Badboy.33 [Sign]

25 1 0
                                        

So ayun, annyeong!

ig: modernpandora_
twitter: @siesiezii

*********

Gail's POV

"Sky!" lumingon siya sa akin.

"Oh bakit?" tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Aakyat ka na sa may bus?" sabay tumango naman sya. "Pwede paki-sabi kay Amica na kay Seisha na sya tumabi."

"Bakit?"

"Ah basta pasabi nalang sa kanya ha. May kukunin muna ako, may naiwan kasi ako e." tumango nalang ulit sya at bumalik na ako sa may souvenier shop.

---

Nakuha ko na ang dapat makuha, naglalakad na ako malapit sa may bus. Kailangan magka-closure ulit kami ni Jhune.

Habang naglalakad ako pabalik ay napatingin ako sa may itaas.

"What?"

Nakita ko si Jhune at kausap nya si Ate Vinna. Di lang kausap kung hindi katabi nya pa at may halong harutan.

Naghahampasan silang dalawa na parang ang sweet sweet nila. Gusto ko silang paghiwalayin kaya binilisan ko yung lakad ko at umakyat na sa may bus.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa may upuan ko pero instead na paghiwalayin ko sila ay napaupo nalang ako na nagdadabog sa may pwesto ko.

Gusto kong umiyak ng dahil sa galit, inis at selos. Ugh! Nakakainis ka Jhune, una ang sweet mo then magiging aloof ka, now ganito ipapakita mo. Ang gulo gulo mo!!!!

"Alam mo, kung nagsasalita lang yung unan kanina ka pa nyan inaway." Sabi sa akin ni Ate.

"Don't talk to me!" tipid kong sagot.

"Ay wow nag-english!" tiningnan ko sya ng masama at iniba ko nalang yung pwesto ko.

"Pwede ba, wala ako sa mood." di nya na ako pinilit kaya umupo sya sa may tabi ko.

"Im all ears kung kailangan mo ng kausap. Pano pa at naging ate mo ako kung di mo ako kayang sabihan diba." tapos pinat nya yung balikat ko at lumabas ng kwarto namin.

I wanna hug ate for being so sweet but not this time. Kailangan kong namnamin yung pagiging senti girl ko this day.

Buti nalang walang pasok and long weekend kami, di ko makikita ang pagmumukha ni Jhune.

Ayoko syang makita, ayoko syang makausap at baka sampalin ko lang sya sa sobrang inis.

Wala naman akong right kasi wala naman kaming label pero nakakainis lang kasi!

Humiga ako ng ayos at tumingala sa may ceiling. Pinagmasdan ko yung mga glow in the dark stars na matagal na naming dinikit dun ni ate.

"Kailan mo ba ako ulit mapapansin?" napapikit nalang ako sa ilusyon ko. Alam ko na di na ako ulit mapapansin ni Jhune. Pero sana kahit sa onting pagkakataon at panahon maramdaman ko ulit na may pake ka sa akin.

---

Monday. Mag-isa ako ngayon dito sa room at wala pang mga estudyante. Ewan ko ba sa sarili ko, feel ko na pumasok ngayong umaga na sobrang aga.

Nakatayo ako ngayon sa may bandang calendar of activities namin. Ilang events nalang ang pagsasamahan naming lahat bago matapos yung year na ito.

For sure, magsisilipatan na yung iba at ramdam ko na pati ako lilipat narin. Naiiyak ako sa naiisip ko. Nakikita ko palang yung sarili ko na suot suot na yung toga ay di ko na kinakaya.

Behind a Badboy lookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon