Badboy.24 [Start of something new]

24 1 0
                                    

Omg! Last ep of Scarlet Heart Ryeo. Teka ito na, enjoy this update chingus xx

***********

Lennon's POV

Exam week na. Oo exam week na at di ko parin maalis sa isip ko si DK. Badtrip! Hindi sya nagrereply sa mga texts ko. Pag flag ceremony tinitingnan ko sya pero hindi naman sya napapalingon sa akin.

Hindi ka naman talaga nya titingnan Lennon wag ka ng umasa hay nako! Gago kasi itong si Janno, sa lahat ng pwede nyang masendan ng message si DK pa.

Lumabas ako ng room at nakita kong lumabas si Jeddyk. Tinawag ko sya pero dirediretso lang sya.

"Saan pupunta yun?" bulong ko. Kaya bumalik nalang ako sa room dahil wala naman akong makakausap sa room nila bukod sya lang.

Naupo ako sa upuan ko at hinintay nalang yung susunod naming teacher. Exam na bukas at wala ako sa wisyo para mag-aral.

Maya-maya pumasok yung isa sa admin.

"Ms. Vina Cortes?" tumayo naman si Vina. "Pinapatawag ka sa office." nagkatinginan ang bawat isa sa amin.

Tumayo si Vina at sumunod sa may admin. Tumayo rin si Zedek at lumapit kay Joy.

"Bakit pinatawag si Vina?" hindi makasagot si Joy at mukhang hindi sya mapakali

Nagtataka ang bawat isa. Si Jeddyk parang tuliro nung tinawag ko pero di naman lumingon. Si Vina pinatawag na pumunta sa office.

"Hindi kaya?" bulong ko sa sarili ko. Napalingon sa akin si John.

"Anong sabi mo?" napatingin ako sa kanya.

"Wala." tipid kong sagot. Hindi na rin sya nagtanong dahil bigla narin pumasok yung English teacher namin.

Wala kaming ginawa kung hindi gumawa ng reviewer. Hindi ako gumagawa kasi masyadong puno yung isip ko sa mga nangyayari.

Ramdam kong pinatawag sila dahil siguro sa issue na magka-relasyon silang dalawa. Ewan ko ba sa school na ito, pinagbabawal na magkaroon ng relasyon. Jusko naman! High school na kami 'no!

"Mr. Cuevas?!" tumingin ako sa teacher namin. "Asan na yung reviewer mo?" tanong nya sa akin.

"wala." tipid kong sagot

"Anong wala?" tanong nya sa akin na may halong inis.

"Wala kasi ayokong gumawa" sagot ko. Bigla syang nag-crossed arms.

"Pinagagagawa ko ka----" pinutol ko na yung sasabihin nya.

"Sir, hindi mo na ako kailangang pag-gawain ng reviewer kasi mag-rereview naman ako." hindi na sya nakipagtalo sa akin. Sanay na naman sya na sinasagot sagot ko lang sya.

Nilabas ko yung phone ko at patagong nagcecellphone. Bawal din kasi ang mag-labas ng gadgets o kahit mag-dala dahil kukunin nila. Ang corny talaga!

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tinext ko si DK.

To: DK

Hi

Tinago ko yung phone ko at nag-stoop nalang. Di naman ako umaasa na magrereply sya pero pinapaalalahanan ko lang sya na seryoso ako na wala akong ginawang masama sa kanya. Dahil si Janno naman talaga yung nagtext at hindi ako.

Maya maya dumating na si Vina at di maipinta ang mukha nito. Umupo sya na padabog sa may upuan nya.

"Oh Ms. Cortes anong nangyari sayo?" tanong nung English teacher namin. Hindi ko rin ma-gets itong teacher na ito e, minsan teacher minsan parang tropa lang namin.

Behind a Badboy lookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon