Mia's POV
Hinatid ako ni Joseph dito sa bahay. Magpapa-alam kasi kami kay Ate tungkol sa pinag-usapan namin kanina.
*Flashback*
"Mia, may sasabihin pala ako sayo..."
"A-ano 'yon?" Kabado 'kong tanong.
"Kung ok pang sa Ate mo at sa'yo..."
"......?"
"Gusto ko magbakasyon sa London kasama ka."
"O.O Pa-paano 'yan? May pasok ako eh." Sabi ko nalang.
"Huwag 'kang mag-alala. Sisipsip tayo sa principal nyo. 'Di ba Nanay naman 'yun ni Daniel? Ipapaalam nalang kita sakanya."
Eng sweet...
"Eng bed mo telege. Hindi mo naman na dapat gawin 'yun eh."
"Para sa'tin naman 'yun eh."
*End of Flashback*
Kaya naman pala masama ang kutob ko kanina. May masama pala kasing balak si Joseph.
Mas lalo tuloy ako na-inlab sakanya.
Mantakin nyo 'yun? Gagawa sya ng masama para lang sa'kin.
Iba na nga ang tingin ko sa gagawin nya eh.
Tingin ko kasi... magtatanan na kami eh.
Shonga ko 'rin talaga. Kung magta-tanan kami, 'di sana ora-orada kami at hindi na kailangan 'pang magpa-alam kahit kanino 'man.
Pumasok na kami sa loob ng bahay. Agad naman kaming sinalubong ni Ate.
"Ano'ng sinabi ko sa'yo tungkol sa oras ng pag-uwi?" Bungad ni Ate.
"Ano ba, Ate? 'Wag ka 'ngang OA. 7:59 palang oh." Sabi ko sabay pakita ng wrist watch ko.
"Aba! 7:59! Eight na kaya dito!" Sigaw niya naman sabay turo sa wall clock.
"Ay Ate, wala na 'kong kinalaman dyan. Advance 'yang relo mo. 'Di tulad sa'kin na philippine standard time ang oras. Tsk. Palitan mo na 'yan." Sagot ko naman.
Nag-iinit naman sya sa inis habang mau-utot na si Joseph kaka-pigil ng tawa.
"Kalma Ate, huwag na kasi masyado mainit ang ulo. Atsaka, kasama ko naman si Joseph kaya walang mangyayaring masama sa'kin. Alam mo namang SAVIOR ko 'yan eh." Pagpapakalma ko kay Ate. Mahirap na, baka mamaya hindi niya pa 'ko payagan.
"Ok sige na. Pero matanong ko, bakit nga pala nandito 'yang ungas na 'yan?" Tanong nya. Kilala nyo naman na siguro si 'ungas the great' mwahaha. Ang sama ko naman sa BOYFRIEND ko.
"Ahh... Ate, may gusto sana kami sabihin sa'yo... pero dadahan-dahanin lang namin. Baka hindi magsink-in sa utak mo eh. Mahina pa naman 'yan." Mwahaha. Ang harsh ko kay Ate.
Naupo sya at pinatay ang TV para walang istorbo. Magkatabi kami ni Joseph sa mahabang sofa habang si Ate naman ay sa single na sofa. Mwahaha. Single naman sya eh.
"Simulan nyo na..." Mahinahon nyang panimula.
"Kasi Ate, nahihirapan na kami ni Joseph sa sitwasyon namin eh. Kaya gusto muna sana naming ma-separate. Gusto naming MAPAG-SOLO. Balak ni Joseph na magbakasyon kami sa London. Yung studies ko naman, ok na. Sya na 'daw bahala. Sasabihin nya nalang kay Principal at babayaran nya 'yung teacher namin para mag-home study ako at hindi ma-late sa mga pinag-aaralan. Kaya sana Ate, kung hindi mo mamasamain, hayaan mo na kaming MAPAG-SOLO... please? *.*" Pagmamaka-awa ko.
BINABASA MO ANG
My Dream Girl
Roman d'amourNagmahal, nasaktan, lumayo. Napaka-sakit ng buhay na inabot ni Mark Joseph Fuentabela. Feeling nya nga ay tinadhana sya na malas sa buhay. Bukod sa broken family, broken hearted pa. Nagbago ang kanyang pananaw nang makilala nya si Mia Alonzo. Sya ba...