Badboy.16 [Weh di nga????]

31 1 0
                                    

Hi hello hello hi :-----)

Twitter: @siesiezii
Instagram: modernpandora_

*******************

Jhune POV

Andito kami ngayon sa Science Room. May exhibit kasi before magstart yung Quiz Bed mamaya.

"Since kanina pa naman kayo nagiikot sa mga naging outputs nung ibang years why don't you try this thing!" tinanggal ni teacher yung blanket. Taray ano ito magic show? LOL!

Nagpuntahan naman kami dun sa may table. Yung bagay na nakatago sa may blanket ay yung parang bolang crystal tapos may electricity sa loob nung ball. Don't tell me?

"Ma'am, manghuhula ka po?" nung pagkasabi ko nun bigla akong binatukan nitong si Sky. "Aray ha!"

"Sira ulo! Dyan kinukuha ni ma'am yung energy nya bago magturo." tumangotango naman ako at namangha.

"Bonna!" this time binatukan naman kaming dalawa ni Sky ni DK. "Mga iniisip ng dalawang 'to?! Nagpoproduce yan ng energy."

"Sabi ko sayo may energy e." nag-apir kami ni Sky.

"Hay nako mga kumag talaga!" umilingiling si DK. "Yung energy na yan ay hindi ginagamit for everyday living. Para kasi siyang ground. Once na nilagay ko yung kamay ko at nagdikit dikit tayo. For example yung daliri ko dinikit sa daliri mo like this." Nilagay nya yung right hand nya sa may ball then yung index finger nya sa left hand nya dinikit nya sa right finger ko.

"ARAY!" Napatanggal yung daliri ko sa daliri nya. Pucha ang sakit nun ah. Shinake-shake ko yung kamay ko.

"See? Na-ground ka. Yung electricity na nang-galing sa ball na ito ay nag-travel papunta sayo using my own body. Our body is composed of nerves and 70% of water. Kaya yun ang naging reason kung bakit dumaloy yung electricity sa iyo. Gets mo na?"

Nagpalakpakan kami. Wow ha! Isa siyang henya. Henyang maldita! HAHAHAHAHA!

"Very impressive Ms. Ho. Totoo yun, kahit na marami pa kayo na magdikit dikit dyan lahat kayo ay magaground." Tinry namin. At oo nga, lahat kami naground.

"HAHAHAHAHA, Ang cool naman nyan. Pangpagising diwa! Ipatry ko kaya yan kay Lennon ng magising diwa nya at ako'y pansinin." nagtawanan kaming mga lalaki.

"HAHAHAHA, Seisha." Hinawakan ko siya sa balikat. "Gr.7 lang tayo! Mag-hulos dili ka!" nag-pout naman siya.

"Bakit naman?" huminga muna ako ng malalim.

"Child abuse yung ginagawa mo e." bigla nya akong hinampas sa braso ko.

"I HATE YOU! I HATE YOU!" naiwas ako sa palo nya habang natawa. "Excuse me ha,.mas matanda siya sa akin kaya!" nag-crossed arms naman siya ngayon.

"Sa edad oo. Pero sa mukha" nagkatinginan muna kami ni Sky. "Malayo ang agwat! HAHAHAHAHAHA!" Halos maghalumpasay na kami sa tawa ng mga boys.

Seisha POV

GRABE! Grabe na yung pang-aasar nila sa akin ha. Porket ganito ako e! Gusto kong umiyak pero ayaw nung mga luha kong lumabas.

"Hoy Jhune. Tumigil ka na nga, masyado mo ng binibiro si Seisha e. Below the belt na yang ginagawa mo!" napatingin naman ako kay DK. Kahit lagi akong tinatarayan ni DK mabait padin naman siya e.

"Class, wag masyadong asarin si Seisha. Di porket ganyan siya apihin nyo na masyado. Di na magandang attitude yan ha! Di past time si Seisha!" sabi naman ni T. Lyra. Si ma'am kahit lagi akong tinatarayan, ganyan lang talaga siya.

Napatingin ako sa mga boys. Nako! Pag ako nakita ko na yung taong talagang magmamahal sa akin, who you kayo sa akin. ><

Kaawan nyo muna ako ngayon kasi sa susunod kaiinisan nyo na ako. I'll make sure to make their lives miserable. Bwahahahaha!

Behind a Badboy lookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon