Badboy.31 [Ice Breaker]

25 1 0
                                    

Im so close to saying goodbye.

Vote and comment po :------)

**********

SKY's POV

Hindi ko na-enjoy yung bakasyon ko. Bukod sa Ilocos namin cinelebrate yung Christmas ay dun narin binalak nila mommy na icelebrate ang New Year.

Kaya buong bakasyon akong lutang! Naasar ako! Di ko alam kung wala signal sa lugar na yun o sadyang bulok lang talaga yung cellphone ko.

Di ko tuloy nabati sila DK pero yung mga kapatid ko at sila mama nagawang maka-text, may tawag pa nga e.

Nagtampo pa ako kay mommy kasi puro kay Sophie yung attention. Buti nalang napansin nila kaya naging fair na yung treatment.

Ang masaklap lang inaasar na naman nila akong mama's boy. Yung mga kuya ko kung di lang sila malalaki kinurot ko na sila sa pisngi. Ang cute e, hayy!!!

"Naayos mo na ba yung mga gamit mo baby boy?" paglalambing sa akin ni mommy kaya tiningnan ko sya.

"Mama, tigilan mo nga yan." reklamo ko sa kanya.

"Sus, tas magtatampo ka pag di kita nilalambing." nag-bababy talk na naman sya.

"Ma please." kinurot nya lang ako sa pisngi tas umalis na sa may tabi ko.

Ginulo ko yung buhok ko kasi di ako makapaniwala sa nanay ko. Ang gulo nya!

Inayos ko na yung mga gamit ko kasi bukas resuming of class na ulit. Makikita ko na ulit si DK sa wakas!

Maingat kong nilagay yung isang bote ng sand na may mga maliliit na shells sa loob. Tas iba iba yung kulay nung sand.

"Sana naman magustuhan mo ito diba" tas sinara ko yung bag ko. Ibibigay ko yun kay DK. Alam kong favorite nya ang beach kaya sana talaga magustuhan nya yung gift ko sa kanya.

----

"Good morning people of the universe!" very energetic na bati sa amin ni Seisha.

Di ko siya pinapansin, may hinihintay akong dumating. Anong oras na wala parin sya.

"Saya mo ata ngayon?" tanong sa kanya ni Gail.

"Well well well. Ganun talaga pag maganda." may pa-arte arte pa sya sa buhok nya na parang cinucurl nya. Tss!

"K" tipid na sagot sa kanya ni Gail kaya naupo nalang ulit yung dalawa.

Asan ka na DK, malapit na bell di ka parin dumadating. Nilibot ko yung tingin ko sa may ibaba baka sakali ay makita ko sya.

Yung harap kasi nung room namin sa second floor, pag tumingin ka sa ibaba ay makikita mo kung sinu-sino na yung mga papasok.

"Uy!" gulat sa akin ni Gail pero di ko sya pinapansin.

"Hinihintay mo ba sya?" tanong nya sa akin pero tuloy parin ako sa paglibot nung tingin ko.

"Di mo sya dyan makikita." napatingin ako sa kanya tas sya nakatingin lang din sa ibaba.

"Huh?" ngayon lumingon na sya sa akin.

"Nasa may canteen sya kausap si Edrick para sa project natin sa English." pagtataray nya sa akin.

"Ok" tas tumakbo na ako papaunta sa may hagdan. Narinig ko pang tinawag ako ni Gail pero di na ako lumingon.

Nung marating ko yung canteen ay naabutan ko silang nagtatawanan ni Edrick. Kaya lumapit ako sa kanila.

"Wassup!" tas umupo ako sa tabi ni DK. Tumingin sya sa akin na para bang gusto nyang sabihin na anong ginagawa ko dito.

"Uy Sky buti andito ka na. Nakabayad ka na ba para sa field trip?" tanong sa akin ni Edrick kaya lumingon naman ako sa kanya

Behind a Badboy lookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon