Huhu last 2 :-------(
*******
Gail's POV
Maaga kaming pumasok nila Jhune, Tricia, GP at Edrick. Ewan ko ba kung anong pakulo nitong si Jhune pero may naisip daw sya na idea para magka-ayos na daw sila DK at Sky.
Kaya ngayon inaayos na namin yung Hanging Garden dahil dito daw madalas tumambay ang dalawa.
Sa tagal ko ng kilala si DK ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito. Nakaka-selos pero sige na nga okay na. Kasi atleast kahit papaano meron secret place ang dalawa.
Kaso paano na sya magiging secret kung alam naman pala ni Jhune? Tas alam narin namin. Hay nako! Minsan talaga sarap kotongan nitong kumag na ito e.
"Oh Jhune ano nang sunod na gagawin?" tanong ko sa kanya nung matapos ko ng ayusin yung projector.
"Ganito na ang plano" binaba naman nya yung hawak hawak nyang mga polaroids at humarap sa amin.
"Since, bibigyan na naman tayo ng time ni Sir para sa editting nung video. Kayo ni Tricia" turo nya sa akin "ay papapuntahin dito sa DK dahil kamo tatanggalin na yung hanging garden. Ipapa-renovate kasi kamo yung school."
"Huh? Teka paano naman kami nakakasiguro na pupunta sya dito talaga?" tanong sa kanya ni Tricia at napa-tango ako.
"Simple lang, DK loves this garden so much. Siya mismo ang nagdidilig sa mga halaman dito pag umaga. Sya rin nagwawalis. Hindi sya papayag na mawala nalang ito basta." napa-nod naman kami sa explanation nya.
"Jusko baka mag-hysterical naman yun at awayin ako ha. Pag yun nang-yari kokotongan talaga kita!" pananakot ko sa kanya.
"Chill ka lang Gail. Syempre di yun mangyayari. Di naman marunong mandamay si DK. Sus! Parang di mo naman sya kilala." aba, pinagalitan pa ako nitong kumag na ito.
"Oo na!!!" sigaw ko sa kanya. Sabay lumingon naman sya kay GP.
"Tayong dalawa naman ang bahala kay Sky. Papapuntahin natin sya dito before pa mapapunta nila Gail si DK. So dapat mas mabilis natin syang makukumbinsi okay?" nag-salute sign naman sa kanya si GP.
"Kami?" nagulat ako kasi ngayon lang ulit nagparamdam si West sa amin.
"kayong dalawa ni Edrick ang bahala sa movie ni ipaplay mamaya." nag-approve sign naman sa kanya ang dalawa.
"So okay na ha? Feel ko talaga magkakabati na sila. Nako, kung hindi talaga pag-uumpugin ko sila. Ang arte arte akala mo naman mga ma-------"
"Mga what?" mataray kong tanong sa kanya.
"Mga ma------ magka-relasyon. Di pa naman sila pero may LQ na. Ikaw naman Gail, easy!" paghihinahon nya sa akin. Inirapan ko nalang sya at isa-isa na kaming nagsibalikan sa mga gagawin.
Ako naman pinagmasdan ko yung nagawa namin. Napahinga nalang ako ng malalim. Sana talaga magka-ayos na kayo para naman di kami nadadamay sa away nyo.
Third Person's POV
Kasalukuyan na gunagawa ng seatwork ang klase nila DK. Habang busy sa pag-solve si DK ay di mapakali sila Jhune at Gail dahil kinakabahan sila sa mang-yayari.
Nang-matapos sila sa ginagawa nila ay pinasa na nila ang papel sa kanilang guro at nagpa-alam na ito.
"Okay class, you may now take your lunch. Bye" agad na lumabas ang guro nila at isa isa na silang nagsitayuan para pumunta sa canteen.
"Tara kain na tayo!!!" hinatak ni Tricia si DK kaya napatayo ito. Ganun na din ang ginawa ni Gail at sabay sabay silang nagtungo sa canteen.
"Ano kayang menu ngayon?" tanong ni Tricia.

BINABASA MO ANG
Behind a Badboy look
Подростковая литератураDK Ho is someone who is serious in everything that she does. Then, there is Sky who is vocally in love with her for almost a year. But then, Lennon Cuevas-a badboy-came and changed everything. How this simple high school love story unfold the secret...