Badboy.6 (1st Busted)

74 1 0
                                        

Pasensorry po sa late update. Anyways, update na po ako. Naiinspired na naman ako :))) Leggo badboys...

************************

DK POV

"Para kayong mga ewan sa totoo lang. Gawin nyo mag-isa yung mga yan ako pa dinadamay nyo" WALKOUT! E pano ba naman gusto ako pa ang mag-tanong dun sa crush daw ni Seisha. Aba sila may gusto, pagsikapan nila. Hindi yung nanguutos sila.

Hindi naman sa mataray ako pero totoo naman e. If you want someone, take the risks. Trolololo, kung anu-ano ng pinagsasabi ko dito.

Umakyat na lang ako at pumasok sa room namin. Sinalubong naman ako ng mga chismoso kong classmates. Kaya padabog akong umupo sa upuan ko. Pero sa nakakainis na pangyayari ay sinundan na naman ako ng mga girls. Problema ba nila????

"NO!" inunahan ko na agad sila. Ayoko na, ang kukulit nila. Pwede namang mag-hintay o tanungin dun sa mga teachers. Mga walang common sense.

"Tigilan nyo na nga si DK. Kayo may gusto dun kaya kayo ang mag-tiyaga na alamin pangalan nun hindi yung nangdadamay pa kayo ng iba."

"At dun po nagtatapos ang napaka-habang speech mula kay Ulap. Let's give him a round of applause." Talagang tumayo pa ako at pumalakpak ito namang kumag natuwa pa. Sira talaga!

Umupo na ulit ako at nagsipag-balikan na sa mga kanikanilang upuan. Mabuti naman at dumating na yung teacher namin. Pero dahil sa English ang Subject, matutulog muna ako. Laters!

Seisha POV

Im Seisha Galo, the prettiest among the rest. Hahahahahahaha, kidding. Anyway, isa ako sa mga pinaka-kinaiinisan ng lahat. Malaman nyo na lang kung bakit.

Pero ngayon mabait muna ako dahil super duper crush ko talaga yung guy na yun sa 1st year. I'll do everything just to get his name also his number. Sa panahon ngayon di na pwedeng pa-Maria Clara sa tagal. Sungaban na hangga't may oras. Take note that people.

Gail POV

"Pronouns substitute the noun. He, She, It is an example of 1st person." blah blah blah. Im not listening. Actually wala talagang nakikinig sa English teacher namin. Tingnan nyo ba naman itong nasa harap ko. Natutulog na naman. Siya na, siya na ang 1st honor na tinutulugan ang mga klase. Bait nya noh?

Sooooooooobrang boring. AS IN! Kaya itong katabi ko napaka. Kinukulit ba naman ako.

"West pwede ba? Kita mong ayokong kinukulit ako e. Kaya pwede shut the hell up!" Inis kong sabi kay West. Buti di kami narinig nung teacher namin. Nakakainis na kasi ito e.

"Di mo kasi ako pinapansin e." malungkot nyang sabi. Ayan na naman siya sa pabata effect nya. Feeling bagay hay nako!

"E nakita mo na palang di kita pinapansin kinukulit mo pa ako. Ano ka MANHID?" Diniinan ko talaga pag-sabi nung Manhid. Kainid kasi e.

"Ikawngatongmanhide"

"Huh?"

"Wala. Sige wag mo na muna akong pansinin. Concentrate ka na!" Tingnan mo itong lalaking ito. May topak talaga.

"Goodbye class" Ay? Tapos na pala yung klase. Umalis na yung teacher namin pero biglang pumasok sa room yung head ng admin namin. Kaya ginising ko agad agad si DK nasa unahan pa naman kami.

"All of you. Stand up." tumayo kami agad. Takot lang namin dyan. "Lahat ng naka-upo sa likod pumunta sa harap at lahat ng naka-upo sa harap pumunta sa likod. Kung ano ang position nyo ganun din ang magiging position nyo now. Go!" mabilis kaming nagsilipatan ng upuan. Kaya nagibg arrangement ay nasa pinaka-huli sila DK. Meeen, di ko na makikita ang gagawin nilang dalawa. Bayan!

After nya kaming palipatin ay umalis na agad siya. Proper arrangement na daw namin yun. Kaloka! Napaka-bossy men.

Uwian na namin pero itong si Sky ay hinarang ako.

"Gail, favor naman!"

"Ano yun?" pa-cute effect pa ako. Syempre si crush ito e.

"Palabasin mo na lahat ng mga kasama ni DK. Ako na lang ang tutulong sa kanya mag-linis ng room!" ay, oo nga pala Friday cleaners si DK. Umoo na lang ako. Wala tayong magagawa si Crush na nag-request. Pero ang sakit oh! Lahat na lang kay DK. Hay! Kailan kaya maging akin?!

"Guys, labas na kayo lahat. Except DK. Bye bessy!" umalis ako agad at sumaludo sa akin si Sky sabay pasok sa room. Pero ako di parin umaalis, tumambay ako sa may pintuan.

Sky POV

Pumasok na ako sa room namin at tinulungan si DK maglinis. Pero syempre si DK yan kaya hindi imposibleng hindi kami mag-sigawan.

"Salamat natapos din. Napaka-bagal mo kasi mag-walis e. Napaghahalataang di nagawa ng gawaing bahay." sigaw sa akin ni DK sabay hagis sa akin ng walis. Ikaw na mabait, pasalamat ka mahal kita.

"Ahm DK!"

"ANO?"

"Tingnan mo ito, kinakausap ng maayos ang sagot pasigaw. Halikan kita dyan e."

"Subukan mo ng mabangasan ko labi mo!"

"Ito di mabiro? Ito na kasi, pwede bang ----"

*blaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaag*

Ay pusa! Sino ba yung epal na yun? Ito na oh! Sasabihin ko na e. Pinuntahan ni DK yung malakas na tunog mula dun sa kabilang room Si DK yan e kaya chismosa yan.

"S-Sky?" pumunta ako kay DK. "Y-yung mga u-upuan. Nagsitumbahan w-wala namang t-tao." Halos nanginginig na ako sa kinatatayuan ko. P-panong nangyari yun e kami na lang tao sa 3rd floor???? Nagka-tinginan kami ni DK sabay

"TAKBO!" Pabilisan kami sa pagtakbo ni DK. Pero dahil si DK yan, parang kabayo kung kumaripas. Buti naidala namin yung bag namin. Pagdating namin sa 2nd floor ay huminto na kami.

"Grabe nakakatakot yun! Ano nga palang sasabihin mo?"

"Ahm ano pwede bang --------"

"Ay alam ko na yang itsurang yan Sky. Sinabi ko na sayo diba. AYOKO pa. Wag ka namang makulit. Osha bye!" wala na. Inunahan nya na ako. Umalis siya agad.

1st BUSTED for this year. Sana bago matapos ang year ay pumayag na siya.

Behind a Badboy lookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon