Annyeong Badboys! Read nyo po 'Twins Knockout: Don't mess up with the gangster' Gulaaaaaaaay! Iiyak ka sa kakatawa sa mga 10rays. Tapos wag nyo na pong tangkaing agawin si Clide Kurt dahil akin na po yun. Thank youuuu! Male version ko yan e.
Nywys, ito na po update ko. Enjoy! ;))
PS. Jhune Castillo on media
Twitter: @siesiezii
Instagram: modernpandora_
********************
DK POV
BWISIT!
Nag-away na naman kami nitong si Sky. Pano ba naman? Lahat na lang gusto nya sa kanya yung masusunod. Pwede naman kasing share kami ng idea diba????? -_______________-"
Pero di naman kasi yun yung kinaiinisan ko e. Y-yung! YUNG SINIGAWAN BA NAMAN NYA AKO NG 'NAGAGALIT AKO SAYO DAHIL ANG MANHID MO! MAHAL KITA TANG INA!'
Di naman nya kailangan akong sigawan ng ganun e. Ang sakit kasi pinagdukdukan pa nyang manhid ako. E kumag pala talaga siya e. Nararamdaman ko yun! MAY PUSO AKO. Sadyang di lang akong handa at parang kapatid lang turing ko sa kanya. WALA NG IBA!
Di ko siya pinapaasa. Ayaw ko lang talaga mag-BF muna. Kaya ayan hanggang ngayon magka-galit parin kami. Asan siya? Ayun binibilang ulit nila yung pera sa alkansya nila. Hatian na daw ng pondo e. Tss...
Alam nyo bang one week na kaming magkaaway bukas. Tapos ang masaklap dun birthday ko pa!!! E sya pa naman lagi yung nangunguna sa pagbati sa akin. Pagpatak pa lang ng 12'o clock siya agad ang babati sa akin. Nakakalungkot talaga.
"Ayan, ayan kasi. Siya yung kaisa-isang lalaki na nagtyatyaga sa kamalditahan mo inaway mo pa lalo." isang kumag rin ang sumingit sa gilid ko.
"Shattap Jhune! Badtrip ako!" nilipat ko yung pananalumbaba ko sa kabilang kamay.
"Tsk tsk tsk. Ngayon lang kayo nagkagalit ng ganyan kahaba. Dati after 30 minutes ok na kayo. E ngayon? Grabe, one week na bukas. Kayo na!" umayos ako ng upo at huminga ng malalim tska tingin kay Jhune.
"Eh anong gagawin ko?"
"Napaka-dali lang." lumapit ako sa kanya lalo kasi sumenyas sya na may ibubulong.
"asdfghjklqwrertyuiop" O______________________O
"ANO???" Humiwalay ako sa kanya. E sira ulo pala talaga ito e.
"Grabe DK! Ang sakit sa tenga nung boses mo. Ang tinis!!!!" kinalikot naman nya yung tenga nya. HMF! Bagay yan sa kanya! BLEH! ~
"E kasi ano ba naman klase yan?? Ni minsan di mo ako nakitang nag-ganun tapos ipapagawa mo sa akin yun?? Ikaw na lang susuportahan pa kita." sabay cross arms ko.
"Madali na nga yun e. Osige, ito na lang. Gusto mo ba talaga magkabati kayo??" umoo naman ako. "Gusto mo pala e. Edi lumapit ka sa kanya at mag-sorry ka. Yun lang, napaka-simple." tumaas lalo yung kilay ko.
"HAHAHAHAHAHAHA! Ako? Sorry? Lalapit sa kanya? HAHAHAHAHAHAHAHA! Di ko gawain yun." umiling-iling pa ako sabay iwas tingin sa kanya. E kasi naman. Sanay ako na ako yung unang lalapitan. Siya ang may kasalanan, siya ang unang lumapit. HINDI AKO!
"Tsk, tsk, tsk! Yan ang problema sayo DK. Masyado ka kasing nasanay na ikaw yung unang lalapitan. Kahit naman na hindi ikaw yung may kasalanan ikaw na lang ang unang lumapit. Masyado ka kasing ma-PRIDE DK." Napatingin ako kay Jhune at ready na yung kamao ko sa pagsalubong sa mukha nya.
"Oopps! Bago mo bangasan yung gwapo kong mukha may sasabihin pa ako. Alam mo, ang pride kasi parang panty lang yan. Walang mangyayari kung hindi mo ibababa." sabay takbo nya. Sabay digest ng sinabi nya. LANGYA!
![](https://img.wattpad.com/cover/5178957-288-k790626.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind a Badboy look
Novela JuvenilDK Ho is someone who is serious in everything that she does. Then, there is Sky who is vocally in love with her for almost a year. But then, Lennon Cuevas-a badboy-came and changed everything. How this simple high school love story unfold the secret...