*booog* *booog* *booog*
"Ano? papalag ka pa? Wala ka naman palang binatbat e tapos aangas angas ka dito. Tabi!" sabi ko dun sa walang binatbat na payatot na akala mo kung sinong umasta dito sa subdivision.
Umalis na ako at umuwi na. Nakakatamad na ding tumambay. Badtrip ako dahil nakipag-break sa akin yung girlfriend ko. Dapat ako yung gagawa nun kaso inunahan ako. Bwisit!
Pumasok na ako sa bahay at umakyat. Matutulog na ako syempre at masakit narin yung katawan ko. Lintek na tropa yan e, iniwan ako mag-isa pasalamat sila at kaya kong iako yung kalokohan nila. E wala naman kasing binatbat yung naka-away nila e.
----------KINABUKASAN-----------
"Aaaaaaaaahhhhhh!!!" grabe ang sakit ng buong katawan ko. Parang dinanganan ng nga bato. Tangna naman oh!
Bumaba na ako dahil nagugutom na ako.
Tiningnan ko yung laman ng mesa at ano itong itinira sa akin 1 pandesal lang. San aabot ito? Langyang buhay ito oh
"Hoy Loui! Wala kayong balak na pakainin ako? Yung tinira nyong pagkain sa akin sa tingin nyo mabubusog ako?"
"Di ko alam. Yan lang yung tinira ni mommy e." tingnan mo itong kapatid ko sumasagot pa.
"At sumasagot ka pa talaga?" akmang susuntukin ko na sya.
"E nagtaganong ka syempre sasagutin ko!"
"Magsasalita ka pa tala----" susuntukin ko na sya kaso hinarang lang ng nanay nya.
"Lennon sige ituloy mo lang. Ikaw hindi ka na nadala. Pati kapatid mo pinapatulan mo na! Anong klaseng kuya ka?" tss.. Sinisigawan na ako ng nanay ko. Psh!
"At kagabi may binugbog ka na naman. Anong oras ka na rin umuwi? di ka na ba magbabago ha?"
"Pakealam nyo kung nangbugbog na naman ako at gabi na umuwi? "
"Pumunta lang naman dito kanina yung magulang nung binugbog mo. Buti na lang talaga at hindi ka kinasuhan kung hindi. Hay nako! Kumain ka nga dyan. Maghahapunan na tska ka lang nagising." alam ko, perwisyo ako dito sa bahay na ito.
Ganyan lagi yung araw araw na pangyayari sa buhay ko. Pupunta sa barkada, inuman, kung may away naman mangbubugbog na. Pag-gising diretso sa court, pustahan ng tangnang basketball na yan na kahit kailan wala pang nakakatalo sa akin. Tapos uuwi ng madaling-araw. Gigising hapunan na tapos sesermunan pa ng nanay.
Psh! ang ganda ng buhay ko. Langyang buhay. Gago kasi sila e, kaya nagpaka-gago rin ako.
BINABASA MO ANG
Behind a Badboy look
Roman pour AdolescentsDK Ho is someone who is serious in everything that she does. Then, there is Sky who is vocally in love with her for almost a year. But then, Lennon Cuevas-a badboy-came and changed everything. How this simple high school love story unfold the secret...