan." Dugtong nya.
"Hindi lahat. May mga love story na hindi pa 'man nauuwi sa kasalan, natatapos na." Sabat 'kong muli.
"Tulad nyo ni Jessica..." Dagdag ko.
Ipinihit nya ako paharap sakanya.
"Tandaan mo 'to, ang mga lovers ay naka-tadhana. Siguro, hindi talaga kami naka-tadhana ni Jessica. In short, hindi napag-planuhan ang love story namin. Ihalintulad mo nalang sa pagiging author. Ang author bago gumawa ng story, nagpa-plano muna. Syempre, iniisip nya kung anong magiging takbo ng love story. Tapos, nagma-match sya ng characters sa story nya. Ang gusto lagi ng author ay perfect couple. Halimbawa, si god ang author at tayo ang character. Isipin mo na ni-match nya 'ko sa isang character na tingin nya ay babagay sa'kin. Pero let's say, hindi ako pumayag na sa character na 'yon i-pair. Ginusto ko na kay Jessica i-pair kaya pinag-pilitan ko. Sinunod naman ni god. Kaya lang, kaming mga character ay hindi bumagay sa takbo ng storya dahil nga pinag-pilitan. Kaya dapat, 'wag natin kalabanin ang tadhana. Sundin natin ang takbo ng love story, natin. Sundin natin ang mga plano ni author para sa'tin." Pagkasabi nya'y hinalikan nya 'ko sa noo.
BINABASA MO ANG
My Dream Girl
RomanceNagmahal, nasaktan, lumayo. Napaka-sakit ng buhay na inabot ni Mark Joseph Fuentabela. Feeling nya nga ay tinadhana sya na malas sa buhay. Bukod sa broken family, broken hearted pa. Nagbago ang kanyang pananaw nang makilala nya si Mia Alonzo. Sya ba...