DK's POV
"DK, sorry na please pansinin mo naman ako." patuloy lang ako sa pagkain ko ng aking lunch.
"DK, sige na oh. Wala lang kaming choice atska sila naman ang nagdecide. Sige ka kaysa naman si Seisha." di ko parin pinapansin si Gail.
"Hayyy, babalikan kita." umalis na siya sa harap ko. Finally!
Nakaka-asar kasi. Sa lahat nalang ng pwedeng ibigay sa akin na task, ang pagiging director pa. Ayos yan!!!
Ano naman kung si Seisha na yung nagvovolunteer na maging director? Wala ba silang tiwala sa babaeng yun? Grabe, nawala talaga ako sa mood. Ewan ko ba! Tinotopak na naman ako.
"Ano ba Jeddyk! Manahimik ka nga hahahahaha" napa-tingin naman ako sa dumaan.
"Sht!" syempre binulong ko lang sa isip ko yan. Napatingin din sya sa akin.
Dahil nga likas na sa akin ang pagiging maldita nakipagtitigan ako. Pero this time sinamaan ko sya ng tingin at sabay irap, balik sa pagkain.
Di ko narin alam ang sunod na nangyari, naglaho na naman sya. Oo, di na sya nagpaparamdam sa akin. Well, okay lang din. Sino lang ba si Lennon sa buhay ko? Isa lang syang acquaintance DK okay?!
Bumalik na ako talaga sa pagkain bago pa ako lamunin ng aking isipan. Mamaya naman may nagbaba ng bote sa harap ko.
"Ano yan?!" walang gana kong sabi.
"Peace offering?" tiningnan ko si Gail. "I quit drinking softdrinks remember?" nanlaki naman yung mata nya.
"OMG! Oo nga pala wait." umalis na naman siya sa harap ko at dinala yung bote. Di nya ako madadala sa mga libre nya. Tse!
"Oh ito nalang, orange juice." hingal nyang sabi. Tumigil naman ako sa pagkain sabay kuha nung juice at uminom at balik ulit sa pagkain.
"Are we good na?" with matching pacute pa. Ewww Gail!!!
"Not yet!" bigla nya nalang sinubsob yung ulo nya sa mesa. I found it cute this time pero syempre palihim lang yung pag ngiti ko.
************
"Hmmm, masyadong heavy ang character naman ni girlash. Kailangan ko ng madaling make-upan na magiging haggard agad." para na akong baliw dito sa kwarto ko kinakausap ko na sarili ko. Well usually ko naman talaga itong ginagawa hay nako!
"Si Seisha pwede kaso masyado namang plain ang mukha. Erase erase erase!"
Naloloka na ako kung sinu-sino ang dapat kong ilagay na character. Yung script kasi okay na, onting revise nalang. Tapos may na-assign narin ako sa production team. Yung main character nalang talaga. Ah bahala na.
"DK, kakain na!" sigaw ng mama ko galing sa labas ng kwarto.
"Okay po ma" sinave ko na yung tinatype ko at ni-logout yung computer tas lumabas na ng kwarto.
"Ma, ano po ulam?" tanong ko habang nagaayos ng mga plato.
"Sinigang na baboy, Cy kumuha ka na ng mga baso dun at tubig." utos ni mama sa bunso nmkong kapatid.
"okay."
Nung maiayos ko na yung mga plato at nakapaglagay na rin ng mga kutsara't tinidor ay umupo na ako. Nilagay narin nung kapatid ko yung mga baso at tubig.
"Pa, Joe kakain na." tumigil sa pagnuod ng PBA yung tatay ko at kapatid ko pang isa hay nako nilamon na ng Purefoods yung dalawa.
"Okay pray na tayo." sabi ni papa pagkaupo nya.
Syempre nagdasal kami at ako ang nag-lead, mabait naman kasi ako ha ha ha.
Matapos naming magdasal ay kumain na kami. Tahimik kaming kumain dahil mamaya pa ako dadaldal.
![](https://img.wattpad.com/cover/5178957-288-k790626.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind a Badboy look
Teen FictionDK Ho is someone who is serious in everything that she does. Then, there is Sky who is vocally in love with her for almost a year. But then, Lennon Cuevas-a badboy-came and changed everything. How this simple high school love story unfold the secret...