Annyeong :--)
**********
Lennon's POV
Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko! Naiinis ako sa gago na yun. Sinabihan ko nang tigilan si DK pero ayaw parin nyang tantanan! Di ba nya nahahalata na ayaw sa kanya ni DK?!
"Kuya! Bangon na!!!" naiirita na ako! Kanina pa ako kinukulit ng kumag na ito.
"Kuya aalis tayo maligo ka na!!" panay ang katok ni Loui sa pinto kaya bumangon na ako at marahas na binuksan ang pinto.
"Ano ba! Ang ingay mo!!" sinigawan ko sya pero inirapan nya lang ako.
"Aalis kasi tayo diba. Tapos di ka pa naliligo hay nako!" kumalma ka Lennon. Kapatid mo parin yang nasa harap mo.
"Ano bang kailangan mo? Saan ba tayo pupunta?" mahinahon kong tanong sa kanya.
"Sa Memorial. Death Anniversary kaya ni daddy. Kumilos ka na nga" umalis na sya at ako naiwan na nakatayo sa may pinto.
Death anniversary pala ni daddy ngayon. Sa lahat ng pwede kong kalimutan yung kay daddy pa. Sinapo ko yung ulo ko at pumasok na sa loob ng kwarto ko.
Ito pala yung araw na nawala sa amin si daddy. Yung araw na nagalit ako sa kanya kaya naging reason kung bakit sya nawala sa amin ngayon.
Kinuha ko na yung tuwalya ko at pumasok sa may cr. Ayaw ko magalit si daddy sa akin dahil di ko sya pupuntahan ngayon.
--
"Kamusta ka naman sa school Lennon?" napatingin ako kay mommy sa tukong nung rear view.
"Okay naman" tipid kong sagot at tuloy parin sa pagmamaneho.
"Wala akong naririnig na nagpapatawag sayo ah. Looks like behave ka" di ako sumagot sa sinabi ng nanay ko.
"Hay nako mommy, inlove kasi si kuya kaya ganyan" napalingon na naman ako sa may rear view at sinamaan ko ng tingin si Loui. Ang kupal di makatingin sa akin.
"Aba? Talaga?" ang saya ni mommy ah.
"Opo gabi gabi napupuyat ako kasi ang ingay ingay nyan" reklamo ni Loui. Onti nalang talaga!
"Teka lang ha, namimiss ko na yung batang yun. Nasan na ba si Frances?"
*screeeeeeeeech*
"Ahhh!!" napahinto ako sa pagmamaneho dahil sa sinabi ni mommy.
"Bakit ano nangyari?" tanong sa akin ni mommy pero ako di parin nagsasalita at mahigpit na nakahawak sa may manibela.
"K-kuya? Affective much? Masakit kaya tumama yung mukha ko sa may headboard!" umiling iling nalang ako sa inaakto nitong si Loui at nagdrive na ulit.
"Tska ikaw naman mommy, matagal ng hiwalay si Ate Frances at Kuya" kunyari wala nalang akong naririnig sa usapan nila.
"Ayy wala na ba? Kailan pa?" patience Lennon...
"Ah eh Mommy, wag ka ng madaldal" buti nalang may pagka-kalahating mabait itong kapatid ko. Kung hindi palalabasin ko sila ni mommy sa kotse e.
"Dito na tayo" yun nalang ang nasabi ko at naghanap nalang ng free space para makapag-park na ako.
Nung makapag-park na ako ay sabay sabay kaming naglakad papunta sa may puntod ni daddy. Buti nalang at nalilinis at maganda ang puntod nya.
Si mommy dahan dahang hinawakan yung lapida ni daddy at nakikita ko na paiyak na sya. Kaya kumuha nalang ako ng kandila sa bag ko at sinindihan ito.
"Hello daddy. Kamusta ka na?" tanong sa kanya ni Loui at ako naman inaayos yung mga kandila at bulaklak na basta nalang nyang binaba.
"Ang daddy nyo oh!" mangiyak-ngiyak na sabi ni mommy. Bakit ba ang drama ng pamilya ko?
BINABASA MO ANG
Behind a Badboy look
Roman pour AdolescentsDK Ho is someone who is serious in everything that she does. Then, there is Sky who is vocally in love with her for almost a year. But then, Lennon Cuevas-a badboy-came and changed everything. How this simple high school love story unfold the secret...
