Chapter 30: Bitter

52 2 0
                                    

Marvin's POV

"Whoo!!! Baka anytime mag-burst na 'ko sa sobrang tuwa!!!" Sigaw ni Marlon habang tumatalon na para 'bang wala ng bukas.

"Magbu-burst lang? Ako mamamatay na sa sobrang tuwa." Pagkasabi ni Mark ay sinabayan niya na 'rin ang trip ni Marlon.

"Wwwhhhiieee!!! Sabi ni Ken crush niya 'din 'daw ako!!!" At naki-talon na 'din si Britney.

May mas lalala pa ba sa gabing 'to?

Haiist!!! Hindi ko na kaya... ang ingay!

Hinampas ko yung mesa para matigil sila. Umubra naman...

"Pwede ba magsi-tigil kayo?! Ang sakit na kaya sa tenga!"

"Weh? Ang sabihin mo, bitter ka lang dahil wala 'kang love life. Hmp! Ang KJ mo Kuya!" Loko 'tong batang 'to ah. Ang liit-liit ang lakas mangbara!

"Kaya nga..." Sang-ayon naman ni Marlon kay Britney.

"Sus, pagsamantala lang 'yan. Sasaktan 'din kayo ng mga 'yan. Psh."

Yung isa kasi dyan, nagmamahal sa taong alam niyang hindi na siya mamahalin. (Si Marlon ang tinutukoy ko...)

At yung isa dyan, nasaktan na dati, hindi pa nakuntento. 'Dun pa talaga sa babaeng hindi marunong magmahal dahil walang karanasan. (This time, si Joseph ang tinutukoy ko.)

Tapos dumagdag pa yung isa dyan na 'dun pa talaga nagmahal sa batang talented nga, pagdating naman sa academics umaasa sa kopya. (It's Britney.)

"Kuya naman kasi, humanap ka na ng pureber mo. Para hindi ka na OP dyan." -Britney

Psh. Aanhin ko naman 'yang poreber poreber na 'yan. Hindi 'nga suma-sang ayon si tadhana kay poreber eh.

Basta ako, kuntento na sa buhay ko. Marami naman sila eh. Kaya mawala 'man ang isa, marami 'pang matitira... alam niyo naman siguro ang tinutukoy ko eh.

"Haiist. Matulog na nga kayo. May mga gagawin pa kayo bukas diba? Lalo na ikaw Mark. Ang hirap mo pa naman gisingin."

"Opo." Sabay-sabay na tugon nila.

Haay~ iba talaga kapag panganay. Palaging nasusunod.

After 2 hours ay natulog na 'din ako...

***

Morning...

Nag-jogging ako nang maaga para makauwi 'rin ako ng maaga.

May nadaanan akong bahay na nakakuha ng atensyon ko.

Nakakapag-taka dahil kulay pink ito. Mula gate hanggang sa garden (kulay pink kasi yung flowers.)

Dumungaw ako sa may gate upang makita kung anong klaseng tao ba ang nakatira dito.

"Hoy lalaki! May balak 'kang nakawan kami noh?! Pwes! Hindi mo magagawa ang binabalak mo dahil may hawak akong talong na panlaban sayo!" Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang babaing tinututukan ako ng talong. Seriously? Talong?

"Ano namang laban ng talong 'mong 'yan sa'kin?"

"Aba! Papalag ka talaga noh?! Hindi ka natatakot ah. Sasabihin ko sayo kung anong purpose ng talong na 'to. First, it can taga-taga you. Second, it can hampas-hampas you. And lastly, it can patay-patay you!"

"Ako may balak kayong nakawan? Aba! Ano namang interes ko sa pink?"

"Hoy, yayamanin na magnanakaw, tandaan mo ang sasabihin 'kong 'to..."

Lumapit pa siya sakin at idinikit ang tangkay ng talong sa ilong ko.

"WALANG.PINIPILING.KULAY.ANG.MAGNANAKAW!" Pagkasabi'y inilayo na niya ang tangkay.

My Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon