Panibagong update para sa mga mahal kong readers. Enjoy xx
Twitter: @siesiezii
IG: modernpandora_
****************
DK POV
"DK, practice tayo maya ha." umoo na lang ako. Grabe, anong oras na pero lahat sila parang nakalimot. Natapos na lahat lahat yung General Practice ni isa walang nag-bati. Sige ganyan sila, -____________-
Si Trisha ayun busy sa pagturo ng cheer and yell. Si Gail naman tumutulong sa pagassist sa mga bata. Si Sky natural galit padin sa akin. Yung mga classmates ko ayun mga hawak CP nila.
Naglalakad na ako papunta sa kabilang side para kunin yung bag ko. Uuwi na lang ako! Lord ganito na ba ako kasama kaya wala ng bumabati sa akin? Ganito na ba ako kamaldita kaya nila kinalimutan? Lord, magbabago na ako promise. Teka, anong meron?
Napahinto ako sa paglalakad ng bigla nilang hinarang yung dadaanan ko. Pinagmasdan ko yung paligid ko. Wow! Nakapalibot sila lahat sa akin tapos..... tapos ang sama ng tingin nila. Bang! Anong ginawa ko?????
Biglang may nagtakip sa mata ko. Pusa, anong gagawin nila sa akin.
"H-hoy! anong gaga----"
"Happy Birthday!" someone whispered at my ear then let go of me. Nung tumalikod ako nakangiti na yung mga tao sa paligid ko pero yung bumulong nawala na. Pero may iniwan siyang paper bag na color blue. Kinuha ko!
To: Danielle Kaye Ho
Happy Birthday!
From: Sky Castillo
I smile like theres no more tomorrow. Kaloka! Yung dugo ko ata napunta lahat sa mukha ko. Shit! Ang sweet ni Sky!
"Ayyieeee!" tinukso na ako ng kurimaw kong classmates. Tas yun isa isa ng nag-greet yung mga tao sa loob. Yun pala pakana ito ni Sky. Di daw ako babatiin ng kahit sino kahit kating-kati na silang magsalita. Gusto kasi nya sya unang una at talagang sa gitna. I found it corny yet sweet. Grabe, minsanan lang ito. Lagi ko kayang awayin para laging may eksena.
Pero ang nakakatawa, pati mga teacher namin na-uto nya. Kaloka! kumag talaga. Pero, nasan ba yun?
Teka yung gift ano kaya it? Ito na bubuksan ko na. WOOOOOOOW! Blue teddy bear. Taray ah! Sa Blue Magic pa binili. hahahahaha. Wup, may papel? Basura? Sira ulo talaga.
Pero out of curiosity ay tiningan ko na din. And vuwala! Love letter. LOVE LETTER?
Dear DK,
Ang corny ko noh? Pasensya ka na kung pinatagal pa natin yung away pero maganda narin ito para may chance akong pakiligin ka sa birthday mo. Tuwa ka no? Pero nung una inis ka kasi walang nabati sayo? Oh, wag ka magalit. Asarin ka na naman ni Jhune na Menopause. Hahaha. Ito na talaga. Sorry sa nasabi ko. Pero totoo yun Mahal kita! Kaya handa akong maghintay kahit maldita ka. Happy Birthday ulit. Ito yung katas ng paluwagan namin. -Sky
Sinayang nya yung puno na ginamit sa paggawa ng papel. Basura yung ginawa nya. JOKE! ngayon ko lang naramdaman yung presence of love ni Sky for me. Grabe, all this time para sa akin yung paluwagan na pinag-iipunan nila. Kaya pala ang eager nya na mapuno agad yung alkansiya.
Hay Sky. Sana, sana talaga makahanap ka ng girl na deserving for you. Im not the right girl for you! How do I know? I just feel it. Pero malay natin! Basta ngayon, pakasaya ka muna sa piling ng iba.
Gail POV
Ang sweet talaga ni Sky. Akalain nyo yun na nauto nya ng bongga yung mga teacher at schoolmates namin for this. Nakakaloka! Asan yung dalawa? Ayun magkatabi naghahampasan na. For sure, bati na sila. Di na ako nagseselos. I let go my feelings for him na. Sky will never look at me the way he look at DK.
BINABASA MO ANG
Behind a Badboy look
Teen FictionDK Ho is someone who is serious in everything that she does. Then, there is Sky who is vocally in love with her for almost a year. But then, Lennon Cuevas-a badboy-came and changed everything. How this simple high school love story unfold the secret...
